Kihyun 1.0

256 7 2
                                    

Kihyun 1.0

Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa pag-iisip kung Ano ang isusunod ko sa thesis namin. Kung alam ko lang na ganto pala talaga kahirap, sana tumigil na ako. Ngunit madami akong gustong gawin. Gusto ko makatapos sa pag-aaral para may mapatunayan ako sa magulang ko.

Inumpog ko yung sarili kong ulo sa lamesa at napamura na lang ako sa sakit na naramdaman ko. Ang tanga ko naman!

"Bakit mo ba inuumpog ang sarili mo?" nakarinig ako ng maliit na tining ng boses. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si kihyun sa harapan ko.

Dali-dali akong napa-ayos ng upo dahil sa kaniya. First time niya akong kausapin! Sino nga ba siya? Siya lang naman ang pinakamagaling sa lahat. Siya si kihyun ang taong hinahangaan ko.

"Ah..Nahihirapan kasi ako sa thesis ko." Nahihiya kong sambit sa kaniya. Ikaw ba naman ang gumawa nito tapos nakita ka pa ng hinahangaan mo. Malamang mahihiya ka talaga.

"Wag mong iumpog yung ulo mo dahil lang sa thesis. Dagdag sakit yan panigurado." Inalis niya yung kamay ko na nakaharang sa noo ko. "Tignan mo may bukol ka pa." He chuckled. Ang cute niya! Hinila niya ako patayo at inakbayan.

"Kakakilala pa lang natin pero naka-akbay ka na agad. Bawal yan!" Pabebe ko pang sabi kahit na kinikilig na ako. Tumawa ulit siya ng mahina at dinala ang mga gamit ko.

"Come on!" Sabi niya habang nauuna na siya sa harapan ko. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya ngunit may biglang humila sa akin.

"Aray!" Daing ko ng maramdaman ko ang pagkatanggal ng buhok ko sa anit. Jusq! Guluhin na nila ang lahat wag lang ang buhok ko!

"Sino ka para kausapin si kihyun? Malandi ka!" Sigaw sa akin ng babaeng hindi ko naman kilala. Ito ang ayaw ko eh ang madawit sa mga gulo.

"Let go of my girl." Mahina ngunit mararamdaman mo ang diin sa boses ni kihyun. Ang manly niyang tignan dahil doon. Binitawan naman nila ako ngunit sinampal niya ako bago pa ako humarap kay kihyun.

Mabilisang lumapit sa akin si kihyun at tinignan ang pisngi ko. Feeling ko bumakat yung kamay nung babae sa mukha ko eh. Napatayo ako ng maayos at lalabanan sana ang babae ngunit pinigilan ako ni kihyun.

"Stop. Ill handle this shit." Sabi niya at nginitian ako. Nilagay niya ako sa likuran niya at hinarap ang mga babae na nanakit sa akin.

"Before you lay down your hands on her. Fight me first!" mukhang natakot sila kay kihyun kaya bigla na lang sila naglaho na parang bula. That's quite scary.. First time kong makita si kihyun na galit.

"Lets go?" Sabi niya at nginitan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nabigla ako doon. Medyo mabilis talaga siya sa mga ganto eh. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko ngunit nagsalita siya.

"Tanggalin mo lang ang kamay mo. Hindi ko na mahahawakan ulit yan." Sabi niya sa langit at tumingin sa akin. Ano daw?

"Huh?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. "Tanggalin mo lang ang mga pangarap kong hawakan parang masisira na ang mundo ko." Makabuluhan niyang sabi. Mamaya pinapaasa lang ako nito ah.

Hindi ko na tinanggal ang kamay ko at dumiretso na kami sa clinic. Bumungad agad sa amin ang babaeng nurse na close ng lahat.

"Goodmorning kihyun. Ano ang nangyari sa girlfriend mo?" Nahila ko ang kamay ko kay kihyun ngunit ngumiti lang siya at hinawakan ulit ito.

"Inumpog yung sarili niya sa table ayun nagkabukol." Sabi niya at tumawa. Inaasar ata ako nito eh! "Pahingi ako ng cold compress nurse. Gagamutin ko lang yung girlfriend ko." What the? Pati siya girlfriend na ang tawag sa akin?

Binigay sa kaniya ng nurse yung isang cold compress at tinanggap niya naman. Umupo ako sa isang bed at hinayaan siyang gamutin ang bukol ko.

"Bakit ang bilis?" Tanong ko sa kaniya. "Anong mabilis?" Tanong niya pabalik. Maang-maangan pa kihyun. Sige lang.

"Bakit ang bilis ng mga nangyayari? Bakit girlfriend agad? Hoy hindi ka pa nanliligaw ah."

"Dont worry I'll court you everyday. I'll give you everything I can and I will love you endlessly. All I want you to do is be honest to me and love me back." Sabi niya habang ginagamot ang bukol ko. Mahal naman kita eh..

"Alam ko namang hinahanggaan mo rin ako at parehas lang naman tayo. Hinahangaan ko rin ang isang katulad mo. Meant to be na ba tayo?" Corny niyang sabi. Hinampas ko siya sa braso niya kaya diniinan niya yung cild compress sa bukol ko. Ayun syempre binatukan ko siya.

"I love you." Sincere niyang sabi sa akin. Love ko rin naman siya so why not?

"I love you more kihyun. Liligawan mo muna ako sa harapan ng magulang ko." Request ko sa kaniya.

"You dont need to say it to me. I'll do it without your request my queen."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MONSTA X ONE SHOTS ➖ (TAGALOG VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon