Chapter 12

279 8 4
                                    

Robin says: read and comment. Enjoy!

***

Jane's

Jane was enjoying seeing Sym confused,  para kasi itong babaeng binosohan. As if she would do something like that, siya nga itong pinagnanasahan ng hunghang pagkatapos ay ito pa ang may ganang maka-react ng ganoon?

Tumayo ang dalaga at kumuha ng damit sa closet niya, agad siyang nagpunta sa CR ng kwarto ni Sym upang doon magbihis, paano ba naman ay inunahan siya ng Herodes sa CR ng kwarto niya at doon ginawa ang 'milagro' nito.

Pagkatapos niyang maghilamos, mag-toothbrush, magbihis at magsuklay ay agad siyang lumabas ng kwarto at inilagay sa laundry basket ang mga pinagbihisan niya. After that, she went to  the kitchen to prepare something to eat, she was planning to prepare a lighter meal since she didn't want to cook anything elaborate. Standing on tiptoes and cranning her neck, Jane opened the cupboard, rummaging through it . May nakita naman siyang loaves of bread, naisipan niyang maghanda na lamang ng frech toast.  Nag-brew rin siya ng coffee dahil sa tingin naman niya'y hindi mahilig sa fresh milk si Sym.

When she was done preparing the toast, she also sprinkled powdered sugar on it.  After that, she also squeezed lemon and put a lot of maple syrup.

"Huli ka!"

"Ay letse ka!"

"Kay aga-aga namang pag-mumura niyan, honey."

Sino ba namang hindi mapapamura? Bigla na lamang itong sumulpot sa likod niya at saka siya hinawakan sa beywang. Kay aga-aga rin ay minamanyak na naman siya nito.

Humarap siya sa binata at sinuntok ang kanang braso nito. Hindi naman nagpatinag si Sym at humalakhak lamang. Tinitigan siya ni Jane, bagong paligo na ito. He was wearing a lemon colored V-neck shirt and cream cargo shorts. Simple lamang ang porma nito but damn the guy for being a walking hell, he's friggin' hot.

"That's a bad habit, stop it before it's too late," he whispered on her ear.

"Stop what?" nalilitong tanong niya.

"Stop smiling when you're alone, para kang nasisiraan ng bait. Ikaw rin baka hindi ka na magka-boyfriend kapag may nakaalam na lumuluwag na 'yang turnilyo sa ulo mo," sabi nito sa dalaga, flashing his signature smile.

Kumuha ito ng brewed coffee 'tsaka umupo, nilagyan na rin nito ng french toast ang plato 'tsaka sumubo.

"How am I going to have a boyfriend? Eh 'yung kaisa-isang manliligaw ko linetse mo pa?" naaasar na sabi niya rito. Speaking of Ezra, she forgot to talk to him about what happened, dapat linawin niya sa binata na hindi niya boyfriend si Sym at napag-tripan lang sila.

"Are you that ugly to have only one suitor? baka kamukha pa 'yan ni Palito," pang-aasar pa lalo nito.

"Excuse me?! Gwapo si Ezra, 'no? at saka kaya iisa lang ang manliligaw ko ay dahil siya lang ang hindi ko rineject at kung magkikita kami sasagutin ko na talaga siya, so kung wala ka ng sasabihin, please itikum mo 'yang bibig mo at kumain ka na lang nang hindi ka makatikim sa'kin."

"Ano bang ipatitikim mo sa akin?" tanong nito sa kanya.

"Gusto mo nito?" tanong niya sabay kuha ng french toast at iniambang ibabato sa binata.

"Hey, hey! Igalang mo ang pagkain, misis."

"Don't you ever dare calling me names like that! Hindi kita asawa!"

"O, edi pakakasalan kita."

"Baliw!"

Time out muna ang dalawa sa pag-aaway nang marinig na may nag-dodoor bell sa gate nila, parehas pang napalingon ang mga ito.

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon