CHAPTER 22
NASA KALAGITNAAN ng pagkain si Pham sa kaniyang pananghalian ng galit na pumasok si Diana sa komendor. Napatigil siya sa pagkain at napatingin dito. Nasa likod nito si Manang Julie na nag-aalala ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin sa kaniya.
Humugot ng isang malalim si Pham at inihanda ang sarili. Wala si Marcus para ipagtanggol siya. Pumasok ito sa opisina kaninang umaga dahil pinatawag daw ito ng mga magulang nito.
Pham knew it has something to do with his mother's anger towards her.
Maingat siyang huminga ng malalim saka tumayo at hinarap si Diana.
"Kung si Marcus ang sadya mo, wala siya rito." Kalmado niyang sabi.
Tumaas ang kilay nito at matalim ang matang tiningnan siya. "Ang kapal din naman ng pagmumukha mo, no?" Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya habang nanunuya ang uri ng pagkakatingin sa kaniya. "Hindi ka pa nakontento sa namatay mong asawa, ngayon si Marcus naman ang nilandi mo."
Pinanatili niyang walang emosyon ang kaniyang mukha. "Kung narito ka para pag-usapan kung paano ko nilandi si Marcus," iminuwestra niya ang kamay sa silyang bakante, "have a seat. I'll be happy to tell you our rendezvous together."
Nagliyab sa galit ang mga mata nito. "Isa kang walang kuwentang babae! Hindi ako papayag na mapasayo si Marcus. Akin siya! Akin!" Naglalabasan ang ugat nito sa leeg. "Pinaglalaruan ka lang niya." Nang-iinsulto itong ngumisi, "akala mo siguro totoong mahal ka niya, no? Ako ang mahal ni Marcus, isa ka lang parausahan niya. I and Marcus are perfect for each other. Samantalang kayo, isang basura at isang ginto, at kailanman ay hindi yon nababagay para sa isa't-isa."
Kumuyom ang kamao niya. Pinakita niya ang galit na kanina pa niya pinipigilan.
"Miss Diana, kung ano man ang issue mo kay Marcus, siya ang puntahan mo at pagsabihan, hindi ako. I know my place, Miss Diana. I know where I stand in Marcus life. Hindi mo kailangang ipamukha sakin na isa akong walang kuwentang babae kasi mahirap lang ako, matagal ko nang alam yon at matagal ko nang tanggap yon."
"Kung ganoon naman pala, lumayas ka sa bahay ni Marcus—"
"No. I won't." Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. "Si Marcus lang ang puwedeng magpalayas sakin sa bahay na 'to dahil sa kaniya naman 'to. Ikaw, sino ka ba para makinig ako sayo?"
Nagtagis ang bagang nito. "Ako lang naman ang girlfriend niya! E, ikaw, sino ka ba, isang higad—"
"Ako ang ina ng magiging anak niya."
Umawang ang bibig nito na nanginginig saka tumuon ang mga mata nito sa tiyan niya at bumalik ulit yon sa mukha niya.
"Ikaw na malandi ka!" Nanlilisik ang mata ni Diana. "Akin si Marcus! Akin!"
Akmang susugurin siya nito ng mabilis niyang pinulot ang steak knife sa mesa at itinutok iyon kay Diana na napatigil sa pagsugod sa kaniya.
"Sige, lumapit ka." Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo. "Hindi ako mangingiming gamitin 'to sayo. I won't let you hurt me or my child. Uunahan na kita bago mo pa ako masaktan!"
Napaatras ito, namumutla. "Malandi kang babae ka! Akin si Marcus, isaksak mo yan diyan sa kukote mo! Ako ang mahal niya. Pinaglalaruan ka lang niya kaya huwag kang umasa. Sakin siya ikakasal."
Nagmamartsang lumabas si Diana sa kusina at si Pham naman ay nabitawan ang kutsilyong hawak saka nanghihinang napa-upo sa silyang inukupa niya kanina habang kumakain.
Kaagad naman siyang nilapitan ni Manang Julie.
"Pham, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND 1: Forbidden Pleasure - COMPLETED (PUBLISHED under Red Room)
General Fiction"You are invited to Temptation Island."