To: Mr. Lucky
Psst. Dude, good morning :) gotta prepare for today's Cristening. Magattend kasi ako. Ninang kasi ako. Okayyy then, byee. Ingat.Tinype ko ito at agad na sinend sa lalaking ka chat ko sa MOW(Magical Online World). Eto yung site na kung saan may makaka-chat kang mga dimo kilalang tao. Online nga diba? Means, dun mo na sila makikilala.
Sa MOW. Matututo kang maging palakaibigan kahit na sa hindi mo kilala. Dito, hindi ka mahihiyang ilabas yung tunay na IKAW. From the word MAGICAL means MASAYA :)
*ting*
From: Mr. Lucky
Oh? Grabe. Tadhana talaga tayo dude! Btw goodmorning :) ingat ka.Whaatt? Wait. Diko gets. Okay sabi niya TADHANA? wait lang. Ano bang ibig sabihin ng tadhana? tadhana means itinadhana sa lahat ng bagay hahaha. Kk! Nonsense!
To: Mr. Lucky
What do you mean?*ting*
From: Mr. Lucky
May aattendan din kasi akong Cristening ngayon :) Mag nininong rin ako.To: Mr. Lucky
anong connect dude? Eh di naman tayo parehas ng aatendan? HAHAHAHA to talaga. Wag ng umasa. Dipa ba sapat yung nag video call tayo one time?Okeh. It's been 5 minutes di pa rin siya nag rereply at late nako. Sht! Agad agad kong tinapos yung make up sa mukha ko, nagbihis ng dress, nag high heels kinulot ang buhok and ready to go. Wait-- yung bag ko pa pala. Haha!
Habang nag dri'drive ako papunta sa simbahan kung saan magaganap ang cristening kunno diko maiwasang kabahan. As in sobrang lakas ng tibok ng puso ko! -_-' dfq after 30 minutes naka dating na rin ako sa simbahan
"Oy. Kumare! Akala namin dika na dadating."
"Pwede ba naman yun? Special day kaya to ng inaanak ko. Diba? Lucky?" Sabay kurot ko sa pisngi niya
Wait? Did I say Lucky? Oo. lucky kasi name ng inaanak ko. boy siya. A very cute and handsome boy.
Pinatawag ang mga ninang at ninong. May isang lalaking nakahagip ng paningin ko.
O_o omoooooooo! Siya ba si Mr. Lucky? O guni guni ko lang to?! Sht! Gusto ko siyang sundan at kausapin pero di pwede. Pero stop that na nga! Alam ko namang may aattendan din siya pero porket iniisip ko at nag aassume ako na dito rin siya. Wait. Erase! Na IMPOSIBLENG magkaparehas talaga kami ng inaanak e magkakatagpo kami. No! Of course not.
"Sige pare. See you later." sabi nung kumpare ko na daddy ni Lucky
Agad namang umalis yung ALA MR. LUCKY sa paningin ko. hanggang matapos ang seremonya. Nag picture picture kami at diko maiwasang di maisip si Lucky. Feeling ko kasi siya un. Okeh. Wag mag assume!
Andito kami ngayon sa isang resort kung saan magaganap ang reception. Kumakain lang ako while nakikipagkwentuhan sa ibang ninang. Ng biglang. . .
"Mic test. Hello?"
Hindi ko kaagad nilingon yung nagsasalita sa stage kasi busy akong hinihintay ang reply ni Mr. Lucky
"Good Afternoon everyone, nandito po ako sainyong harapan at wala sa likuran. *chuckle* sanay bigyan niyo po ako ng kahit ilang minuto lang at isang pagkakataon para maihayag ko po tong nararamdaman ko na to sa isang babaeng nakilala ko tru internet." Masyado na akong naaapektuhan ng lalaki na to a. Namiss ko tuloy si Mr. Lucky
"Unang beses palang kitang nakilala. Hindi man sa personal at kahit sa chat lang tayo nagkakilala. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sobrang gaan na ng loob ko sayo. Hindi maipinta ang aking mukha (kasi di naman talaga maipipinta) sa kadahilanang sayo ako'y agad na nahulog na nga. Oo! Alam kong ganun kabilis pero hindi ko mapigilan. Sa bawat chat mo, mapa badwords man nasa good mood or bad mood ka man tuwing ka chat kita. hindi ko maiiwasang mahulog ng tuluyan sayo. hindi ko man nasabi sayo sa chat to kasi gusto ko personal. Nag-video call tayo ng minsan. Isang beses man yun pero sa tuwing naaalala ko yung mukha mong mala DYOSA, ngiting mong kay GANDA, tawa mong nakakaalis ng masama kong AURA at boses mong sa aki'y nagpatunay na IKAW NA NGA ANG MAHAL KO AT WALA NG IBA. Siguro nagtataka po kayo kung sino siya? Well, hindi ko rin naman po inaasahang mag memeet kami ng hindi ko inexpect. Eto na nga ba ang sinsbi nilang EXPECT THE UNEXPECTED? well, kung oo. Gustong gusto ko.
Hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataong ito."
Grabe haba ng speech ni kuya, hmp. Tutal online naman si Mr. Lucky tawagan ko na nga lang. Kaasar kasi! Di man lang magparamdam! Baka busy siya? Nakakainggit ung lalaking nagsaslita dito aa harapan. Hayyys! Buti pa siya ma memeet na niya yung ka chat niya.Agad akong tumayo sa kinauupuan ko pra humanap ng lugar kung saan tahimik.
"Ikaw Ms. Unlucky. Oo! Ikaw nga. Babaeng naka chat ko sa MOW ikaw ang tinutukoy ko. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita." Agad akong napatigil at bigla siyang bumaba sa stage papalapit sakin.
"Hindi mo man sagutin ang aking pagtatapat pero atleast nailabas ko na ang tunay kong nararamdaman. Mahal kita! Mahal kita. Ms. Unlucky" agad namang bumuhos ang luha ko at binulong saknya na
"Mahal din kita, Mr. Lucky"
Then he kissed me on my forehead. At lahat ng tao ay naghiyawan.
Mula ng araw na yon, nanligaw siya sakin. After 3 months mas nakilala ko pa siya ng lubusan. At sinagot ko na siya. naging masaya ang relasyon namin. Nag aaway din kami paminsan dahil hindi naman yun nawawala sa isang relasyon at mas pinapatatag pa kayo nito. Nagmamahalan kami ng walang halong pagbibiro. Tapat kami sa isa't-isa. :)
Ito ba ang tinatawag nilang EXPECT THE UNEXPECTED? Well, gustong gusto ko.