Tumingin si Nash sa relo nya.
Halos dalawang oras na since sinabi ni Sharlene na pauwi na sila, ah. Bakit wala pa rin sila!? Sobrang traffic kaya? Hindi man lang nagte-txt si Sharlene at hindi rin sumasagot sa tawag ko, kahit si Benj! Ah...baka nandun na sila sa bahay ni Shar.
*ring ring*
Baka sila na yan.
NASH: Hello?
GIGI: Nash! Nandyan ba si Sharlene sa inyo? Hindi namin sya ma-contact! Gabi na… Wala pa sya sa bahay!
NASH: Ano po?! Wala po sya dito!
GIGI: Ang paalam nya magpapasama sya sa’yo sa mall. Sapatos lang naman bibilihin nya kaya dapat nakauwi na yun ngayon. Bakit nga pala hindi ka nya kasama?
NASH: Ah….kasi po si Benj na lang pinasama ko kasi….kasi may inasikaso pa po ako *feeling guilty* Hindi ko naman po--
GIGI: Ah...sandali….may dumarating. Baka si Sharlene na ‘to.
Sharlene opens the gate.
GIGI: Dito na si Sharlene! Sige Nash, salamat na lang, ha.
Nagpaalaman na sila sa phone at hinarap nina Gigi at Allan si Sharlene at Benj.
ALLAN: Bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan kayo nanggaling? Kanina ka pa dapat nakauwi!
SHARLENE: Mama, Papa, sorry po. Pauwi na nga po sana kami pero na-stuck po kami sa elevator. Alam ko po hindi kapani-paniwala pero nangyari po talaga yun.
ALLAN: Mahirap talaga paniwalaan yan! Baka naman kung saan ka pa dinala ng lalaking ‘to!
SHARLENE: PAPA!?
BENJ: Kung hindi po kayo naniniwala....e’di tawagan nyo yung mall bukas na bukas. Malalaman nyo po na totoong nasira yung elevator habang may dalawang tao na nasa loob. Saka hindi nyo pa po ako kilala para i-judge ng ganyan.
GIGI: Eh bakit kasi di kayo tumawag kung anong nangyayari sa inyo para hindi na kami nag-alala?!
SHARLENE: Ma, wala pong signal sa loob ng elevator. Tapos na-lowbatt na yung phones namin by the time na nakalabas na kami…kaya hindi na po kami nakatawag na pauwi na kami.
GIGI: Kahit na! Dapat naghanap kayo ng paraan para ma-contact kami!
SHARLENE: Sorry po….nawala na po sa isip ko na tumawag sa inyo para hindi na kayo mag-alala.
ALLAN: Nagiging iresponsable ka ng bata ka! Hindi porke’t malaki ka na nakakalimutan mo nang merong mga tao na naghihintay sa’yo sa bahay at nag-aalala para sa’yo! Nung isang beses basta-basta ka na lang sumama kay Nash ng hindi nagpapaalam….tapos ngayon naman eto!
GIGI: Wag mo sana sirain tiwala namin sa’yo, Sharlene. Ikaw naman, Benj. Kahit kapatid ka ni Nash, hindi ibig sabihin nun na ganun na tiwala namin sa’yo kagaya ng kay Nash.
SHARLENE: Ma! Ma! Bigyan nyo naman po ng chance si Benj, parang si Nash noon. Buti nga po pumayag syang samahan ako kasi hindi pwede si Nash.
BENJ: It’s okay, Sharlene. I understand them. *faces Sharlene’s parents* I sincerely apologize po Ma’am, Sir…..hindi naman po namin gusto yung nangyari na nasira yung elevator. Hope you will just be glad that Sharlene got home safely.
ALLAN: Sya nga pala….salamat dahil hinatid mo si Sharlene sa amin ng ligtas. Sige na...umuwi ka na, Benj. Baka nag-aalala na rin nanay at kapatid mo. Kailangan na rin namin magpahinga dahil may trabaho pa kami bukas.
SHARLENE: May trabaho po kayo bukas?! Eh Linggo po ah? Magpahinga naman po kayo!
GIGI: Kailangan anak eh. Yaan mo na...magaan naman ang trabaho bukas kaya ‘wag ka na mag-alala. Basta yung pag-aaral mo na lang isipin mo. *looks at Benj* O sya sya…ingat ka sa pag-uwi, Benj. Maraming salamat dahil sinamahan mo ang prinsesa namin.
SHARLENE: Thank you uli, Benj! Ingat!
Humingi uli ng paumanhin si Benj at nagpaalam na para umalis.
