Part V: It's Back!

26 1 0
                                    

I was on my way to school this morning. 5:30 ako umalis ng bahay kaya alam kong hindi ako male-late dahil isang tricycle lang naman ang sasakyan ko. Right after ko bumaba ng trike, biglang nagtext si Chelsea...

<Oy babae, nandito na siya. Late ka na :D>

Bigla akong nataranta. Nasa gate pa lang ako ay tumakbo na ako hanggang makarating sa room, kahit nagtataka ako kung bakit ang aga dumating ni Ma'am sa klase. Habang nasa hallway ay tumatakbo pa rin ako at ramdam ko na nakatingin sakin halos lahat ng estudyante from the other classrooms na nadaanan ko. Pagdating ko sa pinto ay saka lang ako huminto sa pagtakbo, hinihingal ako pero pinigilan ko para hindi masyadong halata. 

Nakatingin sakin halos lahat ng classmates ko. Nakakahiyaaa! Napansin kong wala pa naman yung gamit ni Ma'am sa table sa harap kaya tinignan ko si Chelsea nang masama. Pag-upo ko, kinurot ko siya sa braso.

"Ano ka ba naman bessy! Halos malagutan na ko ng hininga kakatakbo mula sa gate hanggang dito, bakit mo sinabi ni nandito na si Ma'am at late nako? BV (Bad Vibes) ka naman oh!" nakasimangot kong bungad kay Chelsea.

"As far as I remember bessy, wala akong sinabing si Ma'am ang nandito. Hahaha! Sorry kung nagpanic ka. Hahaha" sabay dila niya sa akin.

"Eh ano ba kasing problema mo?" tanong ko habang nakakunot pa rin yung noo ko.

"Here oh!" (sabay labas ng isang familiar at cute na plastic bag in her right hand) "It's back bessy! He's back! Ayiiieee! Nyahaha!" tukso ni Chelsea.

Biglang umaliwalas yung mukha ko. Lahat ng badtrip sa katawan ko, napalitan agad ng Good Vibes! Nabubuo talaga yung araw ko dahil sa candy bags na 'to!

As usual, may note ulit na naka-attached sa labas ng plastic bag. And this time, mas may sense... "Roses are red. Violets are blue. Here's a sweet treat, for a sweet girl like you :D"

Awww. Sobrang kinilabutan ako sa kilig. Hahaha! Napangiti ako nang wala sa oras. Bigla ko na lang naramdaman na may humila sa dulo ng buhok ko.

"Aray!" reklamo ko.

"Haba ng hair mo babae ah? Matatapakan ko na oh! Hahaha" kantyaw ni Chelsea.

Ako:     Alam mo bessy, may clue nako kung sino nagbibigay nito

Chelsea:     Ako rin. Feeling ko si Angelo. Nahuhuli ko kasi siya madalas na nakatingin sayo. Kala niya siguro, porke nakatalikod ka sa kanya hindi mo malalaman. E may mata kaya ako sa likod! Haha. Tuwing napapalingon ako sa third row, siya agad yung nakikita ko, nakatingin siya sayo!'

Ako:     Ang fail mo naman mag-isip bessy. Imposible naman yan. Kita mo wala pa nga siya dito oh.

Nagkukulitan kami ni Chelsea nang biglang dumating si Gelo. Hindi pa naman siya late pero 5 mins na lang at 6am na. Hindi siya sa unahang pinto dumaan, kundi sa likod. Kaya hindi na namin napansin ang pag-upo niya.

Ako:     Oh see? Paano naman niya mailalagay 'to dito eh mejo late na pumapasok yan. Feeling ko tama ka bessy e. Si James nga ata. Kahapon kasi nagshare ako sa kanya ng payong kaya sabay kami lumabas ng school. Tapos ngayon, biglang meron na naman nung candy bag. Malakas talaga kutob ko e.

Lumipas ang araw na hindi pa rin namin nalalaman kung sino ba talaga ang aking secret admirer.

Lumipas din ang isang linggo at araw-araw pa rin akong nakakatanggap ng candy bags with a note attached to it. Kung minsan pa nga, sa loob mismo ng bag ko inilalagay. I just don't know kung paano niya yun nagagawa. But I must admit, that is something sweet <3 :)))

Isang buwan pa ang lumipas at consistent pa rin akong nakakatanggap ng cute plastic bag of candies. Last week of July, when we decided to do a research work sa library after ng klase. Kasama ko si Gelo at Samantha na pareho kong groupmates sa Chem.

Medyo hindi na rin pala ako naiinis kay Gelo. Nakakausap ko naman na rin kasi siya kahit papano pero sandali lang. Hindi ata kasi siya yung tipo na madaldal sa mga girls. Pero kapag kasama niya sina James, ang gugulo nila.

"Yanna..." naglalakad ako papuntang library nang may biglang tumawag sakin from behind.

Si... si Gelo? First time niya akong tinawag sa pangalan ko. Kadalasan kasi, ako yung nag-aapproach sa kanya. Ako kasi yung leader ng group namin kaya laging ako yung kumakausap sa kanila. Minsan lalapit siya tapos iaabot lang yung mga naresearch niya. Ganun lang.

Ako:     Ha? Baket?

Sweet Love (A Candy Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon