Episode 2

5.1K 118 41
                                    

Haaay naku... umpisa pa lang... hindi na maganda ang vibes ko kay Benj!  Oo, magkamukha nga sila ni Nash, pero ang ugali magkaiba talaga.  

Pinagmamasdan ni Sharlene ang magkapatid habang nasa backseat sya.  

NASH:  Broooo....sobrang na-miss kita!  3 years na din tayo hindi nagkita!

BENJ:  Missed you too, Bro!  You changed a lot!  Mas pumogi ka na!  Hahaha!

NASH:  Hahaha!  Ikaw nga ‘tong mas gwapo!  Ganda ng porma mo, Bro!  Siguro dami mo na naging girlfriends.

BENJ:  Alam mo naman tayo, Bro!  Habulin ng chicks!

Sharlene looks disgusted while the 2 laugh out loud.  “Habulin ng chicks” Sharlene says softly while mimicking Benj.  OMG!  ANG YABANG TALAGA!

NASH:  Musta na pala si Dad?

BENJ:  Workaholic pa rin.  Always busy with work.

NASH:  Si Daddy talaga hindi na nagbago!  Kaya siguro hinahayaan ka na lang nya gawin ang gusto mo ‘no!

BENJ:  Well..... *biglang napatingin si Benj sa likod*  Oh!  I forgot meron nga pala tayong kasama!  Hindi kasi nagsasalita!  Siguro sobrang na-enchant sa presence ko!

Nagulat si Sharlene at hindi makapagsalita.  Kapal talaga ng mukha nito!  

NASH:  Oo nga, Shar!  Bakit ang tahimik mo ngayon?  Hindi ka naman ganyan normally, ah!

SHARLENE:  Hindi!  Ummm.....  Nagtataka lang ako kung bakit ang galing pa rin mag-Tagalog ni Benj at hindi masyado slang magsalita.

BENJ:  Duh....Teenager na ako pumunta sa U.S. kaya matanda na ako para makalimutan ang Tagalog.  And besides, Tagalog naman kami mag-usap sa house.  Lalo na kasama namin ni Dad si Lola eh hindi sanay mag-English yun!  Alam mo naman....matanda na!  HAHAHA!

NASH:  At saka madalas naman kami mag-chat ni Benj.  Sabi ko sa kanya na wag ako English-in kasi baka magdugo ilong ko!  HAHAHA!

BENJ:  Nooooosebleeeeed!  HAHAHA!

Napa-rolleyes na lang si Sharlene.  

Ibang-iba talaga si Benj kay Nash!  Si Nash talagang mabait at hindi mayabang.  Naalala ko yung unang beses kami nag-meet. First day ko sa school nun dahil bagong lipat lang kami dito....wala akong kakilala at nahihiya ako magtanong kasi baka isipin nila na para akong tanga at promdi ako.  Tapos may nakita akong isang lalaki na nag-gigitara sa isang sulok.  Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nagdalawang-isip na lapitan sya.  Gwapo, maamo ang mukha, at alam kong wala syang gagawing masama sa akin.  Sobrang bait nya at willing na tumulong sa akin.  Tinuro nya kung ano ang kailangan kong malaman sa school at kung saan ako dapat pumunta.  Late enrollee ako kaya marami akong kailangan i-catch up kaya ang dami ko rin hiniram na books sa library.  Siguro sobrang taranta ko na rin kaya ilang beses ko nahuhulog ang mga dala ko.  Buti na lang merong tumulong sa akin.  Nagulat ako na siya rin pala yun.  Nag-offer pa sya na dalahin na lang mga gamit ko hanggang dumating ang sundo ko.  Eh wala naman akong sundo kasi nga wala kaming car at nasa trabaho sina Mama at Papa.  Nagulat ako na sinamahan nya ako at hinintay nya talaga na makasakay ako ng tricycle.  Simula nun naging friends....close friends na kami ni Nash.

BENJ: *shouting along with the radio*  I’m a, I’m a, I’m a mother father Gentleman.....

Hmp!  Si Nash ang totoong gentleman!

--------

NASH:  Sorry po, Tita Gigi & Tito Allan, na-late po ng uwi si Sharlene.  Sinamahan po kasi nya ako na sunduin yung kapatid ko sa airport at na-traffic pa kami.  Si Benj nga po pala yung kakambal ko na galing U.S.

BENJ:  Nice meeting you po, Sir.....Ma’am.

ALLAN:  O sige....basta sana wag na mauulit.  Alam nyo naman na may pasok pa kayo bukas.

GIGI:  Alam mo naman, Nash, nag-iisang anak namin ‘to.  Hindi namin ‘to pinapayagan sumama kung kani-kanino lang.  Sa’yo lang kami nagtitiwala kaya wag mo sana sirain yun.

SHARLENE:  Mama naman!  Please wag nyo na pagalitan si Nash.  Ako naman nagpumilit na sumama kay Nash eh.

GIGI:  Kababae mong tao tapos ikaw pa yung pasimuno!  Hindi ka pa nagpaalam.

SHARLENE:  Ehhhhh.....sorry na po talaga!  Nabo-bore lang ako kaya gusto ko lang makapasyal kahit sandali.

NASH:  Hindi ka nagpaalam, Shar?!  Talaga naman o!  Tignan mo tuloy ako pa napasama.  Tita, Tito....sorry po talaga.  Hayaan nyo po next time sisiguraduhin ko na magpapaalam muna si Shar sa inyo bago ko sya isama sa mga lakad ko.

BENJ:  Nash, let’s go home.  I’m tired.  Have a goodnight....Sir, Ma’am.  Sharlene, nice meeting you!

NASH:  Sige po...alis na po kami.  Pasensya na po uli.  Shar, kita tayo bukas sa school.

***  ***  ***

"CAR"

My Brother is My Bestfriend's Lover {NashLene}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon