Chapter 7

48 4 0
                                    

Death's POV

Kawawa naman 'tong si Kill, nadamay pa dahil sa'kin. Nako. Ano kayang pwede kong gawin para makabawi man lang ako sa kanya?

"Tara na nga. Alis na tayo dito at habang maaga pa, maghanap na rin tayo ng trabahong malilipatan natin. Maghanap muna tayo ng lugar na available para sa'ting dalawa." Sabi ko sabay alis sa pagkakayakap sa kanya. Pinunas ko na lahat ng luha ko sa t-shirt niya kase wala naman akong dalang panyo.

"Hanap agad trabaho?" Angal niya.

"Oo, para madali na lang kapag nag-apply tayo. At least alam na natin kung saan tayo pede." Sagot ko naman.

"Alam mo, mabuti pa, maghanap tayo ng malapit na restaurant at kumain na tayo. Kumbaga merienda na rin natin." Sabi niya tapos bigla niyang hinila ang dalawa kong kamay palayo sa lugar na iyon.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Nandito na kami ngayon sa isang malapit na karinderya at kumakain kami ng halo-halo. Actually, masarap siya, ha. Kaso wala pa ring forever. Hahaha!

"Bakit sa tagal ko sa kumpanyang 'yun, ngayon ko lang napansin 'tong halo-halo dito? Yum, yum!" Sabi ko sabay ngasab sa isang kutsarang puno ng sahog ng halo-halo. Asharap!

'Di ko na napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Waaah! Nagmukha yata akong patay G. Hahaha! Bigla akong tumigil sa pagkain tapos nagkunwari akong nakaupong matikas at pabebe. Para kunwari dalagang Pilipina.

"Oookay?" Sabi niya na parang nalilito. Nagkatinginan na lang kami tapos biglang nagtawanan. Para kaming mga baliw. Pero oks lang. Siya naman kasama ko, e.

Halos mapayuko na lang kaming dalawa nang makita naming nakatingin na sila sa'min. Hala. Tumigil kami pero habang nakayuko kaming dalawa ay naghahagikgikan pa rin kami. Wahahaha! Tapos pinarinig ko ulit sa kanya 'yung tawa kong nakakahawa at nakakaloko...

"Hahahaha!" Hindi na niya napigilan 'yung sarili niyang humalakhak na rin dahil sa tawa ko. Nakakahiya man pero pinarinig ko pa rin sa kanya. Ayun, sa kanya napunta ang atensyon ng madlampipol.

Grabe naman 'to makatawa. Parang halimaw na at parang kakain na niya ang buong universe! Hala! Nabubulunan na pala! Ay, tanga!

Lumapit ako sa kanya tapos pinalo-palo ko 'yung likod niya sabay painom ng isang baso ng tubig. Namumula 'yung mukha niya, shems. Ang guwapo! Wooo. Kaya ko 'to.

"Ano? Okay ka na?" Sabi ko habang pinipigil ko 'yung tawa ko.

"Oo naman. Ganyan naman kayo 'di ba? Kapag nakasakit kayo, 'dun lang kayo magtatanong kung okay kami." Sabi niya.

"Ha?" Sabi ko kase di ko alam 'yung tinutukoy niya.

"Jusme naman. Nahugot lang. Hahaha!" Sabi niya sabay akbay sa'ken.

Love Story Ng Dalawang Bitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon