"Magda! Ang nanay mo!" sigaw ni tita Luisa sa kaniya.
Hindi na siya nagtanong, binitbit na niya ang bag at saka nagmamadaling lumabas sa kanilang bahay.
Hindi na rin niya pinansin ang lalaki, hindi na niya inintindi ang bahay nila na hindi niya nasara.
Nagmamadali siya, nanginginig ang mga kamay niya at halos patakbo na ang lakad niya mabilis siyang makarating sa paradahan ng jeep.
Nanay, ito lang ang nasa isip niya. Paulit ulit niyang sinasabi sa isip niya na parang maririnig siya nito.
Parang magiging maayos ang lahat dahil sa pagtawag niya.
Natatakot siyang mawalan ulit.
Wala na ang kuya niya, wala na ang tatay niya, sila na lang dalawa kaya hindi na niya alam kung anong gagawin.
Pakiramdam niya ay mababaliw siya ng dahil sa kabang nararamdaman niya.
"Tanya, si nanay!" sigaw niya ng makita niya itong nasa tapat na naman ng tindahan ni Aling Patring.
Kasama ang mga katropang nagulat ata sa sigaw niya.
Tila naubusan ng dugo si Tonyo na biglang umalis at tumakbo papunta sa kaniya.
"Bakla ka talaga! Bakit mo ko tinawag sa pangalang ganon!" sigaw nito sa kaniya.
Pero patuloy lang ito sa paglalakad at hindi nakikinig.
"Si nanay..." sambit niya at tila nalaman na ng kaibigan ang nangyayare sa kaniya.
"Ang layo pa ng terminal! Magtricycle na tayo!" sigaw nito pero wala pa rin pumapasok sa isip niya.
Nablangko ang lahat, wala na siyang ibang naririnig kundi ang pagtawag niya sa nanay niya sa isipan niya.
"Magda, tara na!" Bulyaw na sakaniya ni Tonyo.
Naibalik lang siya sa wisyo ng maramdaman ang mahigpit na kapit ng isang lalaki.
Nakita niya ang mukha ng lalaking kinasusuklam niya kanina. Nagpupumiglas siya pero hindi niya matanggal ang mahigpit na kapit nito sa kaniyang braso.
Naibagsak na niya ang mga dala niya dahil sa pagpupumiglas niya.
"Bitaw!" sigaw niya pero wala itong ginawa.
"Magda, tara na!" rinig niyang sigaw ni Tonyo pero imbes na tumatakbo patungong terminal ay sumakay ito sa sasakyan ng mayabang na lalaki.
Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa kaibigan.
Lalo siyang nagalit, naiinis siya dahil sa lalaking kaharap niya.
"Magda, ano ba!" sigaw ulit ni Tonyo.
"Pumasok ka na sa loob." Madiing sabi nito ditto.
"Bitaw!" sigaw ulit niya pero hindi pa rin siya pinakinggan.
"Pumasok ka na." halos pasigaw na ding sabi ng lalaki.
Tinignan niya ng masama ito at halos sipain niya sa gitna ng mga hita para lang mabitawan siya.
Bumitaw ang lalaki sa sobrang sakit ng pagkakasipa ni Magda.
Sa sobrang galit niya ay hinigit niya si Magda at binuhat papasok ng sasakyan.
Nagwawala at sumisigaw ito pero hindi na siya pinansin ng lalaki.
Pinaandar na nito ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Magdalena
RomanceSi Magda, Magdalena Rivas sa totoo niyang pangalan. Dahil sa hirap ng buhay natuto siyang tumayo sa sarili niyang paa, kumayod mag-isa para mapagamot ang nanay niyang may-sakit. Tuwing gabi ay laman siya ng beer house hindi para maaliw kundi magbiga...