Salamat sa mga nagbabasa ng aking kwento :) Comment kayo or vote if nagustuhan niyo. Maaappreciate ko iyon ng sobra. Thank you :)
Ilang minute din ang tinagal ng pagkakayakap sa kaniya ng lalaki.
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya bumitaw, hindi siya pumalag.
Hinayaan niyang yakapin siya ng isang taong hindi niya lubusang kilala.
Pero siguro, iyon ang kailangan niya.
Iyon ang kailangan ng puso niya.
Kailangan niya ng init, kailangan niyang ng karamay.
At hindi niya alam kung bakit sa isang lalaking hindi naman niya kilala niya nahanap ang kailangan niya kanina pa.
Tinititigan siya ng lalaki kaya napayuko siya.
Nahihiya siya sa inaasta niya, nahihiya siya sa nakikita nito.
Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya at hinila pabalik sa ospital.
Nakalabas na pala siya.
Nakarating na pala siya sa gilig ng kalsada.
At siguro kung hindi siya sinundan ng lalaki ay baka mauna pa siya sa kaniyang ina.
Nangilid na naman ang mga luha niya sa pagkakaalala sa snabi ng doctor.
Ano nang gagawin niya kung sakaling sumuko na ang nanay niya.
Pano na siya mabubuhay, pano na niya kakayaning maging mag-isa.
"Magda." Napatigil siya ng makita niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki.
"Tanggapin moa ng offer ko at tutulungan kita sa nanay mo." Napanganga siya sa narinig.
Hindi niya alam kung bakit gusting gusto ng lalaki na alukin ang trabaho sa kaniya.
Hindi niya alam kung tungkol saan ang trabaho pero mukhang kailangan ng lalaki ang tulong niya.
Ayun sa lalaki ay tutulungan niya ipagamot ang nanay niya, papatignan ito sa pinakamagaling na doctor sa labas ng bansa.
Ipapatest ang kung anong test para malunasan ang dapat lunasan.
Lahat gagawin para sa nanay niya.
Hindi niya alam ang sasabihin sa lalaki, para kasing naisip nito na pumayag na siya.
Parang hindi na siya dapat sumagot dahil ito na mismo ang nagpasya sa kaniya.
"B-bakit ba ako ang inaalok mo?" tanong niya.
"Dahil kamukha mo siya..." mahinang sambit nito na halos pabulong na pero narinig niya.
"Sino?" tanong niya pero tinitigan lang siya ng lalaki at saka umiling.
"Wala." Pinal na sabi nito.
Hindi na niya tinanong, masyado ng marami ang nararamdaman niya para dagdagan ng inis at galit.
Parang pagod na siyang makaramdam pa.
"Ano bang trabaho iyon?"
Nagdadalawang isip pa rin si Magda, hindi siya papaya kung katawan niya ang kailangan.
Alam niyang alam ng lalaki ang trabaho niya.
Hindi malabong ganitong trabaho din ang iniaalok sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Magdalena
RomanceSi Magda, Magdalena Rivas sa totoo niyang pangalan. Dahil sa hirap ng buhay natuto siyang tumayo sa sarili niyang paa, kumayod mag-isa para mapagamot ang nanay niyang may-sakit. Tuwing gabi ay laman siya ng beer house hindi para maaliw kundi magbiga...