Chapter 5

250 17 5
                                    

Sorry for waiting!

---

"Sunog! Sunog!" Mula sa kung saan ay bigla na lamang may sumisigaw. Hindi maulinigan ni Jane ng maayos ang sinasabi nito dahil antok na antok pa talaga siya.

"Sunog! Sunog! may Sunog!" Makaraan pa ilang sigaw ay medyo naging malinaw na sa kanya ang sinasabi ng kung sino man ang nasa labas.

Nasusunog ang bahay nila!

Napabalikwas siya sa pagkakahiga, natuptop niya ang kanyang noo nang maramdamang biglang may kumirot sa kanyang sintido.

"Sunog! Sunog!"

Kinusot ni Jane ang kanyang mga mata at saka nag-inat. Siguro'y epekto lamang iyon ng pagka-antok, kung anu-ano na ang kanyang mga naririnig. Imposibleng masunog ang bahay nila.

"Sunog! Sunog!"

Napakunot ang noo niya nang marinig muli ang sigaw.

Nasusunog nga yata talaga ang bahay nila!

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto, dala-dala ang mga importante niyang gamit. Nang makalabas ay agad niyang tinignan ang kabuuan ng kanilang pamamahay.

Bakit walang usok? bakit hindi mainit? Bakit walang apoy?

Mukhang na-good time na naman siya ni Sym! Grabe ang naging kaba niya. Ang akala niya'y magiging bbq na siyang ilalabas sa bahay nila.

Biglang nakaramdam na naman siya ng paka-bwisit sa tiyuhin. Sumusobra na talaga ito! Pati pagtulog niya'y inabala ng binata. Isang linggo nang tumutuloy ang binata sa kanila. At walang araw na hindi siya nito ininis, pina-iyak o pinasigaw.

"SYM!" Nakasigaw niyang tawag sa binata, hinanap niya ito ngunit ni anino ng binata ay hindi niya makita.

She went to the kitchen but he also wasn't in there. Ganoon din nang hanapin niya ito sa garahe. Pati sa common comfort room, tinignan na rin niya ang nananahimik na basurahan ngunit missing in action pa rin ito, makita lamang niya ang talipandas na lalaki ay siguradong makatitikim ito sa kanya.

"Sym, lumabas ka riyan mag-tuos tayo!"

Last resort niya ang kwarto ni Sym, hindi siya nagagawi roon dahil feeling niya'y haven iyon ng mga demonyo ngunit dahil sa sumusubra na ang binata'y babaybayin niya dagat-dagatang apoy. Pagkabukas niya ng pinto ay napamulagat agad siya sa nakita. Hindi nagbabagang apoy at si Satanas ang bumungad sa kanya kun'di naka-topless na isang Adonis. Why so many abs? Binilang pa niya 'yon, 1,2,3,4,5 6! Six yummy pandesal. Mainit-init pa dahil mukhang kaluluto lamang ng mga 'yon. Este kaliligo. Kaliligo lamang ni Sym.

"Ano ba! hindi ka ba marunong kumatok?" singhal nito sa kanya.

Teka? Parang dapat siya ang nagagalit dito and not the other way around.

"Duh! Eh, kung nag-lalock ka kaya ng pinto? There is the bathroom, oh," Jane said while pointing the door of his bathroom, "Bakit hindi ka roon mag-borlesque? Kadiri ka talaga kahit kailan!" Sigaw niya rito pagkatapos ay tumalikod na siya upang hindi na magkasala.

Napailing siya, hindi na virgin ang mga mata niya. Napa-sign of the cross na lamang ang dalaga.

"Oh, you can now face me, nakabihis na ako. Now, can you tell me the reason, kung bakit bigla-bigla ka na lamang pumapasok sa kwarto ng may kwarto," naasar na tanong nito sa kanya.

The nerve of this guy! Hindi ba't siya ang inagrabyado nito? Hindi ba't siya ang naistorbo ng tulog?

"Bakit sumisigaw ka ng may sunog?" paangil na tanong niya rito.

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon