Death's POV
Ayos na ang lahat. Kung hindi lang dumating ang asungot na 'to. Pero pede na rin, at least, meron akong makakausap ngayon na bitter din. Nakakatawa nga, e. Dati raw pala, muntik na rin siyang tumalon dito, dito sa mismong building na 'to. Kaya lang, naudlot kase bigla daw siyang nakaramdam na parang madye-jebs siya. Hahaha!
"So, ano nga ba talaga ang pangalan mo?" Tanong niya na titig na titig sa dalawang mata ko. Feeling ko talaga magiging magka-vibes kami nito, e. Hindi siya tulad ni Kira na walang iba ginawa kundi kontrahin ang mga sinasabi ko.
"Death talaga, as in Bernadeath Seberano." Sabi ko habang naka-smirk.
"Ow, so kumusta naman ang pagtulong mo sa mga maysakit?" Biro niya na narinig ko na rin naman sa halos lahat ng taong sinasabihan ko ng full name ko. Binigyan ko na lang siya ng gusto-mo-ng-sapak look. Pero, witty siya. I kinda like him. Taray! Kinda! Hahaha!
"E, ikaw? Ano real name mo? The one that is written on your birth certificate, ha." Sabi ko sabay hawi ng buhok ko.
Alam niyo, hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa lalaking 'to. Hindi dahil guwapo siya, pero sa tingin ko, dahil siguro niligtas niya ako sa muntik kong kamatayan kanina.
"Kill Chiu lang ang whole name ko." Sabay niya while smiling. At nakaisip na naman ako ng isang pambara.
"Ow, so kumusta naman kayo ni Xian? Are you still getting to know each other?" Sabi ko tapos di ko napigilan ang sarili kong humalakhak nang todo.
Bigla akong napakahawak sa bibig ko kase nakita ko ang gulat na expression sa mukha niya.
"Oh my gosh! Kami lang dapat ng bestfriend ko ang nakakarinig ng tawa ko na 'yun pero bakit..." Bulong ko.
"Siguro dahil bitter ako at bitter ka."
"Tama ka diyan! Siguro nga!" Sabi ko sabay cross ng arms.
Para rin akong loka-loka, hindi siya ganoon kadalas magsalita pero super meaningful ng mga words na binibigkas niya. Isama mo pa 'yung cool niyang style ng pag-upo. 'Yung lalaking-lalaki talaga.
"Oh, ba't ganyan ka makatingin?" Sabi niya kase hindi ko namalayan sa kanya na lang pala ako nakatitig. Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya.
"Wala lang. Nakikita ko kase sa'yo 'yung boyfriend ko." Diretso kong sabi. E, sa totoo naman talaga, e. 'Yung tipong matitingnan niya ako kahit na naka-side view siya. Bigla kong nakita ang pamumula ng mga pisngi niya pati na rin ang pag-iwas niya ng tingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/68246740-288-k364403.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Story Ng Dalawang Bitter (COMPLETED)
RandomGanito na ba talaga kasaklap ang buhay nilang dalawa para magtagpo sila sa isang rooftop kung saan balak nilang magpakamatay?