Death's POV
Bakit kailangan mong ibalik ang lahat, Kill? Ang saya-saya ko na, e. Ang ganda na ng takbo ng araw ko tapos bigla mo kong pinasakay ng isang time machine?
"Parang gago." Sabi niya sabay punas ng luha ko gamit ang hinlalaki niya. Aba matinde. Minura pa ako. Pero at least totoo siya at hindi plastic gaya mo, Seb. Mabulok ka sana diyan sa bukid mo! Magsama kayo ng nanay mo na tatlo-tatlo ang baba.
"Joke lang. Sorry. Dapat 'di na kita tinanong niyan, e." Sabi niya na ikinatawa ko. Mukha na ba akong loka-loka? Kanina, gusto ko nang magpakamatay, tapos nung kinausap ko na siya, tawa na ko nang tawa, tapos nung natanggal kami, umiyak na naman ako, tapos sa karinderya naman kanina, humalakhak na naman ako, and now, iiyak at tatawa na naman? Munggago. Hahaha!
"Mukha na ba akong baliw?" Sabi ko sa pabebeng tono.
"'Yung totoo o 'yung may halong ka-plastikan?" Sabi niya.
"Natural, 'yung totoo."
"Oo, e." Tapos bigla kaming nagtawanan. Bumalik kami sa paglalakad at nang makarating na kami sa sakayan ay inihatid niya ako sa boarding house ko at saka tuluyan nang nagpaalam.
Ang saklap naman ng araw na 'to. Teka nga at matawagan ko muna si Kira bago ako matulog. Kanina pa ko 'di tinatawagan nung loka-loka na 'yun, ah. Alam naman na niya siguro na natanggal ako.
Hoy gaga. Ba't di ka nagte-text? Type ko sabay send. Hihintayin ko na lang siguro ang reply niya at matutulog na rin ako. Grabe ang mga happenings today, e. 'Di ko kinaya. Siguro hindi ko muna sasabihin kina Mama na natanggal ako. Sure ako na mag-aalala 'yung nga 'yun. Siguro kapag nakapaghanap na ako ng bagong stable na trabaho. Maya-maya ay nag-reply na rin si Kira.
Akala ko patay ka na? Wala kang kuwenta. Bestfriend mo, paglilihiman mo. Nagalit ata dahil sa balak kong pagpapakamatay.
Huwag ka nang magalit. 'Di ko naman tinuloy, e. Reply ko. Tapos send ulit ng text ng mahabang 'hahaha'. Pagkatapos ay nagsimula na ang isang napakahabang diskusyon.
Kira: Akala ko ba hindi ka pa maka-move on kay Seb? E, ba't may pinalit ka na kaagad sa kanya?
Me: Gagu. Anong pinalit sinasabi mo?
Kira: Susme. Maang-maangan pa. 'Yung boylet na kasama mo kanina sa carinderia malapit sa B.I.?
Me: Pachu. Si Kill 'yun. Ang lalaking nagligtas sa'ken mula sa kahibangan ko.
Kira: Tsss. Landi mo, matutulog na ko. Bye.
Me: Gudnayt! Bye! Labyu! Muah!
BINABASA MO ANG
Love Story Ng Dalawang Bitter (COMPLETED)
AléatoireGanito na ba talaga kasaklap ang buhay nilang dalawa para magtagpo sila sa isang rooftop kung saan balak nilang magpakamatay?