CHAPTER 5

1.5M 27.6K 9K
                                    

CHAPTER 5

NANG itigil ni Fatima ang golf cart sa harap ng Cabin niya, madilim na ang kalangitan. Pero puno naman ng ilaw ang buong Isla, kahit ang may puno ay napapalibutan ng maliliit ng ilaw, kaya hindi nakatakas sa paningin niya ang bultong nakasandal sa pinto ng Cabin niya.

Kilala niya kung sino ang may-ari ng bulto na 'yon kahit sa malayo. It's the same built as her husband, but a little taller, and an asshole.

Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan niya iyon gamit ang key card niya.

"Saan ka ba nagpunta?" Tanong kaagad ni Marcus sa kaniya ng makapasok sila.

Wala siyang lakas para makipagbangayan dito kaya naman nanatiling tikom ang bibig niya.

Kumuha siya ng pantulog sa bag saka pumasok sa banyo at doon nagbihis. Pagkalabas niya, nakapameywang si Marcus habang nakatayo sa may paanan ng kama at masama ang tingin sa kaniya.

Walang epekto yon sa kaniya. Pagod siya dahil sa walang dereksiyong pagmamaneho niya sa golf cart.

Nahiga siya kama, kinumutan ang sarili at ipinikit ang mga mata.

"Fatima—"

"Not tonight, Marcus. Pagod ako." Nanatiling nakapikit ang mga mata niya. "Baka masakal na talaga kita sa sobrang inis."

Thankfully, Marcus stayed silent.

Habang nakapikit ang mga mata ni Pham, dinig niya ang mga yabag ni Marcus sa loob ng Cabin. Hindi siya mapakali sa yabag nito kaya iminulat niya ang mga mata.

Her jaw slightly dropped at what she saw.

Nakatalikod ito sa kaniya at walang saplot ni isa. Tumutok ang mga mata niya sa matitipuno nitong likod at ma-muscle na mga braso. Then his eyes dropped to his round butt and ripped legs.

Napalunok siya ng maramdamang nanuyo ang lalamunan niya.

When it comes to physical appearance, Marcus is perfection. Parang nililok ang katawan nito ng isang napakagaling na eskulptor. He is handsome and she shouldn't have this kind of thoughts. Asawa niya ang kapatid nito. It's improper.

Mabilis na ipinikit ni Pham ang mga mata ng haharap na sa kaniya si Marcus. And to her shock, the bed dipped and her heart rate fastened.

No! It isn't Marcus, right?

Hindi na siya nakatiis, bumaling siya sa pagkakahiga at hindi nga siya nagkamali. Nakahiga si Marcus sa kama at nakatingin ito sa kisame na parang ang lalim ng iniisip.

"Kama ko 'to, Marcus." Walang buhay niyang sabi. "Doon ka sa sahig."

He glanced at her, frowning. "What did you say?"

Inirapan niya ito. "Sa sahig ka mahiga. Kung wala kang respeto sakin, irespeto mo naman si Martin. Asawa niya ako."

His stares become cold. "Respeto?" He smirks coldly. "Kung hindi ko siya nirerespeto, baka hubad ka na ngayon at inuungol ang pangalan ko."

Nabastosan siya sa sinabi nito pero hindi niya pinahalata. "What makes you so sure that I will be in bed with you?" May pang-iinsulto sa boses niya habang nanunuyang nakatingin dito.

Nakakaloko itong ngumiti. "Oh, I'm sure of it."

Tumalim ang mga mata niya. "I beg to disagree."

Nakangisi lang ito at hindi apektado sa pagtalim ng tingin niya rito. "Oh, come on, Fatima, we both know I can get you naked in my bed."

"Hindi mangyayari 'yon." Nagtatagis ang bagang niya sa galit. "Mahal ko si Martin—"

TEMPTATION ISLAND 1: Forbidden Pleasure - COMPLETED (PUBLISHED under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon