June 4, 2007, Lunes. Simula na naman ng isang school year at isang taon na lang gagraduate na ko ng highschool!!
Maaga akong gumising at nag-luto ng agahan kahit bihirang andito ngayon si Mama. Nakauwi na kasi sila Ma'am Lianne at Sir Marcus pabalik sa bansa nila, ganun din sila Ninang Carmi sa Maynila.
Hindi na rin kasi ako pumasok sa Villa simula noong Martes dahil sa pagkakasagutan namin ni Carlos. Kaya naman nagdahilan na lang ako na gusto ko kasing ipamili sila Mai-mai at Etot ng gamit, at iaayos na rin ang ibang requirements namin tulad ng pagbabalot ng libro at notebook.
Pagkatapos kong maghanda ng pagkain ay naligo na agad ako at kumain pagkatapos. Paalis na ko ng magising si Mama.
"Oh, bat di mo man lang ako ginising?? Paalis ka na ba?" tanong nito habang nagpupusod ng buhok at isa-isang binubuksan ang nakataob na plato sa mga pagkain
Tumango na lang ako at sinabit na ang body bag ko sa aking balikat
"Oh, baon mo para sa isang linggo... nga pala, sabi ni Chloe magintayan na lang daw kayo sa labasan ng Academia.." diretso nitong sabi sabay abot ng limang daan
Less than 1 hour lang naman ang biyahe papuntang Lingayen pero naninigurado na rin ako kaya 1 hour before ng first class namin ako umaalis.Dalawang salin lang naman ako ng sasakyan kaya okay lang.
6:45 ako dumating doon at medyo marami na ring estudyante ang dumarating. Flag ceremony kasi ng 7:30 at ang iba ay maghahanap pa ng kanilang classroom. Pumasok na ko at nagintay na lang sa may bench malapit sa gate, mahirap na baka maharang ako ng S.S.G. minsan pa naman late dumating si Chloe.
Halos lahat ng mga nag-aaral dito ay kung may kaya ay mayaman talaga kaya hindi na ko nabigla ng dekotse sila pagpumasok. Siguro lilima lang ata kami na scholar dito, siguro hindi ako kasama kasi binabayaran naman ni Manang yung tuition ko, pero meron talagang scholar ang school na mga estudyante.
Hindi mo na rin sila mai-aakila sa iba dahil natuto na rin silang makibagay.
Mag-eeksaktong Alas-syete na ng may marinig akong malakas at matinis na boses na tumatawag sa pangalan ko..
YOU ARE READING
The Close Strangers (On HOLD)
Romance"It's funny how some people who you grow up with and so close with become strangers to you after so many years." Raleigh Buenaventura or Leyang to her family and close friends is a brilliant, cheerful and vibrant bell-girl in a private Villa situa...