Dahan-dahan akong pinepedal ang aking bisikleta dahil baka magising si Mai-mai na ngayon ay nakasubsob na sa manibela .
Nakaka-isang kanto na rin ang layo ng napepedal ko pero hanggang rito dinig pa rin ang tugtugan sa Villa De Alba. Salamat talagang nasuson ko ang tokong ko sa ilalalim nitong dress kundi magiging mahangin ang pagbibisikleta ko. (>//////<)
Tahimik na ang kalye at patay na rin ang ilaw sa mga bahay. Napaisip tuloy ako tungkol sa party na nagaganap ngayon. Kung papaanong ibang-iba ang estado ng buhay ko sa mga ibang bisitang nandoon. Na sila, hindi na iisiping mag-uwi ng pagkain mula sa catering, samantalang kami, kahit kaunting sabaw lang ng lenguang natira ay didilaan pa hanggang dulong patak nito dahil sa dalang ng pagkakataon na makakakain kami ng ganoon.
Na masaya na rin ako dahil maliban sa mga pagdiriwang na ito ay hindi ko naman na iba kami sa pamilya ng mga De Alba. Na kahit na tauhan lang kami sa kanilang Villa ay hindi nila kami tinuring bilang isang mababang tao kundi isa rin sa kanilang pamilya.
Itutuloy ko pa sana ang pagmumuni-muni ko ng
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP* BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*
"Ay KABAYONG BETLOG!!!!!!! Sinong----"
Napapitlag ako sa aking pagpepedal at napatingin sa aking likuran kung saan merong sasakyan na sinilawan kami ng headlights nito
"Leyaaaaaang!! Leyaaaaang!!" sabi ng nasa loon nito ngunit hindi ko maaninag sa liwanag ng kanilang ilaw. Tumakbo pa ng kaunti ang sasakyan at tumigil ito sa tapat namin
"Leyaaaaaang!! Pauwi na ba kayo?!!! Sakay na !!"
"Charles!! Oyyy! Kamusta !! San kayo galing ?!" bati ko kay Charles, isa sa mga kaklase ko noong elementary at Valedictorian ng aming batch. Madalas kaming mapagkamalang magkakompetesyon sa school namin dahil lagi kaming naghahabulan ng grades, pero kahit na ganoon nanatili kaming magkaibigan. Kaya naman kahit pumangalawa lang ako sa kanya noong graduation ay wala namang samaan ng loob ng nangyari.
"Mabuti naman kami! Kagagaling lang namin ni itay sa Linggayen, naghatid kami ng mga daing na papangexport! Halika na mamaya na tayo mag-usap, ilagay muna natin yang bike nyo sa likod at dalawang kanto pa ang layo ng bahay nyo dito diba?" sabi nya at sabay bumaba na sa medyo luma na nilang pick-up.
YOU ARE READING
The Close Strangers (On HOLD)
Romance"It's funny how some people who you grow up with and so close with become strangers to you after so many years." Raleigh Buenaventura or Leyang to her family and close friends is a brilliant, cheerful and vibrant bell-girl in a private Villa situa...