Remember

1 1 0
                                    


"ANO!Bakit may picture ako sayo huh!" sigaw ko sa kanya.Kanina pa sya hindi sumasagot at nakatingin lamang sa sahig."Ano ha! Sumagot ka!"

Bigla syang tumingin sakin at parang papatayin ako sa mga titig niya.

"Umalis ka dito!" Sabay tulak niya sakin.

Nabigla ako sa ginawa niya.Nakatayo lamang ako sa labas ng pintuan niya.Maya maya may naririnig na akong nababasag.

Di ko na kinaya at umalis na lang at dumiretso sa kwarto ko.Gulong gulo ang utak ko sa nangyayari pero wala akong magagawa.Hindi niya masagot ang mga katanungan ko.Siya pa ang galit sa pagtatanong ko.

Sa sobrang pag-iisip ko ay nakatulog ako.Ni hindi ko nainom sa tamang oras ang mga gamot ko.

Maaga akong nagising kinabukasan.Hapon na ko nakatulog at hindi pala ako nagising kinagabihan.Medyo sumasakit ang ulo ko kaya bumaba agad ako ng kwarto upang makapagluto muna.

Habang naglalakad,inaalala ko ang nangyari kahapon.Picture ko,galit sa mga mata niya.Ewan,parang pag naiisip ko iyon parang nawawala ako sa mundong ito.Walang makakasagot sa mga katanungan ko.

"Kumain ka na". Ay,gising na pala sya.Ilang akong tumango sa kanya at mabagal na paghakbang ang ginawa ko at umupo.Sinandukan niya ko ng kanin at ulam.Nakakahiya naman,ako na nga yong nakakaistorbo ako pa yong nagpapahayahay.

"Salamat ". Mahinang sambit ko.At nagsubo na ng pagkain.

Batid ko ang mga titig niya sa akin.Naconcious tuloy ako,hindi pa ko naghihilamos o naliligo,for sure sabog mukha ko.

Nakatitig pa rin sya hanggang ngayon kaya nag-angat ako ng tingin.Akala ko iiwas sya ng tingin ngunit nagkamali ako.

"Pasensya pala kahapon.Alam ko marami kang mga tanong,pero sana maintindihan mo na hindi ko pa masasagot lahat ng mga katanungan mo ngayon." Napatitig ako sa kanya.Why?Bakit hindi niya masabi sakin ngayon?May koneksyon ba kaming dalawa?

"Sige". tanging sambit ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat nako,siya na daw magliligpit ng mga plato at kailangan ko na daw uminom ng gamot.

Siguro dahil sa epekto ng gamot ay inaantok na ulit ako.Hinayaan ko na lang na kusang pumikit ang mga mata ko.Kailangan ko muna sigurong magpahinga,ang daming nangyari sa buhay ko ngayon.Ang daming katanungan na hindi masagot sagot.

May larawan sya sa akin,habang hindi pa tuluyang nakatulog ang katawang lupa ko ay paulit ulit kong iniisip kung nagkita na ba kami.Ngunit hanggang sa makatulog ako ay wala akong nakuhang sagot sa sarili kong mga katanungan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon