Miss na kita.
Mga katagang laging lumalabas sa bibig ko. Laging pumapasok sa isipan ko. At laging nagpapaalala sa katauhan mo.
After how many years. Heto ako, nakakayanan ko pa ring lumaban. Kahit sobrang sakit na. Kahit na araw-araw nawawasak yung puso ko. Namimiss ko na kasi yung presence mo. Yung matatamis mong ngiti. Yung mapangakit mong mga tawa. Yung kakulitan mo.. lahat lahat :(
Kung may pagkakataon nga lang sana na maibalik ang lahat.
SANA. Kaso, lahat talaga ng bagay dito sa mundo ay may hangganan at walang permanente.
MISS NA KITA.
Heto ako ngayon, nakaupo sa park. Sa park na kung saan tayo unang nagkita..
"Miss? Pwedeng maki-upo?" Tanong ko sayo
"Opo kuya. Sige lang" sabay smile mo sakin. SHT. LOVE AT FIRST SIGHT naba to?
"Thanks. Nga pala, Angelo. And you are?" Sabay lahad ko sayo ng kamay ko upang makipag-kilala
"Ohh. What a coincidence? I'm Angela." Grabe. Nung narinig ko yung pangalan mo. Narealize ko na lahat talaga ng bagay may dahilan. Siguro dahilan to para mas lubusan nating makilala ang isa't-isa.
"Siguro dilang coincidence? Destiny ba?"
"Hahahahhahaha" sabay tayong tumawa.
Yung mga oras na yun ay mga oras na hindi ko makakalimutan dahil sa nakilala kita.
Natapos ang araw na yon na nagpalitan tayo ng mga numero. Araw-araw magkatext at magkatawag. Nagpapalitan ng Good Morning at Good night. At sa bawat araw na dumarating, mas lalo akong nabibighani sayo at mas lumalalim ang pagkagusto ko sayo.
Dumaan ang ilang buwan. Maraming mga bagay na nangyari satin, kagaya ng..
"Angelo, tara foodtrip tayo. Please." Anjan na naman yang pag puppy eyes mo. Syempre ikaw pa di kita matanggihan e.
"Okay. San ba gusto mo?" Hinilahila mo ako hanggang sa makadating tayo sa isang foodcourt na nasa tabi ng seaside.
Nagtataka ako kung bakit dun mo ako dinala? Akala ko kasi gusto mo dun sa mamahaling restaurant. Pero iba ka e, iba ka sa ibang mga babae. Simple! Walang arte. Kaya mas lalo kitang nagugustuhan.
"Ate. 50 pesos nga pong Dugo, 30 pesos po na bbq at 20 pesos po na kwek-kwek. Hihihi."
"Yun lang ba suki?" Suki? So ibig sabhin. Madalas ka pala dito. Kasi kilala ka na dito. Nakaka TURN ON ka. Kasi ikaw yung tipo ng maganda pero walang arte.
"Ikaw Angelo? Ano gusto mo?" Nagulat ako sa sinabi mong yun? Kasi akala ko inorderan mo na rin ako. Napaisip nalang ako ng grabe tong babaeng to. Sarap mahalin.
"Ahh. ehh, di ako gutom e. Makita lang kitang kumakain at busog okay na okay na ako"
"Sus. angelo naman e, bolero ka pa. Sige na minsan lang tayo mag foodtrip e"
At dahil makulit ka at napilit mo ako bumili nalang rin ako ng 20 pesos na bbq at 30 pesos na Isaw.
Habang pinagmamamasdan kitang kumain sayang saya ka. Ang sarap mong pagmasdan. Diko pa nauubos yung pagkain ko samantalang sayo half way na. Hahahhha. Ang kyuuutt mo.
Dumating yung araw na pinakahihintay ko. Ang magtapat ako sayo.
"Angela, May sasabihin sana ako sayo e."
"Ano yun? Ako rin may sasabihin e"
"Sige una kana."
"Hindi ikaw na."
"Ladies First"
"ooopss. Ikaw unang nag approach. Hahahaha blehh"
"Okay. Okay." Hinawakan ko yung kamay mo at nagbuntong hininga muna ako "I just want to say that I Love You Angela. I really do! I don't know when it happened? Where? I just.. I just feel it"
"I Love you too Angelo." Sabay yakap mo sakin and I hugged you back *muaps* a kiss for you in your forehead as a sign of respect.
Kinabukasan. Pagkatapos nung nangyari kahapon sating dalawa. Ang saya ng gising ko, first day natin to. <3 pero.. kinabahan ako bigla ng hindi ko malaman lamang rason. Pero sabi ko sa sarili ki siguro sadyang ganto lang talaga pag inlove. Hanggang sa..
BREAKING NEWS! rinig ko sa TV na nagmumula sa baba. Andun sina mama nanonood.
"Isang Babae natagpuang patay malapit sa Strawberry Street. kanina lamang pong alasais ng umaga. wala pa umanong kaideya ang mga police sa nangyari. Ngunit may nakita silang 1 box ng Chocolate Cake at may love letter na nakasulat. To: Angelo From: Angela..."
Madami pang sinabi dun sa balita. Pero, hindi ko na kinaya.. sobrang sakit Angela <//3
Pero kahit na ganon. Mahal na mahal pa rin kita at hinding hindi ka mawawala sa puso't isipan ko. O nga pala. Andito ako ngayon sa puntod mo, dinalhan kita ng Chocolate Cake at nilagyan ko na rin ng love letter to. Alam kong andito ka pa rin sa tabi ko. Happy 1st Anniversary Angela. You're my one and only ANGEL, Angela. <3 I'll always love you. Hinding hindi kita makakalimutan. MISS NA KITA.