After one month...
Kill's POV
Haaay. Ang sarap naman ng gising ko ngayon oh. Puno ng mga ibon na nagtu-twittwit ang labas ng bahay namin at rinig na rinig ko ang mga halaman sa front yard namin na nagsasayawan. Teka. Ngayon nga pala kami maghahanap ng trabaho ni Death! Nakalimutan ko kase 'di ko in-alarm 'yung phone ko! Shet. Tatawagan ko muna siya.
Bakit hindi niya sinasagot? Galit ata. 7:30 pa lang naman ah. 8:00 kami kailangan 'dun. Bibilisan ko na at baka naghihintay na 'yun 'dun sa tapat ng karinderyang kinainan namin. Wait lang, ha. Maliligo na ako at 'pag nakasakay na ko, usap ulit tayo. Sigezxcvs. Hahaha!
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-Hello ulitzxcvs. Nandito na ako sa jeep at hanggang ngayon ay 'di pa rin nagte-text si Death. Ano kayang problema nun? At take note, 7:40 pa lang at 15 minutes lang ang biyahe ko kaya aabot naman.
Pagbaba ko ng jeep ay naglakad na kaagad ako papasok sa malawak na kalsadang 'yon. Nadaan ko pa ang Bolpeine Inc. na move on na ako. Wala naman kase talaga tayong magagawa, walang forever, e. Anyway, nandito na ako sa karinderyang kinainan namin at nakaupo ako sa eksaktong lamesang inupuan namin kahapon. And guess what? Wala pa ang babaita. Ang tinde. Akala ko late na ko. Siya pa yata 'yun, e. But, it's okay. I'll wait...
Futspa magengsta. 9:50 na, wala pa rin siya! Puntahan ko na lang kaya sa boarding house niya? Mag-isa pa naman siya dun. Buo na ang desisyon ko at pupuntahan ko siya dun.
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak pero baka lalo lang akong nerbyusin. Nandito ako ngayon sa pinakamalapit na clinic sa boarding house niya. After kong buksan nang sapilitan ang pintuan ng boarding house niya na naka-lock, ay isang Death na nakabulagta sa sahig ang nadatnan ko. Bumubula pa ang bibig niya at nagkalat din sa sahig ang maraming bilog at puting gamot na maihahalintulad sa biogesic. Naglason ang gago. 'Di ko na mapigilan ang sarili kong magmura. Ba't naman niya binalak 'yun? Ano bang trip niya at ginawa niya 'yun? At sa lahat ng puwedeng makakita nun ay ako pa? Ako pa na isang buwan pa lang siyang kakilala? Dapat kahapon pa lang na naramdaman kong parang lang, ha. Parang may gusto ako sa kanya. Oo. Isang buwam ko pa lang siyang nakikilala pero iba ang takbo ng araw ko kapag nakakausap ko siya. Wait. Mamaya na ang drama at kalalabas lang ng doktor.
"I'm sorry to say this... But..." Sabi niya na nagpabitin pa. Parang tanga, e. Ang tagal niya bago muling nagsalita.
"Ano nga, Doc?! Para kang gago, e. Alam mo ba 'yon?! 'Di ka naman birthday party, pero bakit may pabitin ka pang nalalaman?! Ha?! Ano nga!" Sabi ko habang niyuyugyog ang balikat ni Doc. Bigla itong tumawa ng mahina tapos nagsalita ulit.
"Joke lang. Joke lang lahat ng 'to. Sorry, ha. Hahaha!" Sabi niya sabay alis. Loko-loko yata 'tong clinic na 'to, e. Baka kaya walang nagpapa-check up dito kahit na propesyonal na doktor daw 'to, e baka baliw siya? Mag-isa lang ako ulit dito at hinihintay ko ang resulta ng kagagahan niya. 'Di na ko makapaghintay kaya binuksan ko ang pintuan ng kuwartong kinalalgyan niya. Hindi naman naka-lock kaya basic. Pagpasok ko ay isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pa'no ba naman kase. Surprise lang pala ang lahat at isang prank lang dahil birthday ko ngayon. Siguro naalala niya nung nabanggit kong "birthday ko bukas" kahapon. Buseeet. Bakit 'di man lang 'to pumasok sa isip ko? Gusto kong batukan si Death pero nangibabaw ang tuwa sa'ken.Nagkalat ang mga balloons at confetti sa sahig at may tarpaulin pa sa pader. Nandun lahat ng mga katrabaho, kaibigan at ang mga kamag-anak ko. Malaking kuwarto pala 'yun at hindi lang basta kuwarto kundi isang events place! Kaya pala walang pakialam 'yung mga kapitbahay niya sa akin at nakaabang kaagad sa labas ng boarding house niya 'yung doktor. 'Di talaga obvious. Muntanga. Maiinis ka talaga sa kanya dahil sa mga nagagawa niya.
Nilapitan ko siya saka binigyan ng isang anong-trip-'to look.
"Alam mo bang muntik na kong magpakamatay din dahil dito? Nakakainis ka!" Sabi ko tapos 'di ko na namalayan na niyayakap ko na pala siya. Parang reflex action. Hinawi ko ang buhok ang nagtatakip sa mukha niya at muli kong nasilayan ang mala-anghel niyang mukha.
"Don't you ever do that again, lady." Sabi ko saka siya binigyan ng isang matamis na halik. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya pero sa huli ay gumanti rin ng halik. At least, kaya ko nang i-express ang nararamdaman ko sa kanya habang buhay pa kaming pareho. Akala ko talaga patay na siya. Maniniwala na talaga ako na you only live once. Ngumiti siya sa akin pagkatapos nun at saka nagsabi ng "I love you" sa isa't-isa. One month lang, ang lupet.
<[{=The End=}]>
BINABASA MO ANG
Love Story Ng Dalawang Bitter (COMPLETED)
De TodoGanito na ba talaga kasaklap ang buhay nilang dalawa para magtagpo sila sa isang rooftop kung saan balak nilang magpakamatay?