24

13.5K 193 16
                                    

SPG

Daniel's POV

Nandito nanaman kami ni Kathryn.

Mainit na tubig, mga bula, mahalimuyak na amoy, musikang masarap pakinggan.

Kasama ang babaeng kasama kong tumanda.

Pinagmamasdan ko lang si Kathryn na tahimik na nililinis ang kaniyang katawan.

Pinupunasan ang leeg gamit ang isang manipis na tela.

Hindi ko alam, pero nababaliw ako habang nakatitig sa ginagawa niya.

Parang napakalaking bagay ang bawat pagkilos niya.

"Bal? Amazed?" Napatigil lang ako nang marinig kong nag salita si Kathryn.

Ipinakita nanaman niya saakin ang kaniyang ngiting nakakapag patunaw sa akin.

Ngiting nakakapag pa-kalma saakin.

Ngiting bumubuo ng araw ko.

Ngiting nakakapag pa-hulog sa lahat.

Ngiting nakapag pa-hulog saakin.

"Bal, hindi ka pa rin ba nag sasawa sa mukha ko?" Tanong niya saakin.

Hinila ko siya papalapit saakin at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"Hinding hindi ako magsasawa," Tinanggal ko buhok na hunaharang sa kanyang magandang mata. ".... I'll never get tired staring at this wonderful piece of art." Pinunasan ko pa yung bula na nasa noo niya.

Hinding hindi ako magsasawa na tignan si Kathryn.

Hinding hindi ako magsasawang tignan ang rason ng pag gising ko tuwing umaga.

Hinding hindi ako magsasawang tignan ang buhay ko.

"Bally naman eh." Sabi niya at tsaka siya nag takip ng mukha.

Paano ko ba ititigil yung pagtitig sa kaniya? Kung lalo lang siyang gumaganda tuwing nahihiya siya.

"Kinilig ka 'no? Yie, bally." Tinusok ko yung tagiliran niya para kilitiin siya.

Kiniliti ko pa ng kiniliti ang tagiliran niya para lalo siyang tumawa.

Masaya ako tuwing nakikita siyang tumatawa.

Masaya ako 'pag nakikita kong masaya din siya.

"Bal, masaya ka bang napang asawa mo ako?" Tinanong ko siya nang tumigil na ako sa pagkikiliti sa kaniya.

Tinignan niya lang ako.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko.

Makita ko pa lang ang mga mata niyang mata, alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"More than happy. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain eh. Basta ang alam ko lang, I'm madly inlove with my husband. Mahal na mahal kita. No words can explain how much I love you and how much I want to grow old with you, to end my life holding your hand. You're a blessing to me, Daniel John. You're the most salient blessing that God has given to me." Hinawakan niya ang mga pisngi ko at bahagyang hinaplos haplos.

Ibinigay nanaman niya ang ngiti niyang nakakaloko ng isang Daniel Padilla.

Minsan, tinanong ko na rin sa Diyos kung bakit si Kathryn ang napang asawa ko.

Hindi dahil sa nagrereklamo ako na siya ang napunta saakin.

Kundi, bakit kaya ako ang itinadhana kay Kathryn. Si Kathryn, napaka buti niyang tao. Kaya niyang gawin ang lahat para lang sa mga taong napaka halaga sa kaniya. Napaka lambot ng puso niya.

Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon