BENJ: Thank God we’re finally home! Traffic is so bad here! Parang hindi ko yata kaya mag-drive dito.
NASH: Hahaha! Kaya mo yan! Masanay ka na!
BENJ: Mukhang strict parents ni Sharlene ‘no?
NASH: Oo, strict talaga sila. Minsan nga parang feeling ni Shar nasasakal na sya sa sobrang strict nila.
BENJ: *mumbles* Buti pa nga sya eh.
NASH: Ha? Anong sabi mo?
LILY: O nandyan na pala kayo. Bakit kayo natagalan? Kumain na ba kayo?
BENJ: MOMMY!!
Nagyakapan ang mag-ina.
LILY: *fighting tears* Na-miss kita ng sobra, anak!
BENJ: I missed you so much, Mom!
LILY: Kumain na ba kayo? Natawagan mo na ba Daddy nyo na nakadating ka na?
NASH: Oo nga pala! Benj, i-facetime na lang natin si Daddy.
BENJ: Alright. Pero kain muna tayo. I’m starving!
-------------------
NASH: Hi, Dad! Nandito na si Benj o! Benj, mag-”Hi” ka naman kay Daddy!
TERRENCE: O bantayan mo ‘yan ha, Nash. Wag mo pabayaan gumawa ng kalokohan.
NASH: Sige po....ako po bahala kay Benj!
BENJ: Psssh....para naman akong bata na kailangan bantayan....
LILY: Musta na kayo dyan, Terrence? Miss na kita, Hon! Kailan naman ako bibisita dyan?
TERRENCE: Kung gusto mo ngayon na!
LILY: Hihihi.....puro ka talaga kalokohan! Sa’yo talaga nagmana ‘tong si Benj!
BENJ: *mumbles* Ako na naman.....
TERRENCE: Anyways....kumusta naman kayo dyan? Nash, kumusta naman studies mo?
NASH: Okay naman po, Dad. Mahirap ang classes pero kinakaya ko naman. Nasa Top 10 pa lang po ako.
TERRENCE: I believe in you, Nash! Makakaya mo mag-top 1! O Benj, gayahin mo si Nash. Kaya kita pinauwi dyan para merong mag-motivate & inspire sa’yo na mag-aral.
BENJ: I knoooow..... Nasabi nyo na yan! Paulit-ulit na lang....
NASH: O sige, Dad! Magpapahinga na si Benj. Napagod sya sa byahe eh. Ako na po bahala kay Benj. Wag kayong mag-alala. Sige po....kayo na lang muna ni Mommy mag-usap. Loooove you! Goodnight na lang!
Hinila ni Nash paalis si Benj at umakyat sila sa room ni Nash.
NASH: Bakit ka ganun sumagot kay Daddy?!
BENJ: Eh kasi mag-uumpisa na naman sya! Nakakasawa na! Palagi na lang ganun! Palagi na lang ako ang napapansin.....NA MALI AKO!
NASH: Teka, teka! Kalma, kalma! Chill, bro! Gusto lang naman nila ang best para sa’yo.
BENJ: Eh lagi na lang yun ang topic! Pinamumukha nila ang mali ko!
NASH: Ikaw naman kasi....nagkakatuwiran ka pa. Eh may mali ka rin naman talaga.
BENJ: Naiinis na ako eh! Kahit naman gagawin ko ang best ko....hindi naman nila mapapansin. What’s the point?
NASH: Intindihin mo na lang sila. Wag ka magpa-pressure kay Dad. Basta i-prove mo na lang sa kanila kung anong kaya mo.
BENJ: Eh paano kung ito lang ang kaya ko?
NASH: Wag mong i-down sarili mo. Mas marami ka pang maa-achieve for yourself.
BENJ: Bro, ano ba?! Pati ba naman ikaw magle-lecture sa akin! I’m done with this! Goodnight!
Lumabas si Benj sa kwarto at binagsak ang pinto ni Nash. Dire-diretso syang humiga sa kama pagpasok sa kanyang room na katapat lang ng room ni Nash. Ilang minuto rin sya nakatitig sa ceiling bago nya napansin ang mga gamit sa kwarto nya. Nagsimula syang libutin ang kanyang kwarto.
Ganito pa rin pala ayos ng room ko. Walang nagbago. Pero malinis. Talagang inalaagan ni Mommy. Naalala ko lagi akong pinapagalitan ni Mommy dahil hindi ko inaayos mga gamit ko. O....nandito pa rin pala laruang ‘to! I remember lagi kaming nag-aaway ni Nash dahil sa kotse-kotsehang ‘to! Tapos ako laging nasisisi na nag-umpisa ng away. Kahit noon pa pala, ako na ang bad boy sa tingin nila....ako yung laging gumagawa ng kalokohan. Si Mommy kumakampi kay Nash, favorite nya kasi nga laging sumusunod at matataas ang grades. Mas kakampi ko si Daddy. Kaya nung umalis si Daddy papuntang U.S. nung 10 years old kami, parang nawalan na ako ng kakampi. Naging okay naman ang lahat kahit wala si Daddy, pero ewan ko kung bakit noong nag-Highschool kami parang nag-iba ang closeness namin ni Nash. Hindi na kami as close as before at iba na naging mga hilig namin. Napasama ako sa maling barkada. I learned how to skip classes & cheat on tests! I even tried drinking alcohol. Oo...inaamin ko....naging medyo bad boy ako. Nagkaroon pa ng time na nasagot at napaiyak ko si Mommy. Dahil dun na-decide nila na mas makakabuti sa akin kung dun muna ako kay Daddy. Baka daw tumino ako kung magagabayan ako ng isang firm & strict person like my Dad.
*knock on the door*
LILY: Benj.....gising ka pa ba?
BENJ: Opo, Mommy! Pasok po.
LILY: *opens door* Gusto ko lang mag-goodnight. I love you, Benj!
BENJ: Goodnight po. Love you, Mom!
*** *** ***
"ROOM"
BINABASA MO ANG
My Brother is My Bestfriend's Lover {NashLene}
Teen FictionThe ULTIMATE SOLID NashLene fanfic EVER! The best love triangle of all time! Inspired by Nash Aguas & Sharlene San Pedro [NASHLENE] Sorry, pero ON HOLD muna ang FanFic na 'to….busy pa kami sa pagtulong i-organize ang Get-Together ng Nashies AND...