Chapter 42

141 10 0
                                    


Luhan's Point of View

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako nakahiga dito pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Kanina pa kami nakauwi galing kina Janine, hindi ko maiwasang hindi siya maisip. Nung naghuhusga kami ng mga plato kanina. Walang nagsasalita sa'min, hanggang sa matapos naming mahugasan ang lahat. Naiilang kami sa isa't isa. Gusto ko s'yang kausapin at sumingi ng tawag pero hindi ko magawa. Alam kong galit pa din siya sa akin.

Ang gago ko kasi, e. Nasaakin na, pinakawalan ko pa.

Isa akong dakilang tanga.

Naduwag akong ipakilala siya sa lahat. Tangna! Hindi ko siya kayang ipagmalaki sa iba. Alam kong sobra siyang nasaktan sa ginawa ko, pero tinggap niya yun. Hanggang sa hindi na niya natiis at sumabog na siya.

Bumangon ako at bumaba sa sala. Nagpunta agad ako sa may kusina. Kumuha ako ng pitsel sa loob ng ref, kumuha ako ng baso sa lagayan malapit sa ref at sinalinan ng tubig. Agad ko itong ininom.

Ang gago ko kasi, e. Bakit ko pa tinago yung relasyon namin noon, dapat sana hindi ako naduwag. Sana naging matapang akong ipakilala siya sa lahat. Ngayon hanggang tingin nalang ako. She needs space and it's killing me. Noon ayos lang naman kahit hindi kami nagpapansinan kasi magka-text naman kami lagi. Hindi katulad ngayon, walang communication plus galit pa siya sa'kin.

"Bakit gising ka pa?" Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Pinasok ko na yung pitsel sa loob ng ref.

Nilingon ko siya. "Nauhaw lang ako." Naglakad ako papunta sa sink para ilagay yung baso.

"Hyung." Nilingon ko ulit siya. Nakataas yung hawak niyang plastic bag. Mukhang alam ko na kung anong laman.

Tinanguan ko siya. "Tara." Naupo na ako sa dining table. Binuksan naman niya yung ilaw ng kusina.

Naupo na siya sa harapan ko at inabutan ako ng beer in can. "May problema ba?" Tanong ko.

Binuksan niya yung beer at tinungga. Nag-hihintay ako ng sagot pero hindi siya umiimik. Binuksan ko na din yung inabot niya sa'kin at ininom yun. Ang tagal na din simula ng uminom kaming dalawa. Magyayaya lang naman siya kapag may problema siya.

He looked at me. "Bakit nasa huli ang pagsisisi?"

Nagulat ako sa tanong niya. Maging ako hindi alam ang sagot.

He smiled bitterly. "Ang sakit na, e. Hindi na ako, ramdam kong may iba na."

Parang anytime maiiyak na siya. And I hate seeing him like this. Nangyari na 'to sakanya a year ago. Mukhang mauulit na naman. Kababalik niya lang sa dati, e. Magbabago na naman siya?

"Ano bang nangyari?"

He sighed. "I confessed my feelings to her but she rejected me."

Umamin na siya kay Shane?

"What happened?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Nag-confess nga ako. Tch."

I sighed. "Anong sagot niya?"

He looked at me with disbelief. "She rejected me."

I looked at him. "What did she say?"

He sighed. "She didn't say any word."

Uminom muna ako at tumingin sakanya. "Baka naguguluhan lang siya? O nagulat? She didn't expected that you would say those words. Ang alam niya kasi na hinding-hindi ka magkakagusto sakanya."

Natingin lang siya sa kawalan. "Maybe." Uminom siya bago tumingin sa'kin. "Pero may bago na, may iba na siyang gusto."

Mas malala yung itsura niya ngayon kesa noong si Kiesha pa yung mahal niya. Lagi nalang ba siyang masasaktan? Lagi nalang ba siyang maiiwan sa ere? Nakakalungkot lang, mukhang mas mabigat pa yung problema niya kumpara sa'kin.

My Man (EXOSHIDAE FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon