Hyungwon 1.0
Katatapos ko lang kumain ng breakfast pero dumiretso na agad ako sa gym para mag exercise. Mabait na bata right?
I'm the type of girl who wants to look good in front of other people. I'm maintaining my good image and I don't want anybody else to ruin that thing.
Ito na siguro ang nakasanayan ko, ang pumunta sa gym pagkatapos ng light breakfast. Just a cup of tea and a piece of bread. Naranasan ko na kasing ma-bully when I was in grade school.
I'm a big fat girl way back then and I'm quite satisfied with my body right now. Sa ngayon ayoko ng maranasan yung nangyari dati. It feels like I'm going to suffer everyday when I'm fat.
Dumiretso na agad ako sa routine ko sa loob ng gym. Minsan ginagawa kong exercise yung pagsasayaw, ayoko namang masayang yung pinaghirapan ko dati. Dance monster nga ang tawag nila sa akin dahil siguro sa sobrang hilig ko sa pagsasayaw na halos makalimutan ko ng mag-aral.
Sisihin niyo yung nagturo sa akin.
"Hi Madame." bati sa akin ng isang employee na nginitian ko lang. Yung nagturo sa akin ang may ari ng gym na to kaya kilalang kilala na nila ako.
"Nandyan ba siya sa loob?" Tanong ko sa Secretary niya. Tumango naman siya kaya pumasok na ako sa loob. Sanay na naman siya sa presence ko kaya hindi ko na kailangang problemahin kung may ginagawa ba siya or what.
"Goodmorning ba--" napahinto ako sa nakita ko. "Omy wrong door." Sabi ko at madalian na lumabas. Narinig kong bumagsak ang pinto kaya minadali ko ang paglalakad.
"Baby wait! Let me explain!" Sigaw niya sa malayuan. What the heck? Do you want me to listen to your explanation? No way. Nakita na ng dalawa kong mata yung pagtataksil mo!
Pinigilan ko lang na lumabas yung mga luha ko kasi ayoko ng nakikita niya akong umiiyak. Gusto kong makita niya naman akong maging malakas ngayong mawawala na kami.
"Baby please let me explain." Naramdaman ko ang mainit niyang yakap sa likuran ko. It gives me goosebumps. Pagkatapos niyang makipagpalitan ng halik sa babaeng yun, nandidiri ako.
Tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa bewang ko. Pinunasan ko muna yung luha ko bago maglakad ulit.
"Please..." pagmamakaawa niya.
Hinarap ko siya at nakita ko siyang nakaluhod. Nakita ko ang mga tao na nakatingin sa amin at halos sila ay natigil sa kanilang ginagawa.
I gave them a death glare. Ayokong nakikita nila ang mga gantong eksena. Gumagawa kasi ng eksena 'tong isang to.
"What happened earl? Ayaw mo na? Nagsawa ka na?" nakita ko siyang tumayo at tumingin sa akin. "Hindi mo ko nahintay? Ano?! Kasi ako nasaktan ako sa nakita ko!" Sigaw ko sa harapan niya. Tumingala siya at pinipigilan ang mga nagbabadyang luha.
"Sa tingin mo ba makikinig ako sa explanations mo ha? Sa tingin mo?!" Pinalo ko ang dibdib niya at nilakasan ko yun kasi naiinis ako. Naiinis ako na pinagpalit niya ako!
Pinigilan niya ako at niyakap. How can you do this to me earl?
Lumayo na ako sa kaniya at tuluyan ng lumabas sa lugar na iyon. Nagkulong lang ako sa kwarto buong maghapon. Halos walang ngang katapusan yung pagtulo ng luha ko.
Ngayon ko lang to naranasan eh. Halos mapiga yung puso ko ng makita ko siya kasama ang ibang babae.
8pm na pero hindi pa rin ako nalabas ng kwarto. Tumigil na din ako sa kakaiyak. Why would I waste my tears from the wrong guy? Naisipan ko na lang na ilabas tong nararamdaman ko.