Dream

83 8 0
                                    


Himitsu Acadamy : School of Curse Magics

Part : 12

READ AT YOUR OWN RISK

************
*******************

Hindi ko alam kung nasan ako basta pagkagising ko ay Nakatayo na ko sa isang Tuktok ng bundok habang nakatingin sa ibaba kung saan mo makikita ang Lawak ng Himitsu Acadamy

Mayroong isang lugar na parang perya dahil Mayroong iba't-ibang kulay ang nagkikislapan at dahil Gabi na ay Kita'ng kita ang mga Ilaw doon.

Napatingin ako sa babaeng katabi ko ng bigla syang magsalita. Hindi ko gaano maaninag ang kanyan mga mukha pero nakasisiguro ako na isa syang magandang babae

"Mukhang masasaya ang taong nandoon na parang walang pinoproblema , Mga nakangiti na kala mo'y walang lihim na nagkukubli , Masisiglang Tawa upang pagtakpan ang mga Pighati , Mga Ordinaryong tao pero Hindi Ordinaryong pagiisip. Lahat ng tao ay may tinatagong Sekreto , Ang bawat tao ay may lihim na hindi mo maaaring ibahagi sa iba , Dahil sa Panahon ngayon ay marami ng nagkukubli sa likod ng matatamis na ngiti , Mga taong nagbabalat-kayo upang pagtakpan ang kasalana'ng Ginawa. Mga Mapanlinlang upang Sila ang umangat at ang iba ay Bumaba."





"Huh? anong Sinasabi mo?" takhang tanong ko sa kanya pero Ang kanyang mga ngiti lang ang aking nakita. Ang kanyang mga Matang nakangiti ngunit halata ang Lungkot at pighati.






"Binibini, Sa Mundong Ginagalawan mo ay maraming mapanlinlang , Mga taksil , Mga nagpapanggap , Mga nagsisinungaling para sa kanilang kapakanan. Wala kang maaring Pagkatiwalaan kundi ang Sarili mo at Sya lamang.. Kayong dalwa lang ang Maaring magtuloy sa matagal na dapat na naganap" Sabi nya sakin pero parang isang napakalaking Puzzle ang mga sinasabi nya sakin. Ang hirap buuin , Ang hirap intindihin.







"Ano pong ibig nyong sabihin? Bakit nyo sinasabi sakin to? Naguguluhan ako" Tanong ko sa kanya. Alam kong mas matanda sya sakin pero masasabi kong ang bata nya pa Tingnan na parang ka age ko lang sya pero ang lalim nya kasi magsalita at parang ang dami na nyang napagdaanan sa buhay kaya masasabi kong mas matanda sya sakin







"Ikaw ang itinakda , Ikaw ang nakasaad sa Propesiya , Nasa iyo ang kaligtasan ng Mundong iyong ginagalawan , Nasa Desisyon mo nakasalalay ang libo-libong buhay ng mamamaya . Ang hiling ko lang ay wag ka sanang susuko. Marami kang Pagdadaanan na pagsubok at alam kong kakayanin mo...."






"ho? ako itinakda--- Wait! Sandali lang po... Ale!! "






"CYRIL!"


"SANDALI!!" agad akong napaupo at napahabol ng hininga dahil sa nangyari. ano yon? panaginip lang? pero parang totoo eh. Sino sya? Anong sinasabi nya? Naguguluhan ako




"Anong nangyari sayo?" tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya pero hindi ko din sinagot ang tanong nya. Hindi ko din naman kasi alam ang sagot at yan din ang eksaktong tanong ko sa sarili. Anong nangyari sakin?






"ah-ahh w-wala. Panaginip lang". Sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. ngayon ko lang napansin na nasa isa kaming peryaan








Ang daming mga nakukulisap na mga ilaw , Ang dami ding mga nagkalat na tao at mukhang masaya sila sa kanilang mga ginagawa. May mga batang nagtatakbuhan Habang tumatawa. Napangiti ako ng mapait dahil ni Minsan ay hindi ko naranasan ang maging ganyan .. Ang mapakapaglaro sa ibang bata makiban sa kanya. *Sigh*







Himitsu Acadamy ( School of Curse Magics )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon