Waveboard

36 0 0
                                    

"San, tara sa school namin, gala tayo dun." Gising sakin ng pinsan kong si Jessa.

well, "san" stands for pinsan :) ako nga pala si Shaina Enriquez. 15 years old. Taga Manila talaga kami pero yung mother ko is taga probinsya na kung saan andito kami ngayon at nagbabakasyon kasi summer.

Biruin mo yun, kakadating lang namin kaninang madaling araw ng 4:00 am tapos ginsing niya ako ng 6:00 am. Grabe! Wala e. Early bird sila dito. Iba talaga pag probinsya.

Nag-unat ako at sinabing "san naman e, kakadting lang namin kaninang 4:00 am wala pa akong tulog" pagmamaktol ko at nagsimula ang paglalakad ko patungo sa CR

"San. Pleaseee? Para naman masulit mo yung summer dito." Pagpupumilit niya

"Oo na. Oo na. Eto na nga ooh naghihilamos na. Pakikuha nga nung towel ko sa kwarto maliligo nako." Utos ko sakanya

"Aye! Aye! Captain."

After 30 minutes tapos nako maligo.

"San. Grabe! Bilis mo maligo ha? Di nga ako inantok e. Ge sunod kanalang daw sa baba sabi ni tita, kain tayo ng pang umagahan 7:00 am tayo susunduin ng mga pinsan natin." Utos niya skin

Tumango lang ako. Inopen ko yung bintana. Hayyy! Ang sarap talaga pag fresh air. Plinay ko yung music na SUMMER kasabay ng pag bihis ko. Nagsuot lang ako ng blue shirt, leggings and black shoes. Ayokong umitim no, kahit na ang init init dito. Grabe! Blinower ko na yung buhok ko at nag lagay ako ng lipbalm.

syempre no, after how many months ngayon lang ulit kami nakapunta dito at sobrang excited ako. At exactly 7:00 am natapos na kaming kumain. Ready to go na kami. At andito na rin yung mga pinsan namin. Halluh! Nahihiya ako. Paglabas ko ng terrace.

"Hi Shaina." Bati nilang lahat

"Hello" tugon ko naman at nginitian ko sila

"tara na." Pagyaya nilang lahat.

"Uhm. Wait. Naka bike kayong lahat, wala akong bike e."

"angkas ka nalang sakin." Pagaaya sakin ng pinsan kong si Aika

"No. I'm okay, mag waveboard nalang ako."

"Wow. Ano yun?"

"Eto oh" sabay labas ko nung waveboard ko

"Astig! Pa try ako nyan mamaya ha?" lisa

"Oo naman" pag sangayon ko

"Ako din" gwynette

"Ako rin" jen

"Lahat kayo makaka try okay? Don't worry. Okay, shall we go na?"

Agad nilang pinatakbo yung bike nila. Naiwan sila. Dejoke. Hahaha! At ako naman sumusunod lang sakanila gamit ang waveboard ko. Napadaan kami sa mga nagkukumpulang matatanda na.

"Hi Shaina. buti nakapag bakasyon ulit kayo sito." Sabi nung isang babae na I think kasing edad ni mama

"Ay, opo."

"Sige ingat kayo ha? Enjoyin mo lang bakasyon mo."

"Sige po. Salamat po." At nginitian ko siya

After a couple of minutes. Nakarating rin kami sa school. Di naman kalayuan pero sobrang lawak dito at may sariling court, may obstacle pa para sa bike. So dahil ako lang ang walang bike pumunta ako dun sa gymnasium nila at dun ako nag waveboard.

One Shot CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon