Wonho 1.0

720 15 1
                                    

Wonho 1.0

Kasalukuyan kaming naghihintay ng mga kaibigan ko sa isang restaurant ng mahagip ko ang taong nanloko sa akin noong nakaraang araw.

"Tara na. Umalis na tayo sa lugar na 'to." saad ko. Inayos ko na yung laptop ko at hinigit na yung mga kaibigan ko palabas ng cafe na yun.

Kung Alam ko lang naman na doon pala nagttrabaho yung lalaking nagsabi na masarap daw yung cafe latte na binebenta niya Edi sana hindi na ako pumasok doon. Mukhang bagong employee ata 'yon kasi ngayon ko lang siya nakita.

"Best anong nangyari? Bakit bigla ka na lang umalis doon sa cafe? Tumatagal tayo doon ng ilang oras ah pero ngayon 30 minutes na lang." sabi ng isa kong kaibigan. "May nakita ka ano." Dagdag niya pa. Loko talaga to.

"Fafa ba?" sabi nitong babaeng katabi ko. Aish! Bakit ba ako binigyan ng mga kaibigan na ganoon ang mga tingin sa lalaki.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Tara na at baka ma-late na naman tayo sa trabaho natin." sabi ko at dumiretso na kami sa kumpanya.

Vice president ako sa kumpanya na pinagttrabahuhan ko at paano nangyari 'yon? Naging kami kasi nung CEO namin ngayon kaya sabi niya sa akin dati na magiging isa daw ako sa matataas na posisyon. Kaya ngayon nandito na ako sa posisyon na 'to.

Sa kasamaang palad makaraan ang ilang araw na binigay niya sa akin ang posisyon na 'to ay naghiwalay naman kami. Malas niya nga lang kasi May pinirmahan akong kontrata na nagsasabi na magiging ganon ang pwesto ko hanggang kaya ko.

"Ma'am tinatawag na po kayo sa loob ng board meeting." sabi ng secretary ko na kaibigan ko. Tumango lang ako sa kaniya at dinala na ang kailangang dalhin. Nakakatawa nga lang kasi pag nasa loob kami ng kumpanya ang galang nila sa akin pero pag nasa labas na kami. 'Wag na kayong umasa na magalang pa yan.

Nakarating na ako sa tapat ng meeting board at pinagbuksan naman agad ako ng bodyguard nito.

"I've been waiting for you. You're late!" mahina at pabulong pero galit na saad ng CEO namin o para madaling sabihin ng 'ex' ko. Nginitian ko lang siya at umupo na sa upuan ko.

Wala naman akong gagawin dito kasi Di ko ugali yun. Makikinig lang ako at magbibigay ng decision kung karapat dapat ba yung client na pinipili nila. Wala namang paki sa akin yang CEO na yan kung gagawin ko ba o hindi yung trabaho ko.

Ang sa akin lang naman kailangan ko ng pera para makauwi na ako sa Pilipinas. Nakalimutan kong sabihin na nasa Korea kami ngayon. Yung dati ko kasing nobyo ayaw kumuha ng kliyente sa Pilipinas. Ayaw niya ring nagbabakasyon kami doon kasi tatakas daw ako. Kapal talaga ng mukha non.

Lumipas ang ilang minuto sa pagd-discuss kung makatutulong ba sila sa kumpanya namin at sa kanilang desisyon na iyon.

"So ma'am." Tumingin sa akin Si Mr. CEO. "What is your decision?" tanong niya sa akin. Ano daw? Eh bakit pati ako tatanungin niya eh hindi niya naman sinabi sa akin na isa ako sa magd-decision! Binigyan ko siya ng bakit-pati-ako look pero nag smirk lang sa akin ang maniac.

"Ah..So my final decision is we should accept them because they said that they could help our company, right? So if we didn't succeed we will pull out all of our shares to their company. In easy way my answer is yes." Kalmado kong sagot sa kaniya. Pasalamat siya at handa ako sa lahat ng oras.

"The decision is final. Welcome to the team." Sabi ni Mr. CEO at nagpalakpakan naman silang lahat. Salamat at tapos na rin ang discussion p'wede na akong umalis sa lugar na 'to.

Lumabas na ako sa lugar na yon at pumasok na ako sa sarili kong opisina. Bahala na silang lahat diyan. Nakarating agad ako sa opisina at nilagay agad ang mga gamit ko sa lamesa.

MONSTA X ONE SHOTS ➖ (TAGALOG VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon