EPISODE 2 - LUBID

323 8 3
                                    

ANG MGA HINDI KAPANI-PANIWALANG PAKIKIPAGTUOS NI SUPERMAN

 “At ako si Superman! Hindi ako lumilipad, hindi ako mabilis at hindi rin ako malakas ngunit tatalunin ko ang mga kalaban at ililigtas ko ang mundo laban sa masasama. Tara na! Laro na tayo!”

EPISODE 2 - LUBID

Tawagin niyo na lang akong Tandang Crispin, karaniwang laman ako ng kalye, namumulot ng basura kasama ang aking sakong hindi ko na matandaan kung kailan napasaakin. Matanda na ako at hindi na mahalaga kung ilang taon na akong nabubuhay sa mundo. Ang buhay ko ay kasing kulay ng mga basura na pinupulot ko araw-araw.

Saan ko ba sisimulan ang pagkukuwento, noong bata pa ako simple lang naman ang buhay natin eh, mahirap na nangarap. Simple lang din ang pangarap ko, magkatrabaho at bumuo ng isang masayang pamilya. Magkaroon ng anak na gagabayan kong mangarap din para sa kaniyang bubuuing bukas. Pero minsan kahit pala ang napakasimple lang ng mga pangarap mo, mahirap pa rin itong makamit.

Ang masayang buhay na pangarap ko ay nagsimula nang makilala ko si Auring, ang pinakamamahal kong asawa. Hindi ako tapos ng kung anuman, maggugulay lang tayo, wala tayong maipagmamalaki, pero kahit ano ka pa basta’t may pangarap ka para sa mga mahal mo sa buhay, sige lang ng sige. Walang mahirap basta hindi ka nangaagrabyado ng kapwa mo at marangal ang trabaho mo, hindi mo kailangan ng titulo o ano pa man.

Pagkatapos ng isang taon ng pagsasama namin ni Auring, sa awa ng Diyos, nabiyayaan kami ng isang anak at noong una kong nakarga si Junior parang maslalong nadagdagan ang aking inspirasyon na magpursige pa sa pagbuo ng isang masayang pamilya.

Ika-pitong taon ni Junior ng dapuan siya ng dengue. Walang wala kami noon at maraming hinahabilin yung doktor na mga gamot, dugo atbp. Kaya naman naisipan kong mangutang sa aking amo at alam ko namang matutulungan nila ako. Medyo gabi na nang nakarating ako sa bahay nila at laking tuwa ko nang makita kong nakasindi pa ang ilaw ng kanilang sala at nakabukas pa ang kanilang pintuan. Nasabi ko pa sa sarili ko noon na masuwerte ako, at salamat sa Diyos, masmaaga akong makakautang, masmaagang gagaling ang aking anak.

Bukas ang kanilang gate kaya dire-diretso ako sa kanilang pintuan at laking gulat ko ng madatnan ko sa bungad ng kanilang pintuan ang isang bungkos ng pera. Natawa ako dahil alam yata nilang nangangailangan ako ng pera, pinulot ko iyun upang ibalik sa kanila. Pumasok ako sa may sala at laking takot ko nang tumambad sa aking harapan, ang aking amo na lalake nag-aagaw buhay at naliligo sa sarili niyang dugo katabi ang wala ng buhay niyang asawa. Lumapit ako sa aking amo, binuhat ko ang kanyang ulo at idinantay ko sa aking hita, may sinasabi siya sa akin pero bago ko pa man iyon maintindihan ay nalagutan na siya ng kanyang hininga. Hindi ko alam ang aking gagawin at ang sumunod na lamang na nangyari ay napapalibutan na ako ng mga pulis at may sumunggab sa akin, hinuli nila ako.

oSo

Dalawampung taon daw ang aking bubunuin sa kulungan! Dalawampung taon na pagkakulong! Ang maslalong masakit hindi ang nawalan ka ng kalayaan! Ngunit ang pagkatao mo na nasira dahil sa isang krimen na hindi mo naman nagawa! Ang pagkawala ng tiwala ng mga taong malalapit sa iyo! Ang tawagin kang kriminal! At higit sa lahat ang mawalay ka sa iyong pamilya! Peste talaga, napakasakit!

Sa unang taon umasa ako sa pangako ng ibang tao, umasa ako na makakalaya ako dahil ako naman ay inosente. Tumatangis ang aking kalooban at ang nagpapatahan sa aking poot ay ang buwan-buwang pagbisita ni Auring, alam kong hindi siya naniniwala na ginawa ko iyon! Alam ko iyon, alam kong alam niyang inosente ako. Ang bawat pagbisita ni Auring ay nagbibigay sa akin ng pag-asa at ang pananatili ng simpleng pangarap ko ng isang masayang pamilya. Lalaya din ako dito dahil inosente naman ako, lalaya ako at magsasama kaming muli.

ANG MGA HINDI KAPANI-PANIWALANG PAKIKIPAGTUOS NI SUPERMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon