Episode 6

3.5K 96 47
                                    

SHARLENE:  Papasok tayo dyan?!  AYOKO!  

BENJ:  Nandito na tayo eh!  

SHARLENE:  Mag-escalator na lang uli tayo!

BENJ:  Nandun pa yung escalator!  I don't wanna walk all the way there!  Pagod na ako kakasunod sa'yo.  Ako naman sundin mo ngayon.  Why, do you think na may gagawin ako sa'yo sa elevator!?  *smirk* You're not my type of girl.

SHARLENE:  Hindi ah!  At saka....pwede ba?!  Hindi din kita type 'no!  YUCK!

BENJ:  Pffft....eh bakit parang takot na takot ka pumasok?!  Halaaaa....may multo dyaaaan!

SHARLENE:  Tara na nga!

Pumasok na sila sa elevator. Silang dalawa lang sa loob.

BENJ:  Sarap ng kinain natin 'no?  

Napansin ni Benj na iba ang pagkatahimik ni Sharlene kumpara sa kanina. Nakahawak ng mahigpit sa railing ng elevator at mukhang kabado si Sharlene.

BENJ:  Uy, Sharlene!  Okay ka lang?  Naririnig mo ba ako?

Biglang huminto ang elevator at nawalan ng ilaw sandali.  Sumigaw si Sharlene at napayakap kay Benj.  Nakita ni Benj na talagang takot na takot si Sharlene at humihigpit ang yakap nito.  Isang minuto rin siguro na magkayakap silang dalawa bago sila bumitaw sa isa't-isa.  Natakot din si Benj at nag-worry kung anong nangyayari pero nakuha pa rin nya mang-asar.

BENJ:  Takot ka ba talaga.....or you're just taking advantage of the situation to hug me?

Nakatulala lang si Sharlene kaya pinaupo muna sya ni Benj sa sahig at tinabihan ito.  Maya-maya meron nagsalita sa speaker na meron lang konting technical difficulty at inaayos na ito kaya wag silang mag-alala dahil makakalabas din sila agad.  

BENJ:  Narinig mo yun Sharlene?  Inaayos na nila yung elevator.  Makakalabas din tayo di--

Nakita ni Benj na nakapikit at nakatakip sa tenga si Sharlene. Medyo nagpa-panic at napapaiyak na ito kaya sinubukan syang pakalmahin ni Benj.

BENJ:  Sharlene, Sharlene!  What's wrong?  

SHARLENE: *mutters to herself* Ilabas nyo ako dito!  Tama na...tama na....parang awa nyo na....

BENJ:  Calm down, Sharlene!

Hinawakan ni Benj ang kamay ni Sharlene at pilit tinatanggal ang kamay nito sa tenga.

BENJ:  Sharlene...Sharlene...RELAX!

Dahil sa sobrang pag-alala ni Benj kay Sharlene, di nya napansin na ang mga mukha nila ay malapit na magdikit.   

BENJ:  Look at me! *hawak pa rin ang kamay ni Sharlene*  Wag kang matakot.  

Pagkaalis ng kamay ni Sharlene ay sabay napamulat na sya.

BENJ:  Hinga ka ng malalim.  Tumingin ka sa mga mata ko. 

Tumingin si Sharlene sa mga mata ni Benj.  Lalo pang humigpit ang hawak ni Benj sa kamay ni Sharlene.

BENJ:  Everything will be alright.  Nandito lang ako.

Tila naka-recover na si Sharlene at bigla nitong niyakap si Benj.

SHARLENE:  Salamat.   

Yumakap din si Benj kay Sharlene at napangiti dahil okay na si Sharlene. 

SHARLENE: *tightens her hug* Alam kong safe talaga ako pag kasama kita, Nash.

Biglang naging seryoso si Benj.  Unti-unti syang bumitaw sa yakap nya kay Sharlene at sumandal uli sa wall. 

My Brother is My Bestfriend's Lover {NashLene}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon