5th DAY

51 5 0
                                    

Chapter 17

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng Weird na kubo na to. Maraming mga nakasabit na iba't-ibang klase nang Ulo , Sungay , Pangil , Balat at kung ano-ano pa. Mayroon din sa bandang Gilid na isang malaking Kawa Na pwedeng pwedeng paglagyan nang tao .. Kumukulo ang tubig na nandoon tas may tungkod pa ata sa loob , Tungkod ba o Malaking Sandok? Basta kung ano maisip nyo yun na yun!



Umupo ako sa may mahabang Kawayan dito katabi nang nakasaradong bintana habang nakatingin kay Lola na May kinakalikot



"Akin na ang iyong palad ija" sabi sakin ni lola "huh?" takhang tanong ko Dahil duh! anong gagawin nya sa Kamay ko? ipangsasahog ba sa Kumukulong Kawa dito? wahhh-"Wag kang OA , Huhulaan lang kita tss" ay grabe sya! OA agad? hindi pwedeng nag papractise lang? hmff!





Lumapit sakin si Lola tapos sapilitan nyang kinuha ang kamay ko tyaka Pinutol tapos Nilagyan nang Alambre at sinabit sa dingding nya pangdesign Joke! Tawa kayo dali Minsan lang to! -_-'





"Ganto ba talaga ang palad mo ija?" tanong nya sakin kaya naman napatingin ako sa kanya. Hawak-hawak na nya ang kamay ko at nakakunot ang noo nya at magkasalubong naman ang kanyang mga kilay ... Bigla nalang akong kinabahan sa sinabi nya sa hindi ko alam na dahilan






"B-Bakit po?" Ramdam ko ang bilis nang pintig nang puso ko na pabilis nang pabilis na parang hinahabol nang kabayo , Dahan dahan nyang nilagay ang kanyang Hinlalaki Papunta sa aking pulsuhan At Tyaka sya may pinindot-pindot doon






"Ang gaspang nang palad mo Ija..." what the!? Yun na yon!? Kinabahan pa man din ako dahil kala ko kung ano na yun pala dahil lang sa gaspang nang Kamay ko!? Wtf? "Hazumi Cyril Bernardo ang iyong Ngalan hindi ba?" tanong nya sakin bago tumayo at tyala sya pumunta sa may Parang Bookshelves pero Iba't- ibang klase ang Nakalagay.






"Oho" Simpleng sagot ko sa tanong nya at nanatiling nakaupo dito. Natatakot kasi ako eh , Baka mamaya Bigla nalang nya kong ilublob sa kumukulong kawa dito. Ano ba namang Laban ko? "Nakakatakot ang iyong kapalaran Ija.." sabi nya kaya naman napatingin ako sa kanya na may nakakunot na noo. "po?" clueless na tanong ko sa kanya "Marami kang pagsubok na daraanan bago mo makamit ang Kasagutan sa iyong mga katanungan" HUH? Bakit ba uso ang Logic dito? Nakakaboplaks ah! "Ano pong ibig nyo'ng sabihin?" tanong ko sa kanya







"Alamin mo ang iyong tunay na pagkatao Binibini .." nakatayo na sya malapit sa bintana at nakaharap doon habang nakatanaw sa kalangitan. Nalilito na ako sa mga sinasabi nya , Nakakabobo! "Pero sa Araw na natuklasan mo na ang iyong pagkatao ay sya ring Araw na simula nang panibagong Laban" Pagkatapos nyang sabihin yun ay tumayo na ko papunta sa kanya pero bago pa ko makalapit sa kanya ay Bigla nalang syang naglaho nang parang Bula







***






"Ano? tara na! yieee!! uuwi na kami!!" parang tangang sabi ni Shyra habang palukso-luksong Naglalakad sa dinadaanan namin , Palabas na kami sa Palasyo nang mga Arentvely Habang nakatanaw ang Hari at Reyna







Nakapagpaalam na kasi kami sa kanila At kanina pa ko walang tulog pero ayos lang. Dahil kahit ganon ay may nakuha naman akong Impormasyon






Flashback




Pilit kong hinahanap si Lola na manghuhula pero hindi ko na sya nakita kaya naman napasalampak nalang ako sa Sahig na kawayan na to. *sigh* "sino ba talaga ko?" mukhang tangang tanong ko sa sarili ko





Himitsu Acadamy ( School of Curse Magics )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon