Bakit?

11 1 0
                                    


'Jane , halika ka dito. Ang ganda dito ,halika na ! '  Excited na tawag  ni Jonah sa akin.


'Teka lang, eto na . Aray , ang hirap naman maglakad dito !'  sambit ko ng muntikan na kong matalisod .


Nasa bangin kami malapit sa dagat. Masyadong matitinik ang dinadaanan namin. Gusto niya kasing makita ko ang ganda ng dagat at ang ganda ng langit na punong puno ng mga bituin. Hind ako nakasama sa kanila kagabi dahil sa sobrang pagod  mula sa byahe.


'Wow ! Ang ganda !' nalula ako sa ganda .Sa laki ng karagatan na sinabayan ng langit , it is so breath taking !


'Sabi ko naman sayo eh' malademonyong ngiti ni Jonah sa akin.


'Jon , asan nga pala sila CJ?' tanong ko.


'Ah andiyan lang sa tabi-tabi, halika higa tayo sa doon sa kubo.' yaya niya sakin papunta sa kubong walang bubong.Talagang sinadya itong gawin , para sa ganitong pagkakataon upang makita ang langit.


'Sige' at sumunod sa kanya.


Nagkwentuhan kami ng kung ano-anu .  Malapit na magkaibigan kami ni Jonah , sya ang unang naging kaclose ko mula ng tumungtong ako ng college.


Nakakapagod na byahe, mula Rizal papuntang Zambales.First time kung bumyahe ng ganito kalayo, pero okay lang masaya naman , lalo na't ganito kaganda ang madadatnan mo.


Kasama namin ang mga kabarkada namin.Ako,Jonah , CJ, Warren , Rene at Ryan. Maiingay ang mga lalaki kaya hindi nakakabagot ang byahe.


'Ah, Jane ihi muna ko huh,dyan ka lang.' paalam niya .


'Sige bilisan mo huh.' 


'Oo , di naman ako tatae eh,hahahah.' at pumunta na sya sa may mga halaman .


Medyo natagalan ata si Jonah ah , kaya ang ginawa ko ,pinipikyuran ko na lang langit at ang dagat.Sobrang ganda ! Napangiti ako .


Maglilimang minuto nang wala si Jonah ng may narinig akong kaluskos mula sa likod kaya napatayo ako. At paglingon ko may biglang humampas sa ulo ko.Sobrang sakit,pinalo pa ng isang beses ang ulo ko.Napahiga ako sa matitinik na lupa.


Pero bago ako nawalan ng malay,kitang kita ko kung paano tumawa ang mga halimaw kong kaibigan. At naging madilim na ang akin paningin.Di ko alam kung mabubuhay pa ba ko o hindi. Di ko aakalain na magagawa nila sakin to!


Bakit?Bakit niyo nagawa sakin to!

GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon