Natapos ang kwentuhan namin dahil tinawag na kami ni Tita Emily para kumain ng dinner. Cool talaga kasama ang Mama niya. Para lang silang magbarkada kung mag-usap. Tuwang tuwa rin sakin ang Mama niya nang magsimula na kong maging madaldal. Halos hindi kami maubusan ng pinag-uusapan. Wala rin akong ginawa kundi tumawa nang tumawa dahil sa kinekwento ng Mama ni Gelo.
Pagtingin ko sa oras ay 8:30 na. Kailangan ko na umuwi kaya nagpaalam na ko kay Tita. Pinipilit niya ako na magpahatid kay Gelo pero ako na ang tumanggi. Hinintay na lang nila akong makasakay ng jeep at sinabi na tumawag o magtext daw agad ako kapag nakauwi na ako. At ganun nga ang ginawa ko. Ang sweet nilaaa! Hahaha!
Pag-uwi ko ay nagbihis lang ako kaagad at nag-ayos ng mga gamit para bukas. Nahiga na ako para matulog. Sobrang saya ng araw ko. Friends na kami ni Gelo e. Friends na kami ng crush ko. Hahaha! :))) <3 Pero secret ko lang yun syempre :D
Mabilis lumipas ang mga araw bago sumapit ang buwan ng September kung kailan gaganapin ang pinaghahandaan naming Science Fair. Araw-araw rin ay mas nagiging close kami ni Gelo dahil bukod sa groupmates kami sa Chem, magkalapit lang din ang mga upuan namin.
Kapag weekends ay nagpupunta pa rin kami ni Sam sa bahay nina Gelo para doon ituloy ang research work namin. Minsan sa bahay naman nina Sam kami dumadayo.
Lumipas ang buong buwan ng August at malapit na kami matapos sa research work ng group namin...
First week of September na...
Mrs. Adviser: Good morning class. I hope by this time ay handa na kayo para sa ating exhibit. By next week na ang Science Fair kaya kailangan niyo na magprepare ng visuals at board na ididisplay nito sa mga booths niyo. Meron din tayong mga additional plans. I've decided na among the 15 groups na magprepresent sa gym, after niyo idefend sa aming mga panelist ang mga research work niyo, I will choose the best 3 groups na magkakaroon ng additional grade at syempre may prizes din sila. Exciting diba? Is that clear class?
Class: Yes Ma'am!
Mrs. Adviser: Ok. For now I'll dismiss you early. May meeting kasi kaming mga advisers sa faculty kaya magstay na lang kayo dito sa room niyo while waiting for your next teacher.
-----
Chelsea: Hoy babae! (sabay hila sa buhok ko) Napapansin ko mukang mas close na ata kayo ni Gelo kesa saten? Aba ah! Ni hindi na nga tayo nakakapagsabay umuwi dahil lagi na lang kayo magkakasama nina Sam. Sigurado bang Chem pa rin yang ginagawa niyo ah? Hahaha!
Ako: Baliw ka talaga! Syempre naman no! Haha! Ganado lang talaga kami sa topic na napunta samin kaya kinacareer talaga namin tong research work namin. Wag ka ngang ano! Haha!
Chelsea: Asuuus! If I know, there's something going on between you and Gelo e. Hindi ko lang alam kung ano, pero parang I smell something fishy. Hahaha! Balitaan mo ko agad bessy ah?
Ako: HA? Ano na namang pinagsasasabi mo? Intrigera ka alam mo yun? Hahaha! Dyan ka na nga muna! Bababa lang ako sa canteen sandali.
Habang nasa hallway ako at pababa sa hagdan, nasalubong ko naman si Gelo na paakyat galing din sa canteen. Nakababa na pala siya kaagad?!
Gelo: San ka punta?
Ako: Ah, sa canteen lang, may bibilin lang.
Gelo: Tara samahan na kita.
Ako: Kakagaling mo lang dun e?
Gelo: Eh iba naman yung ngayon, kasama na kita. Tsaka hindi pa naman time e.
Ako: (kinikilig) >.< Hahaha! Sige
Gelo: Tawa na nman e. Sinto-sinto ka talaga. Hahaha! Nga pala, sa susunod na gawa naman natin, baka pwede sa inyo naman tayo? Hindi pa kami nakakapunta ni Sam sa bahay niyo e. Lapit lapit mo lang dito sa school pero mas gusto mo pa sa mas malayo dumadayo.
Ako: Hahaha! E yun na nga e, para makagala rin ako kahit papano daba? Haha! Pero sige, sa last na gawa natin dun tayo samin!
Gelo: Yun! Malalaman ko na rin bahay niyo! Hahaha
Ako: Asuuus! Ikaw ah? Pupuntahan mo siguro ako no? Hahaha!
Gelo: Aakyat ako ng ligaw. (seryoso yung mukha niya as in)
Ako: (natameme, bigla akong natahimik) O_____O
Gelo: HAHAHA! Joke lang no! Feelingera ka rin pala! HAHAHA! (sobrang lakas talaga ng tawa niya)
Ako: Kapal neto. Wag mo nga ko pagtripan! Susumbong kita kay Tita.
Gelo: Sumbong mo! Samahan pa kita e. Pag-untugin ko pa kayo! Hahaha
BINABASA MO ANG
Sweet Love (A Candy Love Story)
Teen FictionIt All Started With a Candy Bag :))) <3