Kill's POV
Haaay. Ang sarap talaga ng sariwang hangin. Walang usok, walang gulo, walang maingay na boss na magsesermon sa'yo dahil hindi mo naabot ang quota mo. Mabuti pa nga't umidlip muna ako dito. Oo nga pala, bago ako umidlip, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Kill Chiu, hindi Kim kundi Kill. Gets? At nandito ako ngayon sa rooftop ng pinagtatrabahuhan kong kumpanya. Nakakatamad naman kase. Gusto ko lang magpahinga ng saglit pagkatapos ay babalik rin ako sa baba. Sige! Matutulog muna ako, ha.
"Ginawa ko ang lahat para sa'yo! Tinalikuran ko ang mga kapatid ko para sa'yo! Isinakripisyo ko ang apat na araw kong leave para diyan sa sinasabi mong agricultural something mo! Pero ano?! Ikaw lang ang sumaya! Pa'no naman ako?! Siguro nga tama nga na magpakamatay na lang ako. Huhuhu! Goodbye Bolpeine Inc.! Goodbye Philippines! Goodbye, world..." Bigla akong napadilat sa mga narinig ko. May multo ba talaga dito? Takte naman oh. Minsan na nga lang ako makakapagpahinga, mumultuhin pa ako.
Tumayo ako mula sa pagkakasandal ko sa isang tangke. Hinanap ko ang pinagmulan ng boses na iyon hanggang sa makakita ako ng babaeng nakatayo sa isang sulok ng rooftop! Nagda-drama pa ito at may kung anong sinisigaw!
"Isinusumpa ko! Babalikan kita, Seb! Babalikan kit-" Hindi na natapos nung babae yung sasabihin niya nang bigla kong hawakan ang dalawa niyang braso. Napalingon siya sa akin nang saglit at doon ko nakita ang maamo niyang mukha. Pero bumalik din ito sa sinasabi niya saka pumusisyon sa pagtalon niya.
"M-miss ano ka ba?! Lakas ng tama mo, 'no?" Sabi ko habang nakahawak sa dalawang braso niya pero this time, mas mahigpit.
"Magpapakamatay na ako! Wala nang silbi ang buhay na 'to para sa'ken! Iniwan na 'ko ni Seb, tinalikuran ko pa ang mga kapatid ko, at trabaho ko na lang ang natitira sa akin! Kaya't tumabi ka diyan at baka isama pa kita!" Sabi niya sabay buwelo.
"Hindi, miss... Hindi ka nabuhay para sa kanya! Marami pang taong umaasa sa'yo! Huwag mong sabihin 'yan!" Lalapit pa sana ako kaya lang umabante siya kaya hindi ko na lang itinuloy.
"Huwag kang lalapit! Huwag mo na rin ako hahawakan dahil hindi ako magdadalawang-isip na tumalon dito!" Aba't tinakot pa ako.
"O, sige. Ako na lang magtutulak sa'yo para magkalasug-lasog 'yan katawan mo diyan sa baba. Tingnan mo nga kung ga'no kataas 'yang tatalunan mo! Nasa eleventh floor ka ngayon, miss! Akin na! Ako na magtutulak sa'yo!" Sabi ko sabay hawak sa hita niya tapos kunwari itinutulak ko. Nakita ko kase ang mukha niya. Alam kong natatakot din siyang tumalon. Tumingin nga sa baba, e. E 'di nalula ang boba! Ayun, kausap ko na siya ngayon while sitting on the floor without even worrying if our clothes get dirty.
BINABASA MO ANG
Love Story Ng Dalawang Bitter (COMPLETED)
RandomGanito na ba talaga kasaklap ang buhay nilang dalawa para magtagpo sila sa isang rooftop kung saan balak nilang magpakamatay?