ALLAN: Hindi ko gusto ang tabas ng dila nyang si Benj.
SHARLENE: Papa, mabait din naman po si Benj eh. Pareho lang po sila ni Nash na mapapagkatiwalaan din.
GIGI: Hindi ko din masasabi...iba ang dating nya sa akin eh.
ALLAN: Matulog na nga tayo. Alam mo naman ayaw namin napupuyat ka, Sharlene.
SHARLENE: Opo, Papa. Goodnight po sa inyo. Sorry po uli.
Niyakap ni Sharlene ang Mama at Papa nya at pumunta na sa kwarto nya.
-------------------
Benj opens the door and finds Nash sitting on the couch.
NASH: BRO! Anong nangyari!? Kanina ko pa kayo tinatawagan ni Sharlene!
BENJ: You wouldn’t believe what happened to us! Grabe, Bro! We got STUCK in an elevator! Akala ko sa movies lang may ganun...can’t believe na mangyayari sa ’kin yun!
NASH: Hirap nga paniwalaan yan.
BENJ: Tell me about it! Just imagine telling THAT to Sharlene’s parents. Akala nila meron akong ginawa sa kanya!
NASH: HAHAHA! Ganyan talaga sila.
BENJ: You owe me big time, bro!
NASH: WAIT...nag-elevator kayo?! Buti napapayag mo si Sharlene...eh may claustrophobia yun!
BENJ: Ah eh...it's a long story. Hindi ko naman alam na may phobia pala sya. Wala naman sya sinabi eh.
NASH: Kumusta naman si Sharlene? Sigurado takot na takot yun dahil na-stranded kayo!
BENJ: I learned about it the hard way. Pero napakalma ko naman sya habang nasa loob kami.
NASH: Buti naman hindi mo sya pinabayaan.
BENJ: Nangako ako sa’yo, di’ba. In a way, I’m glad it happened.
NASH: ANO?! *nanlaki ang mata* Bakit mo naman nasabi yan?
BENJ: *smiles* Basta! Sige...matutulog na ako!
NASH: Benj! Ano ba talaga nangyari?!
Tuloy-tuloy lang si Benj paglalakad papunta sa room nya habang sinusundan at kinukulit sya ni Nash.
NASH: HOY! Anong ibig mong sabihin dun, Benj?!
BENJ: Goodnight! *smiles while he closes the door*
-------------------
Paghiga ni Sharlene sa kama ay agad nyang kinuha ang doll na nasa tabi nya.
Nakakatawa naman….ang tanda-tanda ko na nagma-manika pa rin ako. Siguradong pagtatawanan ako ng friends ko pag nalaman nila. Pero ito talaga nagpapasaya sa akin kahit sobrang pagod o malungkot ako. Naalala ko pa yung time na nakuha ko ito….regalo sa akin nina Mama at Papa nung 7th birthday ko. Ang saya-saya ko nun! Madaming bisita, pagkain, palaro, may magician pa nga eh. Lahat masaya at nagtatawanan….kahit sina Mama at Papa. Yun na yata pinaka-masayang birthday party ko. Masaya naman kami ngayon pero hindi na katulad dati. Ngayon kasi laging stressed at problemado sila. Simula nung nalugi ang business nina Mama at Papa….unti-unti ng nagbago. Hanggang sa kinailangan na namin ibenta ang bahay namin sa probinsya para mabayaran mga utang namin. Nagpapasalamat na lang ako na nandyan si Uncle Peping at pinatira kami dito sa bahay nya. Malaking tulong talaga yun kasi natagalan din bago nakahanap ng trabaho si Papa. Kung pwede nga lang gusto ko na maka-graduate agad sa college para makakuha ng magandang trabaho at makatulong na ako sa kanila. Nalulungkot ako ‘pag nakikita ko silang nahihirapan. Itong manika ko na lang ang nagpapaalala sa akin nung happy times.
Hindi namalayan ni Sharlene na umiiyak na pala sya. Napayakap na lang sya ng mahigpit sa kanyang manika habang naaalala ang past nya.
*** *** ***
“DOLL”
BINABASA MO ANG
My Brother is My Bestfriend's Lover {NashLene}
JugendliteraturThe ULTIMATE SOLID NashLene fanfic EVER! The best love triangle of all time! Inspired by Nash Aguas & Sharlene San Pedro [NASHLENE] Sorry, pero ON HOLD muna ang FanFic na 'to….busy pa kami sa pagtulong i-organize ang Get-Together ng Nashies AND...