Nakaupo ako sa isang bench sa school namin.Pinili kong mag-aral dito para sa iba ko pang subjects na i-exam ko pa mamaya dahil sa sariwa ng hangin at hindi naman mainit dahil naliliman ito ng mayabong puno.Di ko kasama ang mga kaibigan ko dahil hindi nila ako kaklase sa subject na inexam nila.Naisummer ko na kasi ito.Nang biglang lumapit si Oliver.Limang buwan na syang nanliligaw sa akin.
'Hi Jane!' bati niya sakin.
'Hi Ver,kamusta?'
'Ayos lang.Kamusta ang exam?' Tanong niya sakin.
'Maayos naman,nagrebyu ako ng maigi sa mga majors ko kaya medyo nadalian ako.' sagot ko sa kanya sabay ngiti ng matamis.
'Wow!Kaya kita nagustuhan eh,napakasipag mo.'Ngiti niya sakin.
'Asus!Bolero!' biro ko.
'Oy! Di ako nagbibiro huh' medyo defensive niyang sagot.'Jane lingon ka sa likod mo' malambing niyang sinabi ang mga katagang iyon at sinabayan ng mapupungay na mga mata.
Di ko namamalayan na pumunta na pala sa may bandang likuran ko ang mga kaibigan ko.May dala dalang mga balloon na kulay puti at mga bulaklak na pampatay.Mas lalong nanindig ang aking mga balahibo sa dala dala nilang cartolina na may nakasulat na 'WILL YOU PLEASE DIE?'
Napatayo ako sa nakikita ko at gulat na gulat sa mga letrang nakasulat ng bigla akong yakapin ni Oliver mula sa likuran ko.
'Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?' malambing niyang sabi sa akin.'Kasi kami gustong gusto namin' ramdam ko ang kasiyahan ng binanggit niya ang mga katagang iyon.
Hindi ako makareact sa nangyayari,bago pa ko magsalita ay may kinuha syang patalim at agad na hiniwa ang leeg ko.
'Aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh'! sigaw ko at napabangon ako sa pagkakahiga ko at pinagpapawisan ako ng malamig at napaiyak ako.Panaginip lang pala.Hingal na hingal ako at sumisikip ang dibdib ko , ang lahat ng nangyari sa panagip ko ay totoong nangyari nong sinagot ko na si Oliver pero hindi ganun ang nakasulat sa mga kartolina.Hindi niya hiniwa ang leeg ko ,bakit ganun!
Punong puno ng pagtataka ang utak ko ng may biglang pumasok sa kwarto ko.Isang lalaki na di ko kilala.Kitang kita ko na malayo ang agwat ng edad namin dahil sa tindig nito at laki ng katawan.Medyo mabalbas pa ,katulad nung kay Zayn Malik sa music video niya ng pillowtalk.Mukhang mature na,parang yong mga bachelors na nakikita ko sa mga magasin.Ang pogi.
'Anong nangyari?' tanong niya.
Puno man ng pagtataka sa panaginip ko eh mas nagtataka ako kung bakit andito sya.Saka ko lang napansin na wala pala ako sa kwarto ko.Nilibot ko ang paningin ko sa loob nito.Halos moderno ang mga kagamitan pero may mga makalumang gamit naman.May mga gamot sa mesa na tabi ng kamang hinihigaan ko,at di ko alam kung bakit mayroong ganon dito.Malakas ang hangin na pumapasok dito.May pinto papunta sa veranda ng kwartong ito at matatanaw mo ang ganda ng asul na dagat.
Pagkatapos kong libutin ang paningin ko sa kwartong ito ay tiningnan ko sya ng may halong pagtataka.'Sino ka?Bat ako nandito?Anong nanyari?' tanong ko.
'Wala kang naaalala miss?'
BINABASA MO ANG
Gone
Teen FictionAnong gagawin mo kung lahat ng tao ayaw sayo? Gusto kang patayin,totally maglaho ka. Mula ng nawala ka , lahat sila naging masaya . Sa pagbalik mo parang nagbago na lahat. Parang di ka na nababagay sa mundo nila . Everything's gone!Why I'm still h...