Part VI: We're Friends :))

30 1 0
                                    

"Kailangan ko kasi umuwi nang maaga ngayon. Wala kasing tao sa bahay.  Gusto niyo sa bahay na lang tayo magresearch? May mga encyclopedia naman kami dun. May internet din naman. Kung ok lang naman sa inyo?" tanong ni Gelo.

"Sakin ok lang naman. Itetext ko na lang si Mama para magpaalam", mabilis namang sagot ni Samantha.

"Ah.. Eh di sige. Tatawagan ko lang muna Mommy ko. Pero ok lang ba na sa bahay niyo tayo magreresearch? Baka kasi biglang dumating parents mo, magalit yun?" tanong ko naman kay Gelo.

"Hindi no! Mas gusto nga ni Mama kapag nagsasama ako ng classmates sa bahay e. Kadalasan kasi kaming dalawa lang nandun" depensa naman niya.

Umalis na kami sa school para makarating na agad kina Gelo. Hindi naman masyadong malayo ang bahay nila. Isang jeep lang ang sasakyan then mga 15 minutes ang byahe.

Pagdating sa kanila, wala ngang tao. Nagbihis lang agad si Gelo tapos binuksan niya ung computer at internet. Tinuro lang din niya kung nasaan yung bookshelf nila tapos iniwan na kami sa sala kasi magluluto lang daw siya ng kakainin namin. 2:30 na nun pero hindi pa kami nagla-lunch.

After niya magluto, kumain muna kami sandali tapos nagsimula na kaming gumawa. Sa sobrang busy namin, hindi namin namamalayan ang oras. Iba-iba kasi kami ng ginagawa. Ako ang nasa harap ng computer para magtype. Si Sam at Gelo naman ang nagreresearch sa encyclopedia.

"Uy guys, 6o'clock na pala! Kailangan ko na umuwi. Bawal kasi ako gabihin. Sorry Yanna ah? Magreresearch na lang ulit ako sa bahay" nagmamadaling paalam ni Sam bago siya tumayo at ayusin ang mga gamit niya.

Ako:     Ganun ba, sige ayos lang. Tatapusin ko nalang din tong Chapter I and II tapos uuwi na rin naman ako. Ingat Sam ah? Salamat!

Sam:     Sige. Salamat po leader. Hahaha! Uy Gelo, thanks din ah! By the way, sarap ng luto mo kanina ah. Haha!

Gelo:     Sus. Wala yon. Sige ingat ka.

Sandali pa lang nang makaalis si Samantha, biglang bumukas ulit yung pinto. May dumating na isang babae. Maganda, maputi at nakasuot ng t-shirt at shorts na maong. May dala siyang plastic ng mga pagkain at gamit kaya alam kong sa grocery siya nanggaling.

"Ma! Dyan ka na pala! Buti hindi ka masyadong ginabi." sabi ni Gelo sabay hinalikan niya yung babae sa pisngi.

"Oo nga e. Buti medyo konti lang ang tao sa mall kaya hindi masyadong mahaba ang pila" sagot ng babae tapos biglang napalingon saken.

"Buti may kasama ka naman pala. Girlfriend mo? Hahaha!" pabiro ng babae.

"Sira. Classmate ko yan. Si Yanna nga pala. Yanna si Mama ko. Pagpasensyahan mo na ha? Medyo loka-loka yan eh" sagot ni Gelo.

Binatukan nung babae si Gelo habang papunta na ito sa kusina. Lumingon sakin yung babae tapos ngumiti. Grabe? Sobrang close pala ni Gelo sa Mama niya para sabihan niya yun ng loka-loka? Akala ko pa nung una, ate niya lang. Yun pala, Mama niya. Hahaha! Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko kaya natawa na rin ako.

"Ah... Ikaw pala si Yanna. Ikaw pala leader nitong anak ko. Dito ka na magdinner ha? Mukang di pa kayo kumakain e. By the way, Emily. Tita Emily na lang" nakangiting aya sakin ng Mama niya tapos nakipag-shake hands.

"Ay opo. Nice to meet you po. Tita uuwi na rin po ako maya-maya kaya wag na po kayo mag-abala sa dinner" nakangiting sagot ko rin.

"Naku bawal tumanggi dito. Haha! Ipapahatid na lang kita dito kay Gelo after natin kumain. Sige na, maaga pa naman e? Tsaka minsan lang magkaroon ng ibang tao dito sa bahay e" pilit sa akin ng Mama niya.

Hindi ako makatanggi dahil siyempre nakakahiya. Tapos sobrang cool pa ng Mama niya. Nakakatuwa! Hahaha! Kaya pumayag na rin ako. Tinext ko agad si Mommy na medyo gagabihin ako ng uwi. Buti na lang at hindi naman mahigpit si Mommy kaya ok lang sa kanya kahit gabihin ako. Basta ba nagpapaalam daw ako at alam niya kung anong oras ako uuwi.

Nagsimula na ulit ako magtype sa computer.

"Nahihiya ka rin pala no? Tsaka kaya mo rin pala maging tahimik paminsan-minsan?"

Nagulat ako kasi biglang may nagsalita. Paglingon ko, si Gelo pala. Pang-asar yung tono ng boses niya kaya sumagot din ako.

"Baket? Ano naman kala mo saken? Makapal mukha?" sagot ko naman.

"Parang ganun na nga. Ang daldal mo kasi sa school e. Ingay niyo nung barkada mo" paliwanag naman niya.

Ako:     Ay? Nagsalita ah? Kayo nga nina James pag magkakasama kayo, para kayong banda e. Si James pa naman nuknukan ng daldal nung lalaking yun. Lakas maka-impluwensya! Hindi ko nga akalain na makakasundo mo yun e.

Gelo:     Oh? Bakit naman?

Ako:     Suplado ka e. Loner pa.

Gelo:     O___o     Ouch naman.

Ako:     Eh kasi naman, nung nakipagkilala ko sayo nung first time natin maging groupmates sa Chem, tinapik mo lang kamay ko tapos nilayasan mo na ko. Ouch din yun no!

Gelo:   Ah yun ba? Pasensya na. Wala pa kasi akong kilala nun sa klase niyo that time. Naninibago pako tsaka nahihiya akong makipag-usap kahit kanino. Nagulat nga ako sayo bigla mo kong nilapitan kaya hindi ko alam gagawin ko. Transferee kasi ako. Kakauwi lang namin ni Mama from U.S nung summer vacation tapos nalaman ko dito na pala kami magstay for good. Mas gusto pa rin daw kasi ni Mama dito sa Pinas e. Si Papa naman naiwan dun kasi nandun yung business namin.

Ako:     Aaaahhh... Wow! Rich kid ka pala e. Tapos only child pa?

Gelo:     Hindi naman. May ate ako, kaso sa September pa siya makakauwi. Tatapusin niya lang daw yung kontrata niya sa work niya dun tapos dito na rin siya, kasama namin.

Ako:     Owww I see!

Gelo:     Anyway. Angelo Riviera Lopez. 17 years old. It's nice to meet you again (sabay abot ng right hand niya)

Ako:     Ok cge. Quits na tayo. Hahaha! Aryanna Francine Dy Ayala. 16 years old (sabay abot din ng right hand ko)

Gelo:     Ayan ah. Ok na ah. Friends?

Ako:     Hmmm. Suuure! Friends! :DDD

Sweet Love (A Candy Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon