Minhyuk 1.0
I have this guy bestfriend who looks like a cute kitten. Medyo makulit nga lang. I don't know if pinakain ba siya ni tita ng mikropono sa sobrang lakas ng boses niya. Walang ngang preno kung magsalita eh.
"Psst.." Sabi ng isang nilalalang na kahit naman na ganiyan lang gawin niya halatang siya na yun. Tsk! Sawa na kaya ako sa boses niya!
"Minhyuk..lumabas ka na nga diyan. I'll punch you." pagbabanta ko kaya lumabas siya sa pinagtataguan niya at humarap sa akin.
Nandito kami ngayon sa beach na malapit lang sa bahay namin dito sa province. Close naman sila ni mama kaya sinama na din namin siya kasi boring daw sa bahay nila.
"Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin. Natutunaw ako Minhyuk. Lumayo ka nga sa akin! "Kasi hindi ako dalawa." sa sinabi kong yun ay mabilisan niya akong binatukan. Child abuse oh!
"Wala ka talagang kwenta kausap. I want you to know that I'm quite bored right now and I want to swim." sabi niya at hinila ako. Wait hindi pa ako ready!
Naka swimsuit ako pero hindi ako sanay na magswimming pag kasama siya. Nakakahiya kaya!
"Minhyuk! Wait nga lang. Excited ka ba? Naka swimsuit lang ako noh! Sa tingin mo ba papayag ako magswimming ng walang t-shirt sapakin kaya kita?" Sabi ko sa kaniya pero binalewala niya lang yun at tuluyan pa rin akong hinila.
Lumapit ako ng kaunti sa kaniya kasi nakatingin na yung ibang lalaki sa akin. Langya ka talaga Lee Minhyuk! Mapapatay talaga kita!
"Hoy Minhyuk.. Nahihiya ako. Nakatingin yung ibang lalaki oh." Mahina kong bulong sa kaniya. Huminto naman siya at tumingin sa paligid niya. Sige baliw ka kasi eh!
Lumayo siya ng kaunti sa akin at napanganga ako sa ginawa niya. Bastos! Naghubad lang naman kasi siya sa harapan ko noh!
Hinigit niya ako sa bewang at pinalapit sa kaniya. "I don't want them to see your body. Stupid maniacs." Baliw! Ikaw kaya nanghila sa akin!
"Minhyukie pabo.." (Minhyukie stupid..) Wait let me breath Minhyuk! Hindi ako makahinga medyo malapit ka sa akin!
"You're the one who do this to me. Stupid! Sabi ko sayo hindi--" napahinto ako sa sasabihin ko ng ilagay niya yung index finger niya sa labi ko. Wala talaga siyang manners.
"Stop. Ang ingay mo kaya." Mas maingay siya ano?! "Wear this." Inabot niya sa akin yung damit niya na hinubad niya kanina. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Why would I wear that shirt?
"You'll wear this by yourself or I'll do it?" sabi ko nga ako na lang magsusuot. Hindi ko sana tatanggapin kasi damit niya yun eh. Pabebe pa ba tayo? Ako na nga ayaw na may nakakakita sa akin ng ganto aura ayaw pa tanggapin?
Bago ko pa maabot yung t-shirt niya ay hinila niya ako at siya na ang nagsuot sa akin nun. Parang naging estatwa yung katawan ko dahil sa ginawa niya. I didn't know that Minhyuk have this side of him.
Dahan dahan niya lang na sinuot sa akin ang damit na kahit na sa sobrang haba ng buhok ko Ay iningatan niya iyon na wag sumabit sa kahit ano.
Geez. Masyado siyang caring hindi ako sanay. Nakita niyo naman siguro kanina na binatukan niya lang ako dahil pinilosopo ko siya.