Elementalism

55 4 0
                                    







Chapter 18

       "Cy! 'wag kang gagalaw!" Mahinang babala sakin ni Shyra habang nakatingin sa likod ko , Hindi ko alam kung ano ito basta ang alam ko May kung anong malamig ang nasa batok ko Huhu Kinakabahan ako !

  "wag kang gagalaw. Tatawagin ko lang sina Ashier" Sabi nya at Ginawa ko naman ang sinabi nya. Kahit na kabadong kabado na ko ay mas pinili kong wag gumalaw. Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ko Basta Ang alam ko rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko sa sobrang lakas



"Ashier!! Blade!! Si Cyril!!!" Rinig kong Sigaw ni shyra at nakita ko naman sa peripheral vision ko na agad na Tumakbo yung dalwa sa pwesto ko at nasa harap ko na ngayon Si Blade samantalang nasa Kanan at kaliwa ko sina Shyra at Ash




"Don't Move" Rinig kong saway sakin ni blade ng marahan akong gumalaw dahil nangangawit na ko






Kinakabahan na ko , May kung anong gumagapang sa Batok ko at talagang Nanginginig na ko sa takot. Huhu! Wag naman sana, Wahhh!! baka—baka G-Gagamba ito! Huhuhu! Nangangatog na ko sa takot dahil talagang takot ako sa gagamba





"Shh...Calm down and Don't Move" Bigla akong na stiffed sa kinauupuan ko nang marinig ko ang Mahinang boses ni blade malapit sa tenga ko. Hindi ko namalayan na nasa Harap ko na pala sya at kung sa malayuan ay paniguradong Para syang nakayakap sakin kung titingnan. Ramdam ko din ang init ng hininga nya nagdala ng Kung anong boltahe sa katawan ko






Itinaas nya ang kamay nya papunta sa Likod ng Ulo ko Pero bago pa Nya magawa iyon ay may naramdaman akong Biglang Pagtusok sa Batok ko




"ahh!!" Mariing na sigaw ko ng unti-unti itong Humapdi Kasabay non ang nakita kong paglabas ng Itim na Apoy sa Kamay ni Blade papunta sa Likod ng ulo ko Bago ko mawalan ng Malay







***

"Umi" Rinig kong tawag nanaman nya. Hindi ko alam kung sino sya , Hindi ko din kilala ang Boses nya. at mas lalong hindi ko alam kung nasaan ako



Basta ang alam ko ay nasa isang Mahabang Pasilyo ako Na sobrang dilim. Wala akong makita ko maaninag dahil sa sobrang dilim , Walang kailaw ilaw kahit isa , Sinubukan ko na din na mag Cast ng  Spell pero walang nangyari. Nangangatog na ko sa takot pero tinatatagan ko lang ang Loob ko




"Umi" Ayan nanaman ang Mahina pero umeecho sa Loob ng pasilyo na boses ng lalaki




"Sino ka ba!? Asan ang mga kaibigan ko!? Asan sina Shyra? Ash? Si Blade saan mo dinala?!!" Sigaw ko na nag echo sa loob ng Pasilyo. Halatang walang tao dito at tanging ako lang magisa...




Magisa nanaman ako.. iniwan nanaman nila ko , Nasaan na sila? Lagi nalang ba kong magiisa? Lagi nalang ba kong Maiiwan? Lagi nalang ba akong Iiwanan? Bakit ganyan ang kapalaran ko? Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganto?? Siguro nga dahil sa isinumpa nga talaga ko


"Umi" tawag nanaman nya sakin habang ako ay patuloy lang sa paglalakad sa walang katapusan na Pasilyong ito! Naiinis na ko! Kinakabahan! Natatakot pero nagpapakatatag para sa mga taong mahal ko! Hindi ako takot sa dilim dahil Simula't sapul sa Dilim na nasanay ang pagkatao ko. Pero pag nasa dilim ako , Bumabalik ang mga ala-alang Matagal ko ng ibinaon sa limot. , Ang mga ala-alang Walang Humpay sa pag sunod sakin. Ang mga ala-alang Isinusumpa ko


Himitsu Acadamy ( School of Curse Magics )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon