CHAPTER 16
HINDI makatulog si Pham, siguro dahil hindi man niya aminin hinihintay niya ang pag-uwi ni Marcus. Mula kasi ng umalis ito kaninang hapon, hindi pa ito bumabalik. Hating-gabi na pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ang dumadalaw sa isip niya ay ang pinag-usapan nila kanina ni Marcus.
Contrary to Marcus' belief, she won't abort her baby. No. She wants her baby to live a happy life... a happy life away from Dela Cruz Family.
Napahawak siya sa tiyan niya at hinimas iyon. "Hindi ko alam ang gagawin ko, baby. Hindi plinano ang pagdating mo sa buhay namin at nasisiguro kong kaguluhan ang hatid nito. At ayokong madamay ka sa gulong yon. Hindi ko hahayaan..."
A tear slid down to her cheek.
"I won't let them hurt you like they did to me."
Bigla si Pham na napaigtad ng malakas ang puwersang bumukas ang pinto ng Cabin. Handa na siyang pindutin ang distress button ng pendant na suot niyang kuwentas ng pumasok ang sumusuray na Marcus sa loob.
"Marcus!" Pham gasped as she gets off the bed to help him walk straight.
Niyakap niya ang binata saka ini-angkla ang braso nito sa balikat niya bilang suporta nito at sinipa niya pasara ang pinto.
Kahit sa simpleng pagkakalapit lang ng katawan nila, naramdaman niya ang kakaibang hatid niyon sa katawan niya.
"Argh! Bakit ba amoy alak ka!" Naiinis niyang sabi dahil naduduwal siya sa amoy ng alak na nakakapit dito.
Marcus speaks in a slurred manner. Naiinis namang tinanggal ni Pham ang pagkaka-angkla ng braso nito sa balikat niya at hinayaan niyang bumagsak ang katawan nito sa malambot na kama.
Tumuon dito ang matalim niyang mga mata. "Bakit ka ba naglasing ha? Alalang-alala ako sayo tapos naglalasing ka lang pala."
Marcus just groaned in response.
Nagmamartsang nagtungo siya sa banyo at kumuha roon ng face towel at tubig para punasan si Marcus. Ang baho-baho kasi nito dahil sa alak na nakadikit dito. Nasusuka siya.
Nang makalabas siya sa banyo, kaagad siyang umupo sa gilid ng kama at pinunasan ang mukha nito. Pagkatapos ay binuksan niya ang butones ng suot nitong polo saka ang matipuno naman nitong katawan ang pinunasan niya.
Napatitig si Pham sa dibdib ni Marcus. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng maramdamang ang kagustuhang halik-halikan ang dibdib nito.
"Oh, Jesus..." tinampal niya ang sarili saka bumalik sa pagpupunas sa katawan nito.
Ang mga braso na nito ang pinupunasan niya ng gumalaw ang katawan nito at bahagyang nag mulat ng mga mata at nagtana ang paningin nilang dalawa.
Bumuntong-hininingang nagpatuloy siya sa pagpupunas sa katawan nito. "Bakit ka ba naglasing ha?" Pinatapang niya ang bukas ng kaniyang mukha. "Ang baho-baho mo kaya. Nasusuka ako. Alam mo naman buntis ako, eh."
Tumaas ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya. "Fatima..."
Marcus caresses her cheek as if she mattered to him.
"Matulog ka na." Tinabig niya ang kamay nito saka bumalik siya sa pagpupunas sa leeg nito. "Tulog ka na. Pupunasan lang kita tapos matutulog na rin ako."
Marcus was silent for a couple of minute before he spoke. Hindi masyadong malinaw ang pagsasalita nito pero sapat na para maintindihan niya.
"Bakit ka ba paasa, ha?" Tanong nito habang nakapikit na ang mga mata.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND 1: Forbidden Pleasure - COMPLETED (PUBLISHED under Red Room)
General Fiction"You are invited to Temptation Island."