Pagdating ko sa room, sinalubong ako ng kadaldalan at tsismis ni Chelsea.
Chelsea: BESSY!!! OO nga si James nga!!!
Ako: Ssshhh naman! Lakas ng boses mo baka may makarinig pa e. Pano mo nalaman? Wala pa nga si James dito ah...
Chelsea: He's here na raw Bessy. Pagdating ko kasi, si Gelo lang yung nandito sa room. After mo magtext, tinanong ko siya kung nakita niya ba kung sino naglagay ng candy bag sa desk mo. Sabi niya si James nga raw pero wag ko raw ipagsasabi kahit kanino.
Ako: I told youuu! Pinapasok ko kasi nang maaga si Gelo para hulihin kung si James nga yung naglalagay ng candy bag sa desk ko. At hindi naman ako nagkamali! HAHAHA!
Chelsea: Malay mo magkasabwat sila? Kasi bakit ilalagay ni James yan sa desk mo kung alam niyang may ibang makakakita?
Ako: (Nagtaka bigla) Oo nga no? Teka nga. Mamaya na tayo mag-usap. Kausapin ko lang si Gelo.
Nilapitan ko si Gelo. Tumabi muna ko sa upuan niya kasi wala pa naman yung katabi niya. Pag-upo ko, nakita kong pumasok ng room si James. Nagkatinginan kami tapos tumango siya samin ni Gelo sabay ngiti.
Gelo: Mamaya ka na maki-tsismis. Kwento ko mamayang uwian.
Ako: Ano ba naman yan! Alam na agad yung itatanong ko.
Gelo: Hahaha! Malamang!
Ako: Siguraduhin mo yan ah! Sige aantayin ko yan.
Maya-maya pa ay dumating na ang adviser namin kaya bumalik na rin ako sa upuan ko.
Hinintay ko lang matapos ang klase dahil gustong-gusto ko na malaman ang kwento ni Gelo. Hahaha! Pasensya atat lang!
Uwian naaa! Sabay kaming naglalakad ni Gelo sa labas ng room at nagsimula na siya magkwento.
Gelo: Lagi palang maaga pumapasok si James e. 5am, nandito na siya sa school dahil officer din pala siya ng student council. May meeting sila every morning kaya dun muna siya tumatambay sa hub nila.
Ako: Ay oo nga pala. 4th year representative nga pla siya. Pero hindi ko alam na ang aga pala niya lagi pumapasok ah?
Gelo: Nagkasabay kasi kami sa gate kanina. Tinanong niya kung bakit ang aga ko raw pumasok. Sabi ko na lang na na-advanced yung relo ko kaya akala ko mag 5:30 na.
Ako: Naniwala naman ba?
Gelo: Syempre naman! Ako pa! (sabay ngiti, yung ngiti na naman niya! Hahaha)
Ako: Oh tapos?
Gelo: Ayun. Sabi niya mag-CR lang daw muna siya tapos nagmadaling umakyat sa taas. Ako naman sabi ko sa canteen muna ko. Pag-akyat ko sa room wala siya pero nandun yung candy bag sa desk mo. Kaya nalaman ko na siya nga. Walang iba tao e.
Ako: Hahaha! Ang galing niya talaga tumayming! Pero bistado ko na siya! Wahaha! Thank you Gelo!
Gelo: Sus. Anong balak mo? If I were you, di ko muna sasabihin na alam ko na. Malay mo naghihintay lang siya ng tamang tyempo and I'm sure na sasabihin niya rin yun sayo. Antay ka lang. Be patient. Hahaha!
Ako: Bakit parang alam na alam mo? Hahaha!
Gelo: Lalaki po ako. Kala mo naman saken? Haha!
BINABASA MO ANG
Sweet Love (A Candy Love Story)
Ficção AdolescenteIt All Started With a Candy Bag :))) <3