Chapter 9

165 10 1
                                    

Robin says: nothing's changed except the POV,  so kapag jej pa rin, paki-sisi ang jej 15 year old na si Rob. 🙊😝😂

Jane's

"Pervert!" she yelled at him, buti na lamang at  walang ilaw, kung hindi ay makikita ni Sym ang pamumula ng mga pisngi ng dalaga. Kaya pala may nakapa siyang matigas, abs pala iyon! Damn that awe-so-hard abs, she was wondering how many months or years of work out he had in the gym just to get that kind of abs? Napa-isip tuloy siyang tanungin. Napa-iling siya, pati ba naman ang abs ay iniisip pa niya. She shook her head fervently to rid herself all the evil thoughts in her mind.

Jane heard Sym chuckle, "You're the one who molested me by touching my abs and you'd call me pervert? Oh, Iha, that's not fair."

"Life isn't fair," she said, maloloka na yata siya! Hirap na hirap siyang mamilosopo. Hindi 'ata niya 'yun namana sa binata.

Hindi na ito nagsalita pagkatapos nun.

"Are you alright?" she asked him again, baka mamaya ay hindi na ito humihinga, tegi na pala, mabyuda este mawawalan pa siya ng tito, kahit naman kasi ubod ng lande at pasaway nitong si Sym ay  mabait naman binata, hindi nga lang niya alam kung saang banda.

"Yep," mahinang sabi nito, "Continue what you are doing," utos nito sa dalaga, Jane didn't know if he really said that in an erotic manner.

Sa inis niya ay bigla niya itong nahambalos, bakit ba kasi double-meaning ang lalaki?

"Ouch! Just say if you wanna kill me!" daing nito sa naiiritang boses habang hinihimas ang balikat nito kung saan niya ito nahampas.

"Sorry, double-meaning ka kasi!" sumbat niya, ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkapa sa dilim, siyempre iniwasan niya na ang abs ng binata.

Mga limang minuto rin siya sa paghahanap sa magic lighter na 'yun. Ang akala pa nga niya ay hindi niya na talaga iyon makikita, 'ayun pala't nasa may paanan lamang iyon ng upuan na malapit sa kanya.

"Got it!" Linapitan niya si Sym at iwinasiwas sa harap nito ang lighter, agad niya pinasindi ang flashlight. Sosyal ang lighter ng magaling! May flashlight!

"Good, now get some candles and lighten it up," utos ni Sym sa kanya, unti-unting gumalaw ang binata upang makabangon.

Tutulungan niya sana ito ngunit pinalis nito ang kamay niya.

"Don't, just do what I tell you to do," utos nito kay Jane.

Wala siyang nagawa kun'di sundin ang inuutos ng binata, agad siyang naglakad papuntang kusina upang hanapin ang drawer kung saan inilagay ng Mama niya ang mga kandila nila. Kung bakit pa kasi hindi agad nakapag-install ng emergency lighy sa bahay nila. Kahit natatakot siya sa dilim ay  wala siyang magagawa, kasalanan rin naman niya. Kung hindi siya nagpadala sa takot ay hindi naman sila magkakabungguan ni Sym.

Nang makita niya na ang mga kandila ay  inilawan niya agad ang mga iyon. Agad siya bumalik sa kinaroroonan ng binata. Nakita niyang nakaupo na ito at nakasandal ang likod sa may pader.

Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil napaka-dim ng ilaw na nagmumula sa kandila.

"Tell me, Sym, are you really alright?" muli niya tanong sa lalaki, alam niyang nagiging makulit na siya, hindi lang talaga niya ito matiis. It must be the guilt.

"I'm alright, a little groggy but I'll be fine, bukol lang 'to." Sym made it more lightly by adding some humours in his words.

Inilagay niya ang kandila sa sofa table at inakay ang binata papuntang sofa. Sa tingin niya ay mukhang ayos na rin ito kumpara kanina dahil nakukuha na nitong ngumiti, hindi na rin siya masyadong nag-aalala dahil mas umaliwalas na rin ang mukha nito at nakakapag-joke na rin.

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon