Kabanata 4

24 1 0
                                    


Note: Pagpasensyahan na po muna ang typo errors, sa ms word kasi ako gumagawa kaya ganun. Medyo tinatamad pa akong i-edit.

Thank you na din sa mga magbabasa nito, Na-appreciate ko ang pagdalaw niyo sa account ko :)

*****

Malaki ang ibinayad sa kanila, kaya malaki din ang nakuha niya.

Sa laki ay kaya na niyong bayaran ang utang nila sa tindahan ni Aling Patring at upa na rin nila para ngayong buwan.

Kaya na nga rin niyang bilhin ang gamot na kailangan niyang bilhin para sa nanay niya.

At ang masaya, may natira pa.

Ginawa niya ang naisip niyang gawin sap era, binayaran niya ang dapat bayaran.

Masaya siya dahil kahit papano ay nabawasan din ang mga utang niya. Nabayaran ang mga kailangan bayaran.

Bumili pa siya ng pagkain, para sa kanila, para maranasanan naman ulit nila kumain ng masarap.

"Magda!" Napalingon siya sa sumigaw, nakita niya si Tonyo na tumatakbo papunta sa kaniya.

Napakunot siya dahil sa itsura nito.

Tila kasi ito hinahabol ng aso dahil sa takot na nakikita nito sa mata nito.

Doon siya biglang kinabahan.

Hinihingal pa ito ng makarating sa kaniya.

"A-ang... na-nanay m-mo..." hinihingal na sabi ni Tonyo, hindi na siya nag-isip.

Sa takot na nakita niya sa mata nito at sa pagbanggit sa nanay niya ay hindi na siya nakapag-isip pa.

Tumakbo nalang siya papunta sa bahay nila.

Iniisip kung anong masamang nangyare sa nanay niya.

Pero wala siyang nadatnan. Wala ang nanay niya sa kamang hinihigaan nito.

Hindi pa rin nawawala ang kaba niya, pero mas dumodoble ito sa bawat minute na hindi niya makita ang tanging pamilya na meron siya.

"Magda, ba't ka tumakbo agad." Hinihingal na naming sabi ni Tonyo.

Tumakbo kasi ulit siya dahil hinabol niya si Magda.

"A-asan ang nanay ko?" Mahinang tanong ni Magda.

Pero ramdam niya na may masamang nangyare ditto.

"Hindi mo kasi ako pinatapos kanina e, ayun nga sasabihin ko-" hindi na niya pinatapos ito dahil sa kaba.

"Asana ng nanay ko!" sigaw niya na nagpabigla kay Tonyo kaya napasigaw din ito ng sagot.

"Sa ospital!" sigaw din nito sa kaniya.

"'Sang ospital?" tanong niya at kinwento ni Tonyo ang nangyare.

Umiiyak na siya nang makarating sila doon, nakita niya si Tita Luisa at Lia. May mga nakita rin siyang mga lalaki na katropa ni Tonyo.

Lahat sila ay malungkot ng tignan niya. Lahat ay nagaalala sa magiging reaksyon niya.

"Iha.." hindi na natuloy ang sasabihin ni Tita Luisa dahil lumabas na ang doctor.

Lahat ay tumayo at dumiretso ditto.

"Sino ang kamag-anak ng pasyente?"

Tumaas siya ng kamay kaya kinausap siya ng doctor.

Sinabi sa kaniya na nagkumbulsyon ito, humina ang tibok ng puso at lumala ang sakit nito.

Isasailalim pa sa ibang test ang kaniyang ina kaya tila nanlumo siya.

May pera pa siya, pero hindi niya alam kung sasapat na ba lahat iyon.

Tumingan siya sa mga tao sa paligid niya at lahat sila'y nag-aalala.

Isa- isa silang pumasok sa silid ng nanay niya at nakita na marami nang aparato at kable ang nakakunekta ditto mula sa katawan ng kaniyang ina.

Isa na naman atang parusa, yun ang naiisip niya.

Isang problema na hindi na niya alam kung paano sosolusyunan.

Napapagod na siya, napapagod na siya sa lahat ng problema na binibigay sa kaniya.

Hindi pa ba sapat?

Hindi pa ba sapat lahat ng ipinakita niya para masabi na kaya niyang harapin lahat ng problema?

Hindi pa ba sapat makita ang paghihirap niya?

Ano pa baa ng gusto ng tadhana sa kaniya?

Ang isagad na lahat ng kaya niyang ibigay?

Kailangan ko din naming magtira para sa sarili ko. Wika niya sa isip niya.

Pero pa'no ang nanay ko?

Napagdesisyunan muna ni Magda na umuwi sa kanila.

May pasok pa siya at hindi siya pwedeng umabsent.

Hindi siya pwedeng magpahinga ngayon.

Dahil mas kailangan niya ng doble kita para sa panggastos sa ospital.

Lumabas siya ng pinto ng bahay nila after niya makapag-ayos para sa pagpasok niya.

Si tita Luisa muna ang magbabantay sa kaniyang ina hanggang sa day-off niya.

Pagdating sa bukana ng eskenita na dadaanan niya ay kumunot ang noo niya.

May isang magara kasing kotse na nakaparada ditto.

Hindi niya alam kung may tao dahil itim ang salamin ng kotse.

Wala din siyang maaninag na gumagalaw sa loob kaya ipinagwalang bahala na lang niya.

Baka sa boyfriend ni Stella ito. Iyon ang nasa isip niya.

Balitang balita kasi na may mayamang nobyo iyong kapitbahay nilang si Stella.

Kinaiinggitan iyon ng lahat ng tao ditto.

Maiaahon na sa hirap ang buong pamilya ni Stella pagnagkataon.

Pero hindi siya naiinggit.

Mahirap kasing makisama sa mga mayayaman, iyon ang turo ng kaniyang ina.

Kaya natuto na lang siyang makuntento sa kung anong kaya at kung anong nararapat sa kaniya.

Naglakad siya patawid hanggang sa papunta sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

Pero pansin niya na may sumusunod sa kaniya.

Nang lumingon siya sa isang kotse na nakaparada ay pasimple siyang tumingin sa salamin para makita ang likod niya at nakita ang kotseng kanina'y nakaparada sa tapat ng eskenita nila.

Hindi boyfriend ni Stella. Sabi niya sa isip.

Pero kung hindi boyfriend ni Stella ay kinakataka niya kung sino baa ng sinusundan nito.

O nagkataon lang na ditto din ang daan na dadaanan ng kotse.

Napabuga siya ng hangin at tumuloy sa paglalakad.

Ayaw na niyang problemahin ang isang bagay na wala naman kinalaman sa kaniya.

Pinaniwalaan na lang niya na parehas lang ng daan ang dadaanan nila ng kotse.

Hanggang sa makarating siya sa bar ay ramdam niya ang pagsunod ng sasakyan.

,opendiž

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon