"Bat lumabas ka?Nakakasama yan sa pakiramdam mo." Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya.
"Nagpapahangin lang.Likod ko ang sumasakit sa kakahiga,hindi yung ulo ko." sabay tingin ko sa napakalaking karagatan.
"Tanghaling tapat mo pa talaga naisipang lumabas?". Ngumuso na lang ako sa kanya.
Di alintana sakin ang init na ibinibigay ng haring araw.Pero parang hindi ko naman nararamdaman ang init nito bagkus eh parang gustong gusto ko.Parang akong nakulong ng ilang taon ng hindi nasisikatan ng araw.
"Pumasok ka na,mamayang hapon ka na lang lumabas ulit".Sabay hawak sa braso ko at hinila papasok sa bahay niya.
Nagpatianod ako sa paghila niya.Sobrang laki ng bahay na to.May halong classic at moderno ang itsura nito.
"Wala ka bang asawa?I mean naiwang asawa or girlfriend?" .Tanong ko na kanyang pag-igting ng kanyang mga panga.
Nasa tapat na kami ng pintuan ng tinanong ko sya.Tinignan niya lang ako ng masama.Tumutusok sa kaibuturan ko ang mga titig niya.Hindi ako nagpatalo sa pagtitig niya.Mga ilang minuto din kaming nagtitigan at sumuko din sya.Umiwas sya ng tingin at binitawan ako.Lumayo sya ng kaonti at tinignan ulit ako.
"May aasikasuhin lang ako sa taas.Kung nagugutom ka pumunta ka lang sa kusina.Yong mga gamot mo,wag mong kalimutan."Pagkatapos sabihin ay tuloy tuloy na ang pag-akyat niya sa taas.
Sinundan ko na lamang sya ng tingin.Wala akong maisip kung anong gagawin ko.Maya maya ay umakyat na rin ako sa tinutulugan ko para magpahinga.Hindi din naman ako nagugutom kaya aakyat na lang ako.Napadaan ako sa kwarto niya,medyo nakabukas ito.Parang may kausap siya.Lumapit ako sa pintuan niya.
"I'm sorry....i'm so sorry". paulit ulit niyang sambit.Sino ba kausap niya at bakit sya nagsosorry.
Pagsilip ko , may tinitignan siya sa monitor ng kanyang laptop.Isang babae ang nasa larawan ang nakita ko.Di ko makita ang mukha dahil natatakpan ng kanyang mga braso ito.
Bigla syang tumayo at nakita ko kung sino ang babaeng nasa larawan na siyang nagpalaki ng mga mata ko.
Bigla siyang sumulpot sa harapan ko.Mukhang gulat gulat na nasa pintuan ako
"Bakit may larawan ako sayo?"
BINABASA MO ANG
Gone
Teen FictionAnong gagawin mo kung lahat ng tao ayaw sayo? Gusto kang patayin,totally maglaho ka. Mula ng nawala ka , lahat sila naging masaya . Sa pagbalik mo parang nagbago na lahat. Parang di ka na nababagay sa mundo nila . Everything's gone!Why I'm still h...