15

11.5K 211 28
                                    

Third Person's POV

"Anne, may flowers na ba bawat table? Eh yung natapon na water sa stage okay na ba?" Aligagang tanong ni Kathryn sa event planner habang tinitignan ang listahan ng mga pagkain na iseserve mamaya.

Nandito silang lahat ngayon sa Solaire Casino and Hotels para ipagdiwang ang 2nd birthday ni Skylar.

Nasa venue na si Kathryn na aligaga dahil malapit na magsimula ang party.

Hindi pa siya nakakapag ayos ng sarili at pinapaayusan niya na lang ang mga anak sa kanyang mga kaibigan.

"Ma'am Kath, yung photobooth ma-dedelay daw po ng ilang minutes." Sabi ni Anne - ang event planner.

Binitawan ni Kathryn ang hawak na papel at inayos ang kaniyang magulong buhok.

"Why? Eh malapit lang naman ang shop nila dito sa hotel ah? Please contact them again." Utos ni Kathryn at tsaka inilabas ang kanyang telepono. "..... Eh yung magfa-face painting? Request ni Sky yun." Tanong pa niya habang hinihintay na sagutin ni Daniel ang kanyang tawag.

"Hello, love." Bati agad ni Kathryn nang sagutin ni Daniel ang tawag.
{ Hello, mahal. Pabalik na ako.} Sagot naman ni Daniel.

Inipit ni Kathryn ang telepono sa pagitan ng kanyang tenga at balikat at tsaka pinulot ang kalat na nakita niya sa daan.

"Bilisan mo bal, please." Sabi ni Kathryn dahil gustong gusto niya ng mayakap ang asawa. Gustong gusto niya ng maamoy ang pabangong kinahuhumalingan niya.

{ Eto na, mahal. Parking na 'ko. Nabili ko na lahat ng kulang dyan. Ang hassle. }

"Sige, babe. I'll wait. I love you." Sagot ni Kathryn bago ibaba ang tawag.

"Mimi! Ikaw make up shakin! Ayoko ate Lhexine." Nakita niya ang kaniyang anak na naka robe at tumakbo papunta sa kanya. Nakaayos na ang buhok nito at make up na lang at damit ang kulang.

Bahagya siyang umupo para mapantayan si Sky.

"Baby, sorry I have to do alot of things pa. Mag pa make over ka na lang kay ate Lhex." Malambing na sabi ni Kathryn sa anak.

"No. Ayaw." Pagpupumilit ng bata.

Iginala ni Kathryn ang kanyang paningin sa paligid para maghanap ng pwedeng mag ayos kay Sky.

"Magui!" Tawag ni Kathryn sa kapatid ng kaniyang asawa na papalabas ng event hall.

Lumapit naman si Magui sa dalawa at tinanong kung anong kailangan nila.

"Yes, ate Kath?" Tanong ni Magui.

"Pa favor naman please. Pwedeng ikaw na lang ang mag ayos kay Sky? I still have to do many things here, di ko siya maaasikaso. Is it okay lang?" Sagot naman ni Kathryn sa kaniyang hipag.

"Sure, ate Kath. Wala naman akong ginagawa. Dyan lang naman ang hotel room niyo diba?" Binuhat ni Magui si Sky at hindi naman nag dalawang isip si Sky na sumama.

"Thank you so much." Pahabol ni Kathryn bago nakatuluyang nakalabas ang dalawa.

Umakyat si Kathryn sa stage at tinignan ang mga gamit dun. Ang mga upuan at lamesa na gagamitin ni Sky mamaya.

"Bal." Agad tumingin si Kathryn sa likod nang marinig niya ang kanina niya pa hinihintay.

Naglakad si Daniel ng mabilis papalapit kay Kathryn at humalik sa pisngi.

"Hi, love." Bati ni Kathryn sa asawa.

Yumakap ng sobrang higpit si Kathryn kay Daniel at ganoon din ang ginawa ni Daniel.

Ngayong mga nakaraang buwan ay gustong gusto ni Kathyn ang amoy at ang presensya ni Daniel.

Para bang buong buo ang pakiramdam niya tuwing yakap yakap niya ang asawa niya.

"Mimi, Dada, look i'm sho beautiful!" Tumakbo si Sky sa dalawa na kakapasok lang ng kanilang hotel room.

