Surprise Visit

88 5 0
                                    


Himitsu Acadamy : School of Curse Magics

Part 8 : Surprise Visit

PS. Read at your Own Risk

Blade Aresvely---------->>>>>>>>>>>>>>> At multimedia

-------------
------------------

( ThirdPerson POV. )



Habang nagkakagulo ang lahat dahil sa mga nangyayari ay may dalwang taong nakamasid sa kanila , Pinagmamasdan ang ginagawa ng mga nasa ibaba habang Sila naman ay Prenteng nakaupo sa Tuktok ng puno habang nilalasap ang simoy ng hangin na dumadapo sa kanilang mga Balat.


"Teka! Si Cyril yun ah!" Bigkas ni Ashier habang nakatingin sa dalagang nakatayo lamang sa gilid ng guro habang naguguluhan sa mga nangyayari.


"How did you know her?" tanong naman ni Blade habang nakatingin din kay Cyril.

Samantalang Gulong gulo padin si Cyril sa mga nangyayari. Sa mga mata ni Kier na namamaga na at hindi alam ang gagawin at panay na din ang tulo ng luha ni Kier dahil Sa hapdi at sakit na nararamdaman sa kanyang mga mata kaya naman minabuti nalang nina Profesor Hans na Dalhin si Kier sa Healing Magics kung saan nandoon ang mga magagaling sa panggagamot at matatagpuan lamang yun sa Lugar ng Elementalism.



" Ako dapat ang nagtatanong nyan sayo. Pano mo nakilala si Cyril?" balik tanong naman ni Ashier kay Blade kaya naman agad syang nakatanggap ng matatalim na Titig kay blade at wala nang nagawa si Ashier kundi Sumorrender



"Sabi ko nga eh ako unang sasagot." pabulong na sabi ni Ashier kahit alam nyang maririnig parin sya ni Blade .


"Nakilala ko sya nung may mission ako. Saktong nasa gubat ako nun at papauwi na , Hanggang sa may narinig akong nagsasalita na parang natataranta kaya naman minabuti kong sundan........."






(Ashier POV)





"Nakilala ko sya nung may mission ako. Saktong nasa gubat ako nun at papauwi na , Hanggang sa may narinig akong nagsasalita na parang natataranta kaya naman minabuti kong sundan........."




( FlashBack )



Pauwi na ko galing sa mission ng may marinig akong boses. Boses babae kaya naman Sinundan ko yung pinagmumulan ng Tunog.



"ahh.. teka--ano bang gagawin ko? -- aish" Tarantang sabi nung babae ng matagpuan ko na sya.




hindi nya napansin ang Presensya ko kasi mukhang abala sya sa kung paano nya gagamutin ang isang Kryofat.




At kahit nakatalikod sya ay ramdam ko ang angking kagandahan ng dalagang pinagmamasdan ko.






"wait--sandali.. huhu! Ano bang gagawin ko?--wahh"





Natatarantang sabi nya habang nakatingin sa isang kryofat na duguan. Hindi ko alam kung paano sya nakakalapit sa isang kryofat dahil Kilala itong isang mabangis na hayop ang kryofat at Pag hinawakan mo ito ay magiging bato ka kaya nakakapagtaka talaga.




habang nakatingin ako sa kanya ay ramdam ko ang pagaalala nya sa kryofat , Ang busilak nyang mga puso at ang kabutihang tinataglay nya .. at isa pa , ang kanyang pagkamisteryosa . I really Find her interesting





Himitsu Acadamy ( School of Curse Magics )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon