Hindi mo kailangang makagat ng gagamba, maging mutant, lumunok ng bato, magsuot ng tights tapos brief o kung anu-ano pang gimik. Baka nga nasa tabi mo lang pala siya naghihintay ng pagkakataon makagawa ng isang bagay na ikakaligtas ng sanlibutan laban sa masasama, baka nga ikaw na iyon, tulad lang nila na hindi nagpapahalata.
Ito ay koleksyon ng mga chismis/kuwento ng mga pakikipagtuos, na baka nga hindi mo paniwalaan, ng isang bata na may kakaiba, katawa-tawa at hindi kapani-paniwalang pangalan. Sundan ang kanyang mga misadventures dahil hindi mo kailangan ng pulang kapa para maging isang superhero.
(Lahat po ay kathang isip lamang, wala pong ibang hangarin ang may-akda ngunit ang mangulit at mang-entertain sa mga mamababasa, peace yo!)
BINABASA MO ANG
ANG MGA HINDI KAPANI-PANIWALANG PAKIKIPAGTUOS NI SUPERMAN
AcciónAng mga misadventure ni Superman!