Dinner

78 7 0
                                    


Himitsu Acadamy : School of Curse Magics

Part 10 : Queen

Read at your Own Risk

Slytherin Vampires Empire at Multimedia------>>>>
(Isipin myo nalang na may Red long Carpet)


*********
**************



Sa isang magdamag na paglalakad ay nakarating na din kame sa Elementalism . nabalitaan ko din na nandoon si Kier at kasalukuyang ginagamot .





sa lugar nina Ash mo masasabing isang paraiso. Dahil ang daming mga nagliliparang iba't ibang kulay na Paro-paro. Tapos ang daming nagsasanay ng kanilang mga magics. Merong Nagpapalipad ng mga gamit , Meron ding mga Pinaglalaruan ang tubig sa kanilang mga pakad at Meron din namang mga Fire elementalist na Ginagawang Fireworks ang kanilang magics. Tapos mayroon din silang malaking Fountain at kakaiba yung fountain kasi Nagbabago-bago yung kulay nya. Kulay Blue , Grey , Red and Green tas minsan Yellow. ang yellow daw ay para sa Lightning Storm Magic 







ang dami kong nakita sa Elementalism at ngayon naman ay nandito na kme sa Slytherin Vampires Empire. Kung anong kinaganda at kinaliwanag ng Elementalist yun naman ang Kinatakot at kinadilim ng Lugar nila.









Ang dami ding nagkalat na mga Bampira at napapatingin sila samin pero agad ding bumabalik sa kanilang Ginagawa. Nagtatakha nga ko kasi hindi nila kame sinusunggaban eh .. Palibhasa kasama namin yung Prinsipe kuno nila.








sa Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadapo sa mga balat ko , Ang paglipad ng mga buhok kasabay ang mga hangin at ang mga matang nakatingin samin. Hindi ko alam kung matatakot ba ko o Maiinis dahil sa inaasta nila.









Sa lugar na to ay Halatang pamBampira talaga. Sa lugar kasi na dinadaanan namin ay may mga nakahelerang parang Puno ng Christmast tree pero ang creepy lang. Ang mga damo dito ay buhay na buhay pero diba dapat patay? Ay ewan -_-'










Tapos sa PinakaCentro ng Lugar nila ay may malaki ding Fountain. Pero normal na fountain lang sya yung parang sa mundo ng mga tao ang pinagkaiba lang ay dugo ata ang nagsisilbing tubig nila. Ano bang ineexpect nyo? duh vampire kaya sila.at isa pa Maganda ang pagkakapustura nung Taong nasa gitna nang Fountain na nagLalabas ng Dugong tubig sa bibig nito. Isang itong bampira na parang nakaupo sa kanyang Trono. may Korona pa ito.









"Yan ang tinatawag na Vampire Fountain. Kadalasan ay Diyan sila umiinom dahil sariwang Dugo ang nilalabas nyan" Pabulong na sabi sakin ni Shyra at mukhang narinig sya ng mga Bampira kasi nagsitinginan lahat samin eh. pero bumalik din sa kanya-kanya nilang ginagawa










"eh? Saan naman nanggagaling yun?" pabulong kong muling tanong sa kanya but She just Shrugged her Shoulder








Maya-maya pa ay Nakarating na kame sa tapat ng Kastilyo nila.










Napakalaki nito. mas malaki pa sa Kastilyo ng Gryffindor.









Naglakad nang muli si Blade kaya naman sumunod kame at pumasok na kame sa pagitan ng dalwang naglalakihang mga pinto. Pagpasok namin ay isang napakadilim na lugar ang naabutan namin. Wala akong makita pero parang nag snap lang si Blade ay biglang umilaw ang Mga Sulo sa pagitan namin.









Himitsu Acadamy ( School of Curse Magics )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon