Tapos na ang seating arrangement. Buti na lang at maganda ang pwesto ko dahil ang surname ko starts with the letter "A" for Ayala. Aryanna Francine Dy Ayala ang full name ko. Nickname ko lang kasi yung Yanna kaya nakasanayan na rin ng yun ng lahat.
Ayun nga, nasa aisle ako sa second row kaya bukod sa malapit ako sa board, katabi ko pa rin ang bessy ko. Hahaha. Belmonte kasi ang surname ni Chelsea kaya sa pagiging seatmates nagsimula ang pagiging magbestfriend namin.
Mrs. Adviser: Now that you are in your proper seats, magkakaroon na tayo ng groupings. By September, we will be launching a huge exhibit para sa Science Fair. Each group will have to come up with a Research Study na related sa Chemistry. By tomorrow ko na lang ia-assign yung mga possible topics na pwede niyong magamit. Sa ngayon, mag-groupings na tayo. Bibilang lang kayo ng 1 hanggang 15, then balik ulit sa 1 ok? Then yung magkakapareho ang number, yun ang magkakagrupo. Let's start.
1... 2... 3... 4... 5... and so on. Hanggang natapos na nga. No. 11 ako. At nang malaman ko kung sino yung dalawa ko pang groupmates. Sobrang natuwa ako. Isa kasi sa mga kapareho ko ng number, eh yung gwapong mukang suplado. Nasa aisle din kasi siya nakapuwesto pero third row nga lang kaya ang lapit lang din ng pagitan namin.
"Hi groupmate! Yanna nga pala ^_^" sabay abot ng right hand ko para makipagshake-hands sana.
"Gelo" sabay tapik sa kamay ko.
+_____+ WHAT THE??? Ang yabang niyaaa! Nakakainis. Panira ng mood. Bwiset.
Hanggang uwian tuloy badtrip ako.
Chelsea: Uy bessy, bakit ka nakasimangot dyan? Kanina ka pa tahimik ah?
Ako: Hay nako sy, remember that new guy na pinag-uusapan natin kaninang umaga? Bwiset. Hanggang sa pagiging gwapo lang pala siya magaling. Leche!
Chelsea: Whoa? Bat high blood ka girl? Anyare ba?
Ako: Kagroup ko kasi siya sa Chem. Tuwang-tuwa pa naman ako. Kinapalan ko na nga yung muka ko na i-approach siya. Siyempre groupmates kami, alangan namang hindi ko siya kilala daba?
Chelsea: Oh tapos?
Ako: Ayun, makikipag shake hands lang ako dapat, tinapik ba naman yung kamay ko. Ang presko grabeee! Sama ng ugali!
Pinagtawanan lang ako ni Chelsea. Hanggang makauwi ako sa bahay nakasimangot lang ako. Nawala lang ang badtrip ko nang makita ko yung candy bag sa gamit ko. Kahit hindi ko alam kung sino ang secret admirer ko, sobra kong kinikilig. Hahaha! Ang bilis lang magbago ng mood ko e no?
Sana bukas meron ulit. Sa susunod na bukas. Sa susunod na linggo. Sana araw-araw meron. Sana talaga... :DDD
BINABASA MO ANG
Sweet Love (A Candy Love Story)
Novela JuvenilIt All Started With a Candy Bag :))) <3