CHAPTER 1

2.3M 33.9K 7.7K
                                    

CHAPTER 1

CHAPTER 1

PHAM rolled her tongue over her dry lips as she looked at the enveloped in her table. Nang pumasok siya sa maliit niyang opisina sa Flower Shop, naroon na 'yon sa ibabaw ng mesa niya.

Umayos siya ng upo at pinulot iyon saka binuksan.

Kumawala ang isang malalim na buntong-hininga sa kaniyang bibig ng makita ang laman niyon. Isang kopya ng deposit slip na nagkakahalaga ng kalahating milyon at isang maliit na papel kung saan naroon ang pamilyar na sulat-kamay ng isang lalaki.

'Your allowance for three months, Fatima.'

Matiim niyang tinikom ang bibig at itinabi ang deposit slip. Hindi niya kailangan ng ganoong kalaking halagang pera. Nabubuhay naman siya sa kinikita ng Flower Shop niya. At ano nalang ang sasabihin ng mama niya? Siguradong siya na naman ang lalabas na masama sa paningin nito kahit wala naman siyang ginagawa. Pero alam rin ni Pham na walang saysay na ibalik ang pera sa nagbigay no'n.

Because Marcus Dela Cruz doesn't take no for an answer.

Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang daliri kung nasaan ang wedding ring niya. Kaagad na gumaan ang pakiramdam niya kapagkuwan ay napangiti.

Napaka-suwerte niyang babae dahil isang mabait na lalaki ang napangasawa niya. Alam niyang mahal na mahal siya ni Martin at ganoon din naman siya rito. Martin is a very good man, unlike his older brother, Marcus, who always made her feel small, like his whole family. Siguro dahil isa lang siyang simpleng empleyado sa kompanya nito ng mapusoan siya ni Martin at inaya siya ng kasal.

Mula't sapol, alam ni Pham na ayaw sa kaniya ni Marcus at ng mga magulang nito, pero nanatili siyang matatag para sa pagmamahalan nila ni Martin. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit nagbibigay pa rin si Marcus ng allowance samantalang hindi naman siya nito gusto.

The last time she asked him about the allowance, his answer was 'you're family, whether I accept it or not'.

Pham sighed in irritation. It's early in the morning and that man already managed to sour her mood. Great.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumabas ng opisina niya. Kaagad nawala ang ka-bad trip-pan niya ng makita ang naggagandahang bulaklak na nakapaligid sa kaniya.

Flowers always had the ability to calm her nerves. Kaya naman Flower Shop ang naisipan niyang buksan na negosyo ng... mabilis niyang ipinilig ang ulo. No, don't go there, Pham. It will only make you cry.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Pukaw sa kaniya ni Amelia, isa sa mga flower decorator niya sa shop.

Mabilis pero maingat ang mga hakbang niya patungo sa Cashier. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang isang lalaking naka-baseball cap at naka-kulay itim na aviator.

Bago pa siya tuluyang makalapit dito, bumaling ito sa kaniya at may ini-abot na sobre.

"Ano 'yan?" Tanong niya.

"Hindi ko alam ang laman, ma'am." Anang lalaki na ngayon ay nakangiti na.

Hindi maiwasang mapansin ni Pham ang maganda nitong ngiti. She couldn't see his face clearly because of the cap and glasses, but she's sure that he is handsome.

"Sinong nagpadala niyan sakin?" Tanong niya ulit.

Sa halip na sagutin siya, inilapag nito ang sobre sa ibabaw ng counter at tinalikuran siya. "The sender is confidential, ma'am. Nasa sayo na kung tatanggapin mo o hindi." Iyon lang at umalis na ito.

TEMPTATION ISLAND 1: Forbidden Pleasure - COMPLETED (PUBLISHED under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon