EPISODE 3 - IPHONE

263 4 1
                                    


ANG MGA HINDI KAPANI-PANIWALANG PAKIKIPAGTUOS NI SUPERMAN

"At ako si Superman! Hindi ako lumilipad, hindi ako mabilis at hindi rin ako malakas ngunit tatalunin ko ang mga kalaban at ililigtas ko ang mundo laban sa masasama. Tara na! Laro na tayo!"

EPISODE 3 - IPHONE

Katulong siya diyan sa malaking bahay, at noong una ko palang siyang nakitang nagsasampay sa tapat, may kakaiba na akong naramdaman. In lab na ako sa kanya, love at first sight daw ang tawag dun, wala akong hindi gagawin para sagutin niya ako. Siya si Inday at gagawin ko ang lahat-lahat para lang maging kami.

Sa totoo lang, ganito pala ang mainlab, nagkakaroon ng inspirasyon na magkasilbi ang buhay mo. Sentro ng buhay ko ngayon si Inday, para akong na-uulol sa tuwing naiisip ko siya. Ang kanyang mahabang buhok, ang mga mapupungay niyang mata, ang cute niyang ngiti, yung tawa niya, ang kanyang mukha na parang artista at siyempre 'yung magandang hubog ng kanyang katawan. Lagi ko siyang pinapantasya at walang oras na hindi naglalaro sa aking isipan kung paano ko siya didiskartehan. Shet, nababaliw na yata ako, pero ganoon talaga eh.

Alam niyo ba, tatambay-tambay lang ako dati, wala akong absent sa mga inuman namin. Pero dahil kay Inday nagbabanat na ako ng buto ngayon, kargador na ako sa palengke! Tinatantanan na rin ako ng aking mga magulang sa hindi matapos-tapos na sermon tungkol sa pagiging ka-tu-ga ko. Iba na ako ngayon at lahat ng iyon ay dahil kay Inday, lahat gagawin ko para sa kanya. Ang galing nga eh, ako ngayon ang opisyal na kargador ni Inday sa tuwing siya ay namamalengke, plus pogi points!

Marami pa akong pinasok na raket, nandiyan na nagbarker, construction, at marami pang iba para may pang Jollibee sa tuwing nagdadate kami at dahil alam ko na rin ang pinakamatinding diskarte! Narinig ko ito nang minsang natsambahan ko si Inday na nakikipag-inuman sa parlor ni Bays diyan sa may kanto.

"Hoy, Inday, ano kayo na ba ni Boy Kargador? Lagi namin kayong nakikitang magkasama. Hoy, Inday, huwag mong sabihing pang-kargador lang ang beauty mo?", tanong ni Bays.

"In fairness, masipag si Boy K!", sundot naman nung kaibigan ni Bays.

"Hindi pa kami ni Waldo, mabait lang siya sa akin, pero alam mo Bays kung sino sasagutin ko sa mga manliligaw ko? Uunahin ko yung magbibigay sa akin ng brand new na Iphone", sagot naman ni Inday.

"Oh di ba, yan si Inday! Ay, mag-unahan na lang sila sa Iphone na yan at sa kanila na ang beauty ni Inday!", hirit naman ni Bays, sabay malakas na tawanan.

Walang'ya! Iphone! Ha! Iyon ang pinakamatinding diskarte para kay Inday! Tingnan mo nga naman! Inday, kahit magkano pa ang cellphone na yan! May pera na ako! At ngayon nga ay bibilhin na namin iyon! At syempre ang pagkakataon na ito ay dapat sinasabayan ng stateside kong polo, pantalon at sapatos na galing pa sa pinsan kong taga-Dubai. Wala nang tatalo sa porma ko sa lugar namin at maya-maya lang ay yayain ko si Inday na mag-date at susurpresahin ko siya ng gusto niyang cellphone at pagkatapos n'un, kami na! 

Lumabas ako sa bahay namin at sinuot ko pa ang shades ko para mas maging astig. Kakaiba ang araw na ito, sobrang excited na talaga ako! Naglakad ako sa gitna ng kalye namin. Nandun na nakatingin sa akin yung mga rugby boys na namamayat na sa kakarugby, pero patuloy pa rin sila sa trip nila. Sa kabilang klaye naman ay naghahapi-hapi ang mga barkada ko kaharap ay bote ng gin habang nagkakantahan nang tanghaling tapat, naghiyawan sila nang nakita nila ako. Nakatingin din sa akin yung matandang tumitira ng basura na para bang nakakita ng artista! Nagsilabasan din yung mga tauhan ni Bays sa may parlor na parang ngayon lang silang nakakita ng guwapong lalake. Sinusundan din ako ng tingin ng mga grupo ng babae sa may gilid na walang ibang ginawa kundi magpalitan ng tsismis. Bigtime ako ngayon! Bilib na bilib sila sa akin!

ANG MGA HINDI KAPANI-PANIWALANG PAKIKIPAGTUOS NI SUPERMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon