Dedicated to GabrielleSwift hi ateng!
세븐틴 💕
"Wow. Ganda ha." Pag puri mo nang makapasok ka sa campus.
"True ateng, para nag transform ang school. Hahaha. Look, ang daming booths." Turo ng bakla mong bestfriend.
Foundation day niyo ngayon at naisipan mo na pumunta para masilayan ang crush mong si Jihoon Lee.
Sikat si Jihoon Lee sa buong campus. Varsity sa soccer, lead vocalist ng banda, matalino, at syempre gwapo.
Pandak nga lang. Sabi mo sa isip pero nanlumo ka nang maalalang mas pandak ka sakanya.
"Ateng, andito ba si..?" Tanong mo sa bestfriend mo kaya kunot noo ka niyang nilingon.
"Sino?" Tanong niya pero pinanlakihan mo lang siya ng mata. "Ahh. I know na ateng. Oo. Remember may ano sila ngayon?" Sabi niya.
May special performance ngayon sila Jihoon kaya malamang sa alamang e nasa paligid lang ang crush mo.
Nilibot niyo na yung campus.
"Ay. What iz dizz?" Sabi ni bakla nang makalapit kayo sa booth ng mga bata.
"Ate, kuya--"
"Excuse me walang kuya dito." Pananaray ng bestfriend mo kaya tumawa ka nalang.
"Ano yun?" Tanong mo.
"Bili po kayo dito samin. Mag susulat po kayong letter sa crush niyo o kaya sa boyfriend niyo o kahit kanino. Kami po mag bibigay sakanila." Paliwanag ng bata kaya naisip mo agad si jihoon.
Bigyan din kaya ako ni Jihoon nito?
"Crush niyo po si Jihoon?" Tanong nung bata.
"Ha? Hindi a!" Pagtanggi mo.
"Sabi niyo po kasi, bigyan din kaya ako ni Jihoon nito?" Panggaya ng bata saka dun mo lang narealize na nasabi mo pala yung iniisip mo.
"Ay ehehehe. Nevermind nalang bebe. Alis na kami." Hinila mo na yung bestfriend mo saka naglibot nalang.
Hanggang sa umabot kayo sa jail booth.
"Whoops, bayad." Paniningil nung estudyanteng nagbabantay sa booth.
"Teka koyang, dadaan lang ho kami." Sabi ng bestfriend mo.
"Nabasa niyo yung nakasulat sa dingding? Bente para makadaan. May warning na kasing mga nakalagay tumuloy pa kayo dito." Sabi nung lalaki kaya napatingin ka sa dingding at puro signs nga.
"Ayan na o." Binigay na ng bestfriend mo yung bente saka nakadaan na.
Dadaan ka na rin sana kaso hinarang ka. "Bente." Sabi sayo.
"Ha? Hindi pa ba--" natigil ka kasi umiling iling na yung lalaki. Kinapa mo yung bulsa mo saka nalamang nawawala ang wallet mo. "Pwede bang kunin ko wallet ko--" muli kang inilingan.
"Hoy koyang. Seryosohan ba to? Baka ayaw mo lang kami paalisin? Ay sabihin mo lang kung crush mo ko ha?" Sabi ng bestfriend mo.
"Mandiri ka uy. Parusa niyo to sa hindi pagbabasa ng warnings. Pumasok ka sa kulungan miss." Sabi sayo.
Nagprotesta ka pa kaso sa huli e sumuko ka na saka pumasok sa kwarto.
Akala mo mag isa lang..
Kaso hindi..
"Jihoon.." Sabi mo saka wala sa sariling naturo nalang yung lalaking nakaupo at nakayuko.
Napatingin siya sayo. "Naiwan mo rin wallet mo?" Tanong niya.
Hindi ka makasagot.. Hello? Crush mo yan ng ilang taon tapos por de purs taym nakausap mo siya.
"Ah, hello?"
"Hi?" Alinlangan mong sagot saka natawa.
Natawa siya sayo. "Ako si Jihoon." Sabi niya saka nilahad ang kamay. "Ikaw?"
Nakipag handshake ka.
Shocks ang lambot.
"Ako.. Asawa mo.. Ako." wala sa sarili mong sabi at nang mapagtanto yun e bigla mong natakpan ang bibig mo.
Natawa nanaman si Jihoon. "Ang cute mo pala." Sabi niya. "Tatawagin nalang kitang pie. Cutiepie. Hahaha." Sabi niya.
Napangiti ka naman dahil dun. "Ah, jihoon.. Pwede may sabihin?" Sabi mo.
Tumango naman siya kaya huminga kang malalim at inabsorb lahat ng lakas ng loob. "Crush kita." Sabi mo.
Hindi nakaimik si Jihoon saglit pero bahagyang natawa. "Halata naman e." Sabi niya.
"Wag ka maiilang ha?" Sabi mo.
"No. Cute ka naman e."
"Pinky swear?"
"Hahaha. Oo. Pinky swear."
Saka pa kayo nag usap tungkol sa kung anu ano saka inalam ang isa't isa.
"Hahaha i like you." Bigla niyang sabi kaya napatigil ka. "--oh. No no. I mean.. I like you. Yung paranv i like you, you know?" Sabi niya.
Napangiwi ka lang saka tumango. "I like you rin."
Para ewab kayong nagngitian dun.
"Bestfriend labas na! I got your wallet!" Sigaw ng bestfriend mo kaya napalingon ka.
Ayoko pa huhuhu
"I guess. Mauuna ka nang makalabas. Hahaha." Sabi niya sayo kaya pilit kang ngumiti.
"Ganun na nga siguro.. Bye. Nice meeting you crush." Sabi mo saka tumalikod na para sana buksan ang pinto
"Ah, pie." Pagtawag niya sayo.
"Bakit?"
"Pwede kunin number mo?"
--
HAPPY 900 po! Keep spreading co-carats 😊 love lots.
Ps. DM/PM ME GUYS HIHIHI CHAT TAYIS.
BINABASA MO ANG
Seventeen Scenarios
FanficOne shot imagines for you, my fellow Carats! Saranghamnida ♡ cover by @TaestyPotaeto