"Yey! Say thank you to them baby ha? They made you beatiful today." Paalala ni Kathryn sa anak habang pinaglalaruan ang kaniyang maliit na ball gown.

"I will. But mimi i'm pretty na, it'sh natural." Sagot naman ni Sky habang umiikot ikot at tuwang tuwa sa gown na suot suot niya.

"Ligo ka ulit, mahal?" Tanong ni Daniel sa asawa na nagtatanggal ng ipit sa buhok.

"Yes. Para fresh." Simpleng sagot ni Kathryn at tsaka pumasok ng banyo. At syempre, naka sunod ang kaniyang pilyong asawa.

-

"Sa pagkaka alam ko, 2 years old pa lang ang magcecelebrate ng birthday ngayong araw. Pero parang sa nakikita ko, bakit parang pang debut na ang ayos dito?" Pagsisimula ni Robi ng selebrasyon ng kaarawan ng kanyang inaanak na si Sky.

Habang nagsasalita si Robi ay nandoon ang pamilya sa dulo ng red carpet. Naghihintay ma tawagin sila.

Nasa unahan si Sam habang si Sky ay nasa gitna ni Kathryn at Daniel.

"So, let us know welcome, The Royal Family, The Padillas with the birthday celebrant, Skylar Thea!" Iyon na ang hudyat na kailangan na nilang maglakad sa gitna para ihatid ang kanilang anak sa harapan at iupo sa napaka garang upuan sa stage.

"Dahil nandito na sila ngayon sa stage, hingan na natin ng birthday wishes ang parents ng ating birthday celebrant," Lumapit si Robi kay Kathryn at Daniel. "..... Bal and protector, anong birthday wish para sa napaka cute niyong anak?" Tanong ni Robi.

In-on ni Kathryn ang binigay sa kaniyang mike at nagsalita.

"First of all, thank you sa pagpunta ninyong lahat. Naapreciate po namin ang pagbibigay ng time at pagsama saamin sa birthday celebration ng aming baby girl." Panimula ni Kathryn.

Iniakbay ni Daniel ang kanyang braso kay Kathryn habang abala ito sa pagsasalita.

"My birthday wish to baby Sky, simple lang. Basta baby, stay sweet and kind. And sana magtuloy tuloy ang progress mo sa school. Yes, nag pumapasok na po siya. Gusto na daw po niya mag school. Always pray, always give what you can share to other people, always be humble and be fair to anyone. Mimi and Dada are always here for you no matter what. Happy birthday, mommy loves you so much. Yehey!" In-off ni Kathryn ang mikropono at niyakap ang kaniyang anak at binigyan ng halik sa pisngi.

"Ikaw protector? Anong wish para sa napakaganda mong anak kahit 2 years old pa lang."

Ang kamay ni Daniel na naka akbay kay Kathryn ay mabagal na humahaplos haplos sa balikat ng asawa.

"Ikaw ha tanda mo pa yon ha," Sabi ni Daniel at tsaka tinuro si Robi. "... Wala na akong masabi kasi nga nasabi na lahat ni misis. Eto na lang, kung tagalog, tagalog. Kung english, english. Ha anak? Halo halo yang lengwahe mo 'pag nagsasalita ka eh. Mahal na mahal ka ni dada, baby," Kagaya ng ginawa ni Kathryn, nakatanggap si Sky ng yakap at halik mula sa kaniyang 'dada'. ".... Oo nga pala, sa magaapply sa anak ko, sorry. Bawal pa." Pabirong sabi ni Daniel.

"Ganun ba? Oh anak. Bawal daw. Sayang naman." Sabi ni Robi na may halong pang aasar sa kaniyang anak na isang taon lang ang tanda kay Sky.

"Bawal talaga. Papaligawan ko siya siguro mga pag, 40 years old na siya." Natatawang sabi ni Daniel habang nakikitawa lang si Kathryn.

"Wag niyo na po intindihin si DJ. Enjoy po kayo dito sa celebration. Thank you ulit." Sabi ni Kathryn at tsaka binigay ang mikropono nilang mag asawa sa staff sa gilid lang nila.

"Wait wait. Bago kayo umalis, hingan natin ng comments si baby Sky," Lumapit si Robi sa bata at itinapat ang mic sa bibig nito. ".... madaldal 'to. Baka maraming ibunyag sainyo 'to ha."

"Quiet lang me! Shecret lang!" Sky shouted before laughing.

Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon