Stuck

7 0 0
                                    


'Wala kang naaalala miss?'

Parang isang kalabit ang kanyang ng mga salita at isa isa at mabilisan kong naalala kung paano ako tinraydor ng mga kaibigan ko.Napaluha ako sa sobrang sakit.Nag-uunahan ang mga malalaki kong luha.Di ko pa rin lubos maisip na magagawa nila yun sakin.Ni wala akong maisip na dahilan para gawin nila yun sakin.I've been a good,loyal and true friend to them,but why we came here?It hurts big time!

Bigla na lang sumakit ang ulo ko,saka ko lang nalaman na may benda pala ang ulo.

'Arghhhh!Aray' hinaing ko.

'Miss okay ka lang?Teka,wag ka ng umiyak' sabay lapit sakin at kumuha ng kung anu sa mesang may mga gamot."Humiga ka muna" sambit niya.

"Ano yan?Ano yang ituturok mo sakin?" tanong ko

"Gamot to para maibsan ang papanakit ng ulo mo,hindi pa masyadong naghihilom ang tahi mo sa ulo.Nagkaroon ka ng fracture ,May mga nadurog na buto sa bungo mo at kailangang operahan para hindi lumalala,kung hindi naagapan maaaring mabulag ka o maparalys" pag katapos niyang sabihin sakin ay tinurukan na nya ako ng gamot."Sabi ng doctor maaring tumama sa matigas na bagay ang ulo mo.Ano bang nangyari sayo?"tanong nya.

Medyo nawawala na ang pananakit sa ulo ko."Paano ako nakapunta dito?"tanong ko pabalik sa kanya.

"Nakita kita dyan sa dalampasigaan,nakahandusay walang malay.Kala ko patay ka na kasi medyo kita yong laman ng ulo mo.Pero bigla ka na lang nagising ,nanghihingi ka ng tulong at nawalan ka ulit ng malay.Ano ba talagang nangyari sayo?" tanong niya ulit.

Hindi ko alam kong paano ko sya sasagutin,parang ang sikip sikip sa dibdib,gusto kong ishare pero parang ayaw ko.Iyak na lang ako ng iyak.

"Miss,please stop crying.Please stop!"nag-aalala niyang sambit."Miss,gutom ka ba?Nauuhaw ka ba?Teka ipagluluto kita"kahit walang sagot mula sakin ay umalis na sya.

Pagkatapos ng 15 minutos ay itinigil ko na ang pag-iyak.Ang ganda ng dagat na nakapagbighani sakin,pero twing nabibighani ako naalala ko lamang ang lahat ng nangyari.

"Heto na pagkain mo." andito na pala sya.

Umupo ako ng maayos para mailagay ang pagkain.

"Salamat".tanging nasambit ko.

"Kain ka na,kailangan mong magpalakas.Ilang araw ka ding tulog" napatingin ako sa kanya.

"Huh?Ilang araw na ba?"tanong ko.

"Mula nong dumating ka dito mga hmmmm...." nagbibilang pa sya sa kamay niya."Mga 13 days na".Nagulat ako,ang tagal ko na palang tulog.

"Talaga?"hindi ako makapaniwala.Sigurado akong nag-aalala na si mommy at ate."Saang lugar ba to?Malayo ba to sa Zambales?" tanong ko.

"Zambales ka pa galing?Medyo malayo ang inabot mo,nasa Bataan tong resort ko."Gulat nyang sagot sakin.

"Pwede na ba ko umuwi?Baka kasi hinahanap na ko nina mommy".

"Pwede naman,kaso sa makalawa pa ang dating bangka na magtatawid sa city proper ng bataan."

"Huh?May cellphone ka ba?Internet?" tanong ko at nawalan na ng gana.

"Im sorry pero wala eh"dismayado niyang sagot."Pag andito kasi ako ,ayoko ng istorbo kaya hindi ako nagpapalagay o nagdadala ng mga ganun.Pasensya ka na,kailangan mong antayin ang bangka."

Napayoko at nakagat ko ang ibabang  labi ko.I don't know what should i feel.To feel blessed that I'm still alive or feel sad that I'm stuck in here.

"Ok,I'll wait".


GